Ano ang MOS sa VoIP?
Ang Mean opinion score (MOS) ay metric na ginagamit sa pagsukat ng VoIP call quality o audio quality. Sa halip na ilarawan ang inyong VoIP call quality sa paggamit ng walang katiyakang termino gaya ng mahusay o masama, ang VoIP MOS ay nagbibigay ng objective measure ng voice quality.
Sa pangkalahatan, ang MOS ay mula 1 hanggang 5 kung saan 5 ang pinakamahusay na VoIP call quality at 1 ay low quality of service. Ang mga score na ito ay mas tama kumpara sa pansariling tests at mga komento gaya ng “Ang dami naming choppy na voice calls.”
Ang pagsukat ng voice quality gamit ang MOS ay makatutulong sa pagkumpara ng dalawang magkaibang VoIP call providers. Halimbawa, puwede ninyong makita na ang business VoIP call service ay may mas mahusay at tuloy-tuloy na bilang ng MOS kaysa sa libreng service. Sa kasong ito, ang pagpili ng service na may mas mahusay na conversational quality (hal, mas mataas na bilang ng MOS) ay may katuturan.
Kapag apektado ang conversational quality ng inyong VoIP call, dapat ay magsagawa ng MOS check.
Ngayon, tingnan natin nang mas malalim ang mean opinion score (MOS) at kung paano kinakalkula ang quality measure na ito.
Measurement ng MOS
Sa praktis, ang karamihan ay gumagamit ng software para kalkulahin ang MOS. Hindi kailangang buksan ang excel o gumamit ng calculator para kalkulahin ang metric nang manual. Nakatutulong na malaman kung paano kalkulahin ang MOS para mas maintindihan ito.
Ang unang hakbang para kalkulahin ang MOS ay ang pagkuha ng sumusunod na data points. Tandaan na puwedeng gamitin ang network performance monitoring software para makuha nang mas madali ang numerical measure data.
- propagation delay – Sukatin ang oras na kailangan para mapadala ang individual digital signal sa buong network. Ang mas komplikadong network na may routers, switches, at ibang delays ay malamang na magkaroon ng mas mataas na propagation delay. Sa ibang paraan, sinusukat ng metric na ito ang one-way delay sa pagpapadala ng data mula sa inyong computer papunta sa taong tinatawagan ninyo.
- packetization delay – Ang time metric na ito ay kumakatawan sa oras na kailangan para i-convert ang impormasyon gaya ng tunog ng inyong pag-uusap sa digital na information (hal., voice packets) at sa huli ay ide-decode ito sa kabilang dulo. Pansinin na ang paggamit ng isang non-compressed na codec ay puwedeng may mas mababang packetization delay.
- jitter buffer – Ang digital data na kumakatawan sa inyong call ay hindi laging dumarating gaya ng inaasahan. Bilang resulta, kailangan ang delays para mabawi ang pagkakaiba sa oras ng pagdating ng packet. Kapag tumaas ang percentage ng packet loss, kailangang ipadalang muli ang voice packets. Nakadudulot ito ng mas maraming processing at buffering delays. Sa huli, ang problema sa jitter buffer ay nagiging isyu ng VoIP (voice over internet protocol).
Habang nagsisimula kayong matuto ng higit pa tungkol sa network performance monitoring, may ilan pang mga terminong dapat ninyong malaman para ma-diagnose ang mga isyu sa VoIP:
- RTP packet – Ang real-time protocol (RTP) ay naglilipat ng impormasyon ng boses o mga voice packet sa buong network. Iba-ibang factors gaya ng packet loss, jitter at latency ang nakaaapekto sa maayos na pagtakbo ng RTP packet. Ang pag-unawa sa RTP packet performance ay mahalaga sa maayos na pag-unawa sa VoIP statistics.
- packet counts – Ang metric na ito ay nakatutulong kasi inilalagay nito ang packet loss sa tamang konteksto. Halimbawa, kung ang inyong VoIP call ay may 50 packets bawat segundo at nawawalan kayo ng 5 packets bawat segundo, mawawalan kayo ng malaking bahagi ng call sa packet drop. Ang mga bilang ng packet na kasangkot ay nag-iiba depende sa VoIP codec na ginamit.
- packet loss simulation – Bago simulan ang isang VoIP call, puwedeng gumamit ng packet loss simulation para tantiyahin ang voice quality ng call. Para sa mga application na kritikal sa misyon tulad ng mahahalagang phone calls, mas maiging gumamit ng packet loss simulation para mahanap ang problema.
Ano ang mga benepisyo ng magandang MOS para sa VoIP?
Kailangang mapanatili ng inyong VoIP connection ang isang mahusay na MOS para masulit ang IP telephony. Sa pangkalahatan, ang acceptable score ay 4.3 hanggang 5. Gayunman, ang voice call quality ay puwedeng “ok” kapag ang inyong mean opinion score ay bumaba sa 3.6. Kung nakakakita kayo ng individual scores na mas mababa kaysa sa 3.6, ang pag-uusap ay mag-uumpisa nang magtunog-robot.
Tandaan na makatutulong na sukatin ang inyong MOS ilang beses sa isang araw para makuha ang average score. Sa paggawa ng ilang mga hakbang, makikita ninyong may panahong mas mababa ang bandwidth usage ng Internet connection ninyo.
Ang paggamit ng MOS para ilarawan ang quality ng inyong voice over IP ay mas mabuti kaysa malabong paglalarawan gaya ng “robot voice” o “excellent quality.” Kapag marami kayong Mean opinion scores, mas madaling pag-usapan sa network engineers ang mga paraan para maiwasan ang quality issues sa inyong calls.
Paano patataasin ang resulta ng inyong MOS?
Walang sinuman ang may gustong magkaroon ng masamang VoIP quality. Bago bumalik sa paggawa ng tradisyonal na voice calls, huwag mawalan ng pag-asa. May ilang simpleng paraan para makakuha ng mas mabuting audio signals.
Humingi ng tulong sa inyong Internet service provider
Umpisahan ang paghingi ng tulong sa pamamagitan ng pagtanong sa inyong ISP kung paano maiiwasan ang network congestion. Puwedeng magbigay sila ng mga paraan para mapabuti ang call quality sa buong network. Para ilarawan ang mga problemang inyong hinaharap, mag-offer na magpatakbo ng ping tool habang kausap ninyo ang technical support. Sa isang mas malawak na network ng kompanya, puwedeng gumamit ang IT ng network device monitoring tools para ma-diagnose ang dahilan ng mga problema ng kalagayan ng inyong VoIP. Sa ilang sitwasyon, puwedeng matunton ng network assessment ang dahilan ng mga network slowdown.
Puwedeng sabihan kayo na ang buong network ay nakararanas ng network errors na dala ng emergency maintenance. Sa sitwasyong ito, puwedeng hindi kayo masuwerte. Mag-reschedule na lang ng inyong calls sa ibang oras para makaiwas sa mababang quality ng inyong calls. Kung hindi, humingi ng tips sa inyong Internet service provider kung paano ima-manage ang network traffic sa inyong lokasyon para laging unahin ang phone calls.
Siguraduhing pag-usapan ang network latency sa inyong Internet service provider kung sakaling hindi nila ito babanggitin.
Humingi ng payo mula sa inyong VoIP service provider
Ang isang high-performance VoIP network ay dinisenyo para maiwasan ang choppy na calls, pero minsan, puwede pa rin itong mangyari. Puwede kayong gumawa ng ilang tests kung nagtatrabaho kayo kasama ng isang professional na VoIP provider na gumagamit ng mabilis na codec para sa VoIP calls. Puwede rin silang gumamit ng quality of experience (kilala rin bilang QoE para sa VoIP) testing. Isinasaalang-alang ng measure na ito ang pananaw ninyo bilang taong gumagawa ng voice calls. Bilang karagdagan, puwedeng gumamit din ng mean opinion score (MOS) para mas maintindihan ang sitwasyon ng inyong digital signal.
Pagkatapos kumuha ng impormasyon, tanungin ninyo ang inyong VoIP service provider kung ano ang magagawa para maiwasan ang tuluyang pagkasira ng voice quality. Puwede silang magbigay ng suhestiyon ng pagpapatakbo ng firmware update sa inyong modem o router. Bilang karagdagan, ang paglipat sa ibang microphone ay puwedeng makatulong na mabawasan ang ingay sa background habang may mga phone call. Sa pangkalahatan, ang isang residential VoIP provider plan ay puwedeng magkaroon ng mas kaunting kapasidad para mapabuti ang inyong voice signal quality.
Sa pag-summarize, may ilang paraan para mapabuti ang inyong VoIP MOS at makaroon ng mas magandang calls:
- bandwidth conservation – Patayin muna ang ibang gadget at apps bago gumawa ng calls para walang hadlang sa VoIP traffic.
- codec speed – Tanungin ang inyong VoIP service provider kung puwedeng gumawa ng codec speed change. Ang default na values sa codec settings ay hindi perpekto sa lahat ng sitwasyon.
- high-fidelity audio – Gumamit ng noise-cancelling headset sa calls para alisin ang ingay sa background.
Habang may progreso sa paggawa ng hakbang para mapabuti ang inyong voice quality, may ilan pang terminong puwede ninyong makaharap:
- rating factor – Tinutukoy nito ang formula na tinatawag na E model. Ang formula nito ay R = Ro – Is – Id – Ie +A + W. Ang bawat variable sa modelong ito ay isang separate rating factor na sa huli ay naglalarawan sa quality ng call.
- advantage factor – Isang variable sa E model na kumakatawan sa kaginhawaan sa end-user. Ang ipinapalagay ng modelong ito ay puwedeng tiisin ng mga tao ang mas mababang voice quality para sa kaginhawaan (hal., ang pagpayag ng maraming tao na tiisin ang mga isyu sa quality sa isang call sa cellphone)
- base factor – Ito ang “Ro” sa E model. Tinutukoy nito ang epekto ng ingay sa background na puwedeng makaapekto sa quality ng factor.
Ready to start using VoIP services?
LiveAgent created the call center features to provide superior customer communication via phone.
Frequently Asked Questions
Ano ang MOS value sa VoIP?
Ang Mean opinion score (MOS) ay isang metric na ginagamit para masukat ang VoIP call quality. Ang MOS ay mula 1 hanggang 5, kung saan 5 ay ang pinakamahusay na VoIP call quality at 1 ang mababang quality of service.
Ano ang meron sa MOS?
Ang MOS ay nakabatay sa ilang factors tulad ng propagation delay, packetization delay, at jitter buffer. Ang isang VoIP server na mahusay na na-configure ay malabong magkaroon ng mga problema, pero puwedeng tamaan ng mga ito ang anumang VoIP service.
Paano sinusukat ang MOS?
Habang posibleng sukatin nang manual ang MOS, kaunti lang ang gumagawa nito. Kung sinusubukan ninyong pagbutihin ang performance ng mga VoIP desk phone sa isang malaking kompanya, gumamit na lang ng network tools. Pinadadali ng specialized network tools ang pagsukat ng latency sa network.
Ano ang magandang MOS para sa VoIP?
Ang isang magandang MOS para sa VoIP ay nasa pagitan ng 4.3 hanggang 5. Kung puwede, pagsikapang mas ilapit ang inyong MOS sa 5.
Ano ang magandang internet speed para sa VoIP?
Karamihan sa mga eksperto ay may suhestiyon ng Internet speed na 5 megabits para sa pag-download at pag-upload para sa modernong VoIP. Ginagawang posible ng speed na ito na mag-browse ng web at magpadala ng email habang gumagawa ng VoIP call. Kapag nagbahagi kayo ng Internet connection sa iba pang tao (hal., 100 – 999 users sa isang malaking gusali), bumili ng pinakamabilis na serbisyo sa Internet na kaya ninyong bayaran.
Ano ang mga benepisyo ng MOS?
Ang MOS ay maaasahang diagnostic tool para paghusayin ang performance ng VoIP calls. Sa halip na ilarawan ang isang VoIP call na magaling o masama, makakukuha kayo ng objective score na hanggang 5. Kapag ginamit ito kasabay ng ibang network metrics gaya ng latency, napabibilis ng MOS ang pag-ayos ng mga problema sa quality.
Ano ang nakaaapekto sa inyong test VoIP MOS?
Merong ilang pangunahing factors na umaapekto sa inyong MOS: ang VoIP service provider, Internet service provider, at ang network. Para mapataas ang inyong test MOS at masiyahan sa mas mahusay na VoIP calls, magtrabaho tungo sa pag-optimize ng bawat MOS factor.