Ano ang warm calling?
Isa ito sa dalawang tipo ng calls – ang warm at cold calling. Ang warm calling ay isang expression na ginagamit ng professional sales representatives para tumukoy sa pakikipag-usap sa warm leads. Ang call ay may label na warm dahil ang reps ay nagkaroon na ng naunang ugnayan sa customers na tinatawagan.
Ang goal ay mapanatili ang potential customer sa pakikipag-ugnayan sa produkto o serbisyo para madagdagan ang pagkakataon ng conversion. Kabaligtaran ito ng cold calling kung saan walang naunang ugnayan sa customer na balak ninyong kontakin.
Ang warm calling ay nagpapahiwatig ng dating ugnayan at ang relasyon ay umabot na sa puntong ang isang rep ay puwede nang makipag-deretsahan sa isang potensiyal na customer. Ang komunikasyong nauna sa warm calling ay puwedeng maging referral, isang interaksiyon sa business event, o direktang email campaign. Hindi katulad ng ibang strategies kung saan ito ay nakabubuo ng inbound leads, ang warm calling ay nakabubuo ng outbound leads.
Puwede itong magkaroon ng iba’t ibang porma, dahil nakadepende ito sa strategy ng business at ang pangyayari sa nakaraang touchpoints sa customers. Kung sakali, lahat ng initiatives ay nagsisimula sa follow-up na warm calls. Ginagamit ng sales reps ang pagkakataong ito para mag-schedule ng meetings sa potensiyal na customers o mag-discuss ng mga bagay sa phone.
Ang warm calling ay nagpapahiwatig na ang sales reps ay merong access sa contact data. Ang contact details ay napakahalaga para sa warm calling; hindi lang ang email address at phone number ng sales prospect ang kasama sa mga detalyeng ito. Nagpapakita rin sila ng nakalipas na interaksiyon sa customer at ang history ng pinamili nila.
Tandaan na ang customers ay mas marami kaysa sa sales reps. Ito ang dahilan kung bakit kailangan ng sales reps ang lahat ng tulong na makukuha nila mula sa platforms na nagse-centralize ng customer contact data sa all-in-one help desk software na may outbound calls support.
Paano gumagana ang warm calling?
Para tumakbo ang strategy ng warm calling, kailangan ninyong magtaguyod ng magandang foundation. Bawat matagumpay na warm calling initiative ay napapakinabangan ang mga koneksiyon sa isang potensiyal na customer. Para mailunsad ang sa inyo, kailangan ninyong gumawa ng sistemang makatutulong sa inyong maitaguyod ang relasyon at kinakailangang tiwala sa inyong prospects.
Ang pagkakaroon ng dating ugnayan sa isang potensiyal na kliyente ay ang tanging paraan para paikutin ang ordinaryong call sa kapaki-pakinabang na call. Meron nang level ng tiwala at koneksiyon para mas makuha ang interes ng lead sa pagbili ng isang produkto o serbisyo at ma-convert ang mas maraming calls sa sales.
Maraming paraan para magsimulang gumawa ng calling list. Isa sa mga pinaka-karaniwan na strategies ay pumunta sa maraming networking events hangga’t maaari. Ang events na ito ay gumagawa ng oportunidad para makakonekta sa sales prospects. Dahil may parehong B2C at B2B events, puwedeng mamili ang mga business ng pupuntahang events na angkop sa kanilang partikular na goals.
Ang ibang strategies ay ang paggawa ng isang email subscriber list at paglunsad ng email campaign. Puwede kayong gumamit ng indicators katulad ng downloaded attachments para makilala kung ang prospects ay handang tumanggap ng warm call. Kapag nakagawa kayo ng listahan ng warm prospects, oras na para gawin ang calls.
Ang call ang huling hakbang ng warm calling strategy. Ang sales rep ay dapat tumawag sa warm customer na may isang pakay – ang mag-set up ng appointment. Tandaan, hindi ninyo dapat unahin ang pagbenta habang nasa phone call maliban na lang kung kayo ang nagpapatakbo ng kompanya kung saan ang inyong reps ay nagbebenta exclusively sa phone. Ang pangunahing goal ay makapag-set up ng appointment kung kailan magaganap ang actual sale.
Ang phone call ay nariyan para hayaan ang sales rep na mag-assess ng koneksiyong meron sila kasama ang prospect at naaayong magpatuloy. Dahil ang prospect ay may tiwala na sa inyo at naiintrigang malaman pa ang tungkol sa inyong produkto at serbisyo, ang pag-convert sa kanila ay nagiging mas deretsahan na kaysa sa cold calling.
Ano ang sasabihin kapag gumagawa ng warm call
Mahalagang tandaan na ang sales reps ay hindi kailangan laging mag-improvise. Ang matagumpay na warm calling initiative ay batay sa isang warm calling script at praktikal na warm calling tips. Ang script ay dapat sumasakop ng iba’t ibang conversation scenarios na covered mula sa pakikipag-usap sa isang average buyer hanggang sa pakikipag-usap kasama ang C-level at VP buyers.
May daan-daan o libo-libo pa ngang warm call scripts na makikita online batay sa ibang answer techniques at mga proseso. Dahil iba-iba ang bawat business at ang target customers nila, pinakamainam na tumutok sa isang warm call script template. Makatutulong ito kung gagamit kayo ng kung ano ang alam ninyo sa inyong customers, brand image, tono ng boses, at general tips para sa matagumpay na warm calling. Ito ang makatutulong sa inyo para mapakinabangan ang mga koneksiyon sa prospective buyers at masagad ang conversion rates.
Narito ang isang simpleng template na susundan ninyo kapag kokontak sa warm prospective buyer:
- pambungad na agaw-atensiyon– Batiin ang prospects gamit ang kanilang pangalan.
- gumawa ng tamang pagpapakilala – Sabihin sa prospects ang inyong pangalan at kung anong kompanya ang inyong nirerepresenta.
- maging tapat – Ipaalam sa prospects kung bakit kayo tumatawag.
- pag-usapan ang produkto/serbisyo – Gamitin ang impormasyong meron kayo sa prospects para maging angkop ang produkto/serbisyong binebenta ninyo.
Maitataguyod ninyo ang inyong warm call script batay sa dalawang pinakamahusay na patakaran: mga tanong na open-ended at active listening. Ang mga tanong na open-ended ay makaka-facilitate ng usapan habang ang active listening ay pinapahusay ang mutual understanding at nagbubukas ng daan para sa sales rep na magtanong ng active question.
Tandaan na ito ay warm call, hindi sales call. Ang sales reps ay hindi magpi-pitch ng produkto o serbisyo. Sila ay makikipag-usap sa sales prospects na may focus sa prospects. Ang goal ay magtaguyod ng relasyon sa nailunsad na tiwala at pakilusin ang prospect. Normal lang na makitang maraming calls ang lumilihis sa script. Dapat hindi maalarma ang reps dahil sila ay may kalayaang mag-improvise kung kinakailangan.
LiveAgent’s call center offers numerous options when it comes to features.
With the right features, call center software can help you improve customer service, satisfaction, and sales. Ready to find out more?
Frequently Asked Questions
Ano ang warm calling?
Ito ay isang proseso ng pakikipag-ugnayan sa isang potensiyal na customer, sales rep, o isang kompanyang nailunsad na ang koneksiyon ninyo. Kapag nailunsad na ninyo ang relasyon sa isang sales prospect, ang warm calling ay isang diskarte para mabawasan ang problema ng rejection at makatulong na madagdagan ang conversion rates.
Paano gumagana ang warm calling?
Madaling maintindihan kung paano gumagana ang warm calling kapag alam na ninyo na ang sa gitna ng bawat diskarte ng warm calling ay sales prospects na may dati nang karanasan sa kompanya. Makikipag-ugnayan ang sales reps sa prospects na pakikinabangan ang tiwala at interes nila sa mga produkto o serbisyo para makabenta.
Ano ang sasabihin ninyo sa isang warm call?
Habang ang sales reps ay marunong mag-improvise sa warm call, mas mainam na gagawin lang nila ito kapag ang sales prospect ay lilihis sa script. Ito ay nagpapahiwatig na dapat meron kayong warm calling script at listahan ng warm calling tips bago mailunsad ito. Ang rule of thumb ay batiin ang prospect sa pagbanggit ng kanilang pangalan at sundan ng pagpakilala ng sarili, ng kompanya kung saan kayo nagtatrabaho, at bakit kayo tumatawag.
Cold calling ay isang traditional form ng telemarketing kung saan ang isang salesperson ay tumatawag para makontak ang potensiyal na prospects. Dapat ipaalam ng cold callers ang kanilang pangalan at iba pang impormasyon. Ang cold call ay dapat mas mababa sa 10 minuto at ang pinakamainam na oras para mag-cold call ay gitna ng 10 a.m. at 2 p.m. Puwede rin mag-automate ng cold calls gamit ang progressive dialer. Maraming paraan para mapatigil ang cold callers tulad ng paggamit ng call blocker device, call barring, o pag-report sa TPS o Active Fraud.