Ano ang organic social media?
Ang social media platforms ay nagpa-facilitate ng palitan ng impormasyon. Kapag ang palitan ng impormasyong ito ay kusa o natural, kinokonsidera itong organic at ang participants ay ang organic audience. Ang ginawa at ibinahaging palitan ang bumubuo ng organic social media. Sa konteksto ng social media marketing, ang organic ay nangangahulugan ding libre ito.
Organic social media para sa marketing
Kahit na kadalasang ginagamit sa mga pribadong pakay, ang social media platforms ay nakatutulong din sa mga may kinalaman sa trabaho at marketing activities. Bilang resulta, isinasama ng maraming brands at kompanya ang social media marketing strategies sa kanilang marketing efforts para sa sigurado at posibleng pagpapalaki ng growth rate nila. Ang magaling na pag-target at quality social media content ay puwedeng makapagpataas ng conversion rates.
Social media presence
Meron man kayong bagong brand o matagal na kayo sa industriya, kinakailangan ang pag-maintain ng social media presence. Gusto ng kasalukuyang audience at loyal followers ninyo na patuloy na may malaman tungkol sa improvements ninyo. Dagdag pa, puwede nilang mapahusay ang brand engagement rates ninyo sa pamamagitan ng organic na pag-interact sa social media, pakikipag-usap tungkol sa produkto o brand ninyo. Batay sa conversion rates, puwede ninyong suriin at i-adjust ang inyong social media content. Ang social media algorithms ay puwede ring gumawa ng customized feeds para sa customers ninyo.
Organic content
Mataas ang quality ng organic posts kung nakapabibigay ito ng mahahalagang content.
Relevance
Ang sobrang mahahabang social media posts tungkol sa produkto at serbisyo ay puwedeng makawala ng gana. Ang blog posts na nasa punto at may kasamang images at videos ay higit na mas mainam lalo na kung may pinupunto kayong target audience sa umpisa.
Timing
Kung may ilo-launch na bagong produkto o serbisyo, mag-post kayo nang regular para laging nakikita ng inyong audience. Puwede silang magbigay agad ng reaksiyon at gumawa ng tunay na organic user-generated na content.
Consistency
Ang literal na kahulugan ng pagbuo ng tiwala ay ang pagbuo at pagpapanatili ng relasyon sa inyong target at malawak na audience sa pamamagitan ng organic content. Gusto ninyong malaman kung ano ang sinasabi nila tungkol sa inyo sa social media channels at makapagbigay ng reaksiyon dito. Ang relasyong may tiwala ay batay sa mutual benefits kung saan ang inyong customers ay makaaasa sa patuloy na suporta ninyo.
Organic social media at customer care
Ginagamit natin ang social media platforms para sa professional pati na rin sa personal na mga pakay. At oo, ang work-life balance ay malaking challenge. Samakatwid, napakapraktikal na magkaroon ng ticketed na social media messages. Para ito sa focus ninyo sa trabaho at di maistorbo.
Try LiveAgent Today
LiveAgent is the best-rated and most reviewed all-in-one help desk software.
Frequently asked questions
Patay na ba ang organic social media?
Hindi. Pero malaki ang pinagbago nito. Para magamit ang potential nito, importanteng umayon sa mga pagbabagong ito. Hangga’t nakikipag-ugnayan ang mga tao sa social media, magkakaroon ng organic na aspekto rito.
Bakit kailangang mag-post ng organic social content?
Para mapanatili ang social presence ng inyong brand, makipag-ugnayan at suportahan ang kasalukuyang customers, balitaan sila at pagandahin ang relasyon ninyo pati na rin ang pag-extend sa mas malawak na audience. Mas maganda kung gagamitin nang sabay ang organic at paid social media.
Aling social media ang pinakamahusay sa organic reach?
Ang social media na pinakamagaling sa organic reach na madalas bisitahin ay ang Facebook, Twitter, Instragram, at Viber, at iba pa.
Expert note
Ang organic social media ay kung saan natural at kusa ang pagpapalitan ng impormasyon sa social media platform. Ito ay mahalaga para sa pagpapanatili ng social media presence ng brand at para sa content marketing.

Maraming gumagamit ng social media sa buong mundo, lalo na ang mga millennial at Gen Z. Ginagamit rin ito para tumingin ng impormasyon tungkol sa negosyo at para sa serbisyong kustomer ng parehong mga industriya ng B2B at B2C. Sa ilang socia media app, 18% na mga kustomer ang nakakumpleto ng kanilang pagbili. Kahit na mas maraming kumpanya ng B2B ay nakikipag-ugnayan sa LinkedIn, mas marami pa din ang nakikinig sa Facebook at Twitter.
Template na tugon para sa mga reklamo sa social media
Napakahalaga ng pagtugon sa mga reklamo ng mga kliyente sa social media. Ang mga kliyente ay may pagkakataon na ibahagi sa publiko ang kanilang masamang karanasan sa iyong negosyo, na maaaring makaapekto sa reputasyon ng iyong brand. Kapag nagreklamo ang kliyente, dapat magpasalamat at asikasuhin agad para maiwasan ang ibang mga reklamo. Ang mga modelo para sa pamamahala ng reklamo ay dapat sundin tulad ng pagkakaroon ng ugnayan sa kliyente, paglilipat sa tamang departamento, paghahanap ng dahilan ng reklamo, paghahanap ng solusyon, at paglutas ng problema. Mahalaga rin na magpaumanhin at magpasalamat sa kliyente dahil sa pagpapahayag ng kanilang reklamo.
Ang social media ay isang mahalagang platform para sa serbisyong kustomer sa parehong B2B at B2C industries. Mayroong higit sa 2.85 bilyong gumagamit ng Facebook, 1 bilyong gumagamit ng Instagram at 330 milyong gumagamit ng Twitter. Ang mga kumpanyang B2B ay mas nakakaranas ng pakikipag-ugnayan sa LinkedIn. Higit sa kalahati ng mga kustomer ay naghahanap ng impormasyon tungkol sa mga negosyo sa social media. Gayundin, 18% ng mga gumagamit ay ginagamit ang social media bilang mga plataporma sa pamimili at kumpletong mga pagbili nang hindi lumalayo sa kani-kanilang social na app. Ang social media ay isang popular na paraan para sa mga mamimili upang maghanap ng impormasyon tungkol sa mga negosyo.
Kailangan ng mga brand na magbigay ng active at mabilis na customer service sa social media. Dapat alamin ang mga tanong ng mga prospect at masiguro na nasasagot ng team lahat ng mga ito. Mahalaga ang pagtukoy ng KPIs at mga guideline ng team, pati na rin ang paggamit ng data para sa tamang training. Kahit gumagamit ng bots, dapat may empathy pa rin ang customer service. Ang magandang follow-up ay nakatutulong magkaroon ng loyal na customer. Mahalaga ang customer service sa social media na dapat nang napapraktis.