Naging mahalagang bahagi na ng lipunan ang social media. Ito ay isang platform para makakonekta sa mga kaibigan at pamilya, makapag-shopping online, magkaroon ng pagkakakitaan, at para na rin sa marketing purposes. Ang marketing sa social platforms ay puwedeng libre o may bayad.
Ano ang mga pangunahing pagkakaiba ng may bayad na social media at organic?
Pareho silang…
… may kinalaman sa pakikipag-ugnayan sa mga kasalukuyang customer at pagkuha ng bagong audience sa social media platforms para makapag-promote, makapagbenta, at makapag-advertise ng inyong produkto, business, o brand. Pareho silang gumagamit ng kasalukuyang social platforms at nangangailangan ng social media presence. At, para epektibong magamit, pareho silang nangangailangan ng ilang skills.
Pero…
… libre ang organic social media.
Mas mainam ba ang may bayad kaysa sa organic?
Depende ito sa budget at business goal ninyo. May nagsasabing mas tunay ang organic posts. Sa kabilang dako, mas madaling maka-target ng audience ang paid pero puwede itong makasakit kaysa sa makatulong kung mali ang pagkakagawa dahil mawawalan kayo ng pera at oras. Ang magandang balita ay puwedeng mapag-aralan ang epektibong paggamit ng mga ito. Sa katunayan, pinakamakabuluhan ang pagsasama ng parehong strategies.
Bigo ang parehong strategies kung hindi nito natupad ang ipinangako o kung hindi kayo nakatugon sa followers sa social media.
Improve your social media customer service with LiveAgent
Social media support under one roof.
Frequently Asked Questions
Patay na ba ang organic social media?
Hindi. Pero malaki ang pinagbago nito. Para magamit ang potential nito, importanteng umayon sa mga pagbabagong ito. Hangga’t nakikipag-ugnayan ang mga tao sa social media, magkakaroon ng organic na aspekto rito.
Bakit kailangang mag-post ng organic social content?
Para mapanatili ang organic social presence ng inyong brand, makipag-ugnayan at suportahan ang kasalukuyang customers, balitaan sila, at pagandahin ang inyong relasyon.
Paano pagsasamahin ang paid at organic social media?
Kumuha ng skills para pareho itong magamit sa kanilang pinakamahusay na potential. Halimbawa, gumamit ng organic para sa pag-maintain ng magaling at suportadong mga relasyon sa kasalukuyang customers, at ng paid para maabot ang bagong target audience.
Expert note
Ang organic at paid social media ay parehong mahalaga sa pag-promote ng brand at makisalamuha sa customer. Depende sa budget at objectives kung alin ang mas magandang gamitin.
