Ano ang jitter buffer?
Ang jitter buffer ay isang paraan para sa managing ng voice packets sa isang VoIP call. Kapag maayos ang proseso, maayos din ang VoIP traffic. Karamihan ng mga VoIP caller ay hindi mapapansin ang jitter buffers. Minsan, ang jitter buffer ay may mga problema dahil sa network congestion. Ang paggamit ng jitter buffer ay isang napakagandang paraan para mapahusay ang quality ng inyong voice call sa mga VoIP call. Ang pagtawag gamit ang VoIP jitter buffer ang nangangahulugan na ang quality ng inyong audio ay tataas.
Ano ang ginagawa ng jitter buffer?
Ang pinakamagandang paraan ng pagpapaliwanag sa silbi ng functionality ng jitter buffer ay sa pamamagitan ng paggamit ng halimbawa. Kapag kayo ang may VoIP call, ang inyong pag-uusap ay nako-convert bilang serye ng maliliit na piraso ng data na tinatawag na “packets.” Kapag ang packets na ito ay nakarating na sa kabilang dulo ng tawag, ito ay muling pinagsasama-sama sa tamang pagkakasunod-sunod.
Ngayon, isipin na ang inyong tawag ay may 100 packets ng data. Kung ang packet 90 ay dumating bago ang packet 10, ang pag-uusap ay magiging magulo at nakalilito. Isipin ang hirap ng pakikipag-usap sa pag-unawa sa isang tao kung ang kanilang mga salita ay dumating nang wala sa ayos! Ang nararapat na real-time communication sa customers ay imposible kapag masyadong maraming jitters ang nangyayari.
Para maiwasan ang ganitong uri ng problema, gumagamit ang jitter buffer functionality ng delay time. Ang time delay na ito ay nagpapahintulot sa lahat ng VoIP packets na dumating at maging organisado bago pa kayo may marinig. Ang sistema ay pansamantalang nagtatago ng packets para lahat sila ay maisaayos. Simulan muna sa default setting ng jitter buffer at tingnan kung masosolusyunan nito ang inyong jitter issues. Kung nagpatuloy ang problema, humingi ng tips sa inyong network administrator.
Dahil ang network congestion ay nag-iiba-iba sa buong araw, makatutulong ang paggamit ng adaptive jitter buffer. Puwedeng iorganisa ng adaptive jitter buffer ang inyong data sa maraming paraan para maiwasan ang buffering details.
All-in-one communication platform
LiveAgent offers virtual call center that works with VoIP phone system.
Kailan kailangan ang jitter buffer?
Karaniwang ginagamit ang jitter buffer para mapahusay ang kalidad ng audio sa VoIP systems. May mga ilang partikular na sitwasyon kung saan makabuluhan ang paggamit ng jitter buffer. Bago baguhin ang inyong VoIP service provider para mapaganda ang quality ng communication, gamitin muna ang tips na ito.
- Network congestion
Kapag maraming gumagamit ng iisang network connection, maaaring mahirapang humabol ang network. Sa ganitong sitwasyon, ang jitter buffer ay maaaring magpalakas ng quality ng audio. Kung humihina ang inyong internet connection sa pagdaan ng panahon, baka kailangan na ninyong mag-upgrade ng inyong internet service. Puwede ninyong masubaybayan ang kasalukuyang kondisyon ng inyong network sa pamamagitan ng paggamit ng libreng tool gaya ng speedtest.net. Ito ay libreng too na magsusukat ng inyong download speeds, upload speeds, at iba pang factors.
Sa panig ng LiveAgent, ginagamit lang ang bandwidth ng agent kapag ang inyong napiling VoIP provider ay nakapaglunsad na ng koneksiyon sa aming servers. Sundan ang link na ito para sa karagdagang impormasyon.
- Network latency
Kilala rin bilang lag, ang network latency ay maaaring magdulot ng packet loss at jitter. Dapat ang inyong max latency ay 150 milliseconds para sa pinakamahusay na performance, pero mas maganda ang mas mababa pagdating sa VoIP latency.
- Video conferencing
Ang isang video conferencing session ay nangangailangan ng mas malaking halaga ng bandwidth. Bilang resulta, kahit ang maliit na halaga ng network congestion ay maaaring maka-disrupt ng inyong video. Kahit ang pinakamagaling na HD video conferencing solution ay puwedeng maghirap kapag ang inyong internet speed ay overloaded.
- Problema sa voice quality
Kung mapapansin ninyong ang inyong download speeds ay bumabagal tuwing may bandwidth tests, makatutulong ang paggamit ng jitter buffer sa pagpapahusay ng mahinang voice quality na problema. Nakatutulong din ito sa para maiwasan ang bandwidth usage (e.g., video streaming) kapag gumagawa ng voice calls o conference calls.
It is also important to note that there are other causes of poor call quality. For example, your sound quality may suffer if you are using a wireless connection. In that case, using an ethernet cable can make your video calls and overall voice quality much better.
Completely browser-based video calling
Benefit from both chats and calls with LiveAgent's video call feature
Paano mag-set up ng jitter buffer?
Ang paglalagay ng jitter buffer sa lugar ay kadalasang diretsahan lang. Magsimula sa pakikipag-ugnayan sa inyong VoIP provider at sabihin sa kanila na i-turn on ang jitter buffer. Sa maraming pagkakataon, ang VoIP provider ang puwedeng mag-asikaso ng mga detalyeng teknikal para sa inyo.
Sa ilang pagkakataon, maaaring mangailangan ng karagdagang hakbang para i-turn on ang jitter buffer functionality. Halimbawa, ang inyong kompanya ay maaaring mangailangang humingi ng access sa VoIP networks. Kung maraming tao sa inyong kompanya na gumagamit ng VoIP service para makatawag, magandang ideya ang gumawa ng pormal na request sa inyong network administrator. Puwedeng magresulta sa mahinang Internet connection para sa iba ang pagsi-set up ng jitter buffer sa unang pagkakataon.
Provide a fantastic call center experience using VoIP services
LiveAgent offers over 50 integrations with a leading VoIP providers.
Frequently Asked Questions
Ano ang jitter buffer?
Ang jitter buffer ay isang paraan para maiwasan ang choppy audio at mapahusay ang sound quality sa VoIP calls. Gumagana ang jitter buffer sa pamamagitan ng pagdaragdag ng minimal delay sa inyong incoming voice packets at outgoing voice packets. Sa paggamit ng teknolohiyang ito, naiiwasan ninyo ang packet loss problem. Tandaan na ang jitter buffer ay may iba’t ibang anyo, gaya ng static jitter buffers at dynamic jitter buffers. Para makaiwas sa mga problema, panatilihin ang inyong jitter sa katanggap-tanggap na antas (i.e., 30 milliseconds). Maaaring tiisin ng mga residential VoIP users ang katanggap-tanggap na jitter na lampas sa 30 milliseconds kung sila ay may murang Internet connection.
Ano ang ginagawa ng jitter buffer?
Iniiwasan ng jitter buffer ang packet loss ng inyong audio calls. Bawat bahagi ng pag-uusap sa inyong audio stream ay sandaling nakatago sa buffer. Bilang resulta, ang oras ng pagdating ng partikular na packet ay walang epekto sa inyong audio quality. Sa teknolohiyang ito, puwedeng ma-disrupt ng packet loss ang inyong pag-uusap. Maaari kayong magsagawa ng pagsusuri ng jitter data para mapahusay ang performance sa VoIP calls.
Saan kailangan ang jitter buffer?
Maaaring imungkahi ng inyong network administrator ang paggamit ng jitter buffer sa ilang levels. Halimbawa, maaaring wala kayong option na gumamit ng ethernet cable. Sa kasong iyon, maaaring maghirap ang quality ng inyong audio kung ang inyong WiFi ay mahina. Sa pamamagitan ng paggamit ng jitter buffer, puwede ninyong maiwasan ang quality degradation problem. Kung may gumagamit ng video streaming habang kayo any may real-time communication, makatutulong ang jitter buffer. Ang jitter buffer ay makatutulong din para mapanatili ang kalidad ng inyong tawag kung ang network performance ay may variability sa pagdaan ng panahon.
Paano gumawa ng jitter buffer?
May ilang paraan nang paggamit ng jitter buffer mechanism para maiwasan ang problema. Kung nagtatrabaho kayo sa isang kompanya, baka hilingin ninyo sa inyong katrabaho na iwasang gumamit ng mga karaniwang pinagmumulan ng jitter gaya ng online gaming, video streaming, at ibang malalaking data downloads habang workday. Sunod, makipag-ugnayan sa inyong network administrator at sabihin sa kanila ang problema sa inyong voice quality tuwing may tawag. Kapag naintindihan na ng network administrator ang inyong sitwasyon, puwede na kayong magmungkahi ng paggamit ng jitter buffer functionality.