Alam ng matatalinong marketers ang potential ng social media activities sa pag-abot ng business goals. Dahil bilyong tao ang gumagamit ng social media araw-araw, lahat ay kasalukuyan o potential na customers ng mga produkto at serbisyo. Hindi na nakagugulat na ang social media advertising ang pangalawang pinaka-dominanteng format sa digital advertising (nangunguna ang search ads) at lumalago pa ito, ayon sa research team ng Statista.
Ano ang paid social media?
Ito ay isang uri ng advertising sa social media platforms na binabayaran ng mga business. Kasama sa options ang pay per click, influencer marketing, video ads kung saan binabayaran ang placement, etc. Kasama sa benepisyo ng paid social media ang mataas na exposure, bilis, at dalas ng pag-abot sa mas malawak o mas partikular na audience.
Social media budget
Puwedeng mag-iba ang presyo ng advertising sa social media. Puwede itong magsimula sa ilang sentimo bawat araw pero walang upper limit. Samakatwid, ang pag-strategize ng paid social media ng inyong brand ay nangangailangan ng business decisions at goals. Ang isang mabisang social media advertising campaign ay kailangan ng financial plan na pinag-isipang mabuti dahil kung maubos ang social media budget sa kalagitnaan ng campaign, puwede itong magkaroon ng masamang epekto sa buong investment.
Pagpili ng social media platform
Bawat social media platform ay may kanya-kanyang audience. Samakatwid, mahalaga ang tamang pagpili ng platform para sa inyong pakay. Puwedeng umabot sa halos tatlong bilyong users ang Facebook Ads, pero kung pipiliin ninyong mag-focus sa pay-for-click na uri ng ads, dapat ay batid ninyo na ang LinkedIn ang may pinkamataas na CPC habang ang Twitter naman ang may pinakmababa. (November 2021, Statista)
Kailangan maging attractive ang visual content ng inyong social media campaign, siyempre, hindi lang dahil may reward na may kasamang pricing benefits ang Facebook Ads.
Pag-target ng audience sa social media
Para makamit ang inyong goals, dapat tailored sa isang partikular na target audience ang social media advertising ninyo. Mahalangang isipin ang audience segments kapag nagpaplano ng social media advertising campaign dahil ang interes sa mga produkto at brands ay nag-iiba pagdating sa trabaho, edad, lugar, etc. Halimbawa, hindi ninyo gugustuhing magbenta ng snow shovel sa disyerto. Ang pinaka-ideyal na audience ay pareho sa inyong kasalukuyang customers. Batay sa ideal customers, puwede kayong gumawa ng kamukhang audience kapag tumitingin sa bagong teritoryo na maraming social media users.
Sa paid social media, nakakukuha kayo ng bilis, pag-target, at frequency, pero magandang ipagsama ito sa organic social media.
Siguraduhing namo-monitor ninyo ang social media activities ng inyong business at brand at nakatutugon kayo nang sapat.
Social media management under one roof
Social media support by LiveAgent is quick, efficient and cost-effective. Try it today.
Frequently asked questions
Kailan ang tamang oras sa pagsisimula ng paid social media?
Ito ay kapag naiplano na ninyo ang inyong social media advertising strategy at nagdesisyon na sa budget. Maganda rin ang masanay sa organic social media.
Paano mag-integrate ng paid social media strategy?
Una sa lahat, maging malinaw sa inyong advertising objectives at kung ano ang papel ng organic at paid social media advertising dito. Gamitin pareho kung saan sila magagamit nang husto.
Aling social media platform ang pinakamahusay para sa paid social media?
Depende ito sa inyong brand at business. Ang Facebook ang may pinakamaraming users, ang Instagram ay mas focused sa visuals, ang LinkedIn ay naka-focus sa professional networking, at ang Twitter ay nakatutulong na patuloy ninyong malaman ang mga balita at trends.
Expert note
Ang paid social media ay uri ng advertising sa mga social media platform na binabayaran ng mga negosyo upang magkaroon ng mas mabilis at mas malawak na exposure sa kanilang mga produkto at serbisyo.

Maraming gumagamit ng social media sa buong mundo, lalo na ang mga millennial at Gen Z. Ginagamit rin ito para tumingin ng impormasyon tungkol sa negosyo at para sa serbisyong kustomer ng parehong mga industriya ng B2B at B2C. Sa ilang socia media app, 18% na mga kustomer ang nakakumpleto ng kanilang pagbili. Kahit na mas maraming kumpanya ng B2B ay nakikipag-ugnayan sa LinkedIn, mas marami pa din ang nakikinig sa Facebook at Twitter.
Template na tugon para sa mga reklamo sa social media
Napakahalaga ng pagtugon sa mga reklamo ng mga kliyente sa social media. Ang mga kliyente ay may pagkakataon na ibahagi sa publiko ang kanilang masamang karanasan sa iyong negosyo, na maaaring makaapekto sa reputasyon ng iyong brand. Kapag nagreklamo ang kliyente, dapat magpasalamat at asikasuhin agad para maiwasan ang ibang mga reklamo. Ang mga modelo para sa pamamahala ng reklamo ay dapat sundin tulad ng pagkakaroon ng ugnayan sa kliyente, paglilipat sa tamang departamento, paghahanap ng dahilan ng reklamo, paghahanap ng solusyon, at paglutas ng problema. Mahalaga rin na magpaumanhin at magpasalamat sa kliyente dahil sa pagpapahayag ng kanilang reklamo.
Ang email ang pinaka-effective at pinaka-powerful na tool sa sales at marketing na may potential return on investment na umaabot sa 4400%. Mas maraming tao ang mas gustong makatanggap ng promo content sa email kumpara sa social media. Nade-deliver ang 90% ng email sa inbox ng intended recipient nito, kumpara sa 2% lang ng Facebook fans na nakakakita ng inyong posts sa kanilang News Feed. Mas malaki ang conversion rate ng email kumpara sa social, direct mail, at ibang channels. Gumawa ng canned messages para sa mas perpektong upsell at cross-sell messages. May mga email template para sa inbound lead, pagpapakilala ng sales, pag-follow up ng prospect, pag-launch ng bagong produkto, loyalty program, pag-upsell, offer ng pag-upgrade, at offer sa birthday ng customer.
Ang social media ay isang mahalagang platform para sa serbisyong kustomer sa parehong B2B at B2C industries. Mayroong higit sa 2.85 bilyong gumagamit ng Facebook, 1 bilyong gumagamit ng Instagram at 330 milyong gumagamit ng Twitter. Ang mga kumpanyang B2B ay mas nakakaranas ng pakikipag-ugnayan sa LinkedIn. Higit sa kalahati ng mga kustomer ay naghahanap ng impormasyon tungkol sa mga negosyo sa social media. Gayundin, 18% ng mga gumagamit ay ginagamit ang social media bilang mga plataporma sa pamimili at kumpletong mga pagbili nang hindi lumalayo sa kani-kanilang social na app. Ang social media ay isang popular na paraan para sa mga mamimili upang maghanap ng impormasyon tungkol sa mga negosyo.