Kabisado ng mga internet telephony provider na gusto ng mga business user ng mabilis at murang communications solutions. Kaya naman naging popular ang Mobile VoIP. Patuloy ninyong basahin ito para malaman kung paano ginagamit ng mobile VoIP ang mga WiFi network at wireless Internet service.
Ano ang mobile VoIP?
Ang ibig sabihin ng mobile VoIP (kilala rin bilang mVoIP) ay ang paggamit ng isang cellular phone o mobile device para gumawa ng VoIP phone calls. Kung walang mobile VoIP, kailangan nakaupo kayo sa harap ng inyong computer para makagawa ng mga VoIP call.
Simple lang magsimulang gumamit ng mobile VoIP sa karamihan ng mga popular na mobile gadget. Mag-download ng VoIP app, ilagay ang inyong mga detalye, at i-check kung aktibo ang inyong Internet connection (Wi-Fi o mobile data), para puwede na kayong magsimulang gumawa ng voice over internet protocol calls sa inyong mga smartphone o tablet.
Paano gumagana ang mobile VoIP technology?
Merong ilang teknolohiyang kaakibat ang mobile VoIP, na sabay-sabay gumagana para makagawa ng mga call.
- VoIP service provider. Ito ay kompanyang nagta-transmit ng inyong mga call sa Internet at sa phone system. Ang VoIP service provider ay gumagamit ng advanced technology para mag-transmit ng mga call sa inyong Internet connection gamit ang data compression at iba pang teknolohiya.
- Mobile device. Kailangan ninyong gumamit ng compatible mobile device para sa mobile VoIP. Sa pangkalahatan, kahit anong modernong smartphone na may Android o Apple iOS ay gagana sa mobile VoIP. Bukod sa mga phone, puwede ring gumana ang mga tablet para gumawa ng mobile VoIP call.
- Isang high-speed Internet Connection. Para makasigurong meron kayong isang high-quality VoIP conversation, kailangan ninyo ng mabilis na connection. Kung ang offer ng inyong Internet connection ay 3 – 5 Mbps speed, magiging maayos ang mga call. Puwedeng i-test ang speed ng kasalukuyan ninyong Internet connection sa Speedtest. Puwede kayong gumamit ng Wi-Fi connection, isang mobile data Internet connection, o isang wired Internet connection.
- Mobile VoIP software. Mag-download ng app na rekomendado ng inyong VoIP service provider para makagawa ng mga call. Gagamitin ninyo ang app na ito para sa outbound at inbound VoIP calling.
Simulan na ninyong gumawa ng mga call bilang mga mobile VoIP user. Kayo ang pipili kung paano at kailan gagamitin ang inyong VoIP software para manatiling konektado sa mga kaibigan, katrabaho at pamilya ninyo.
Ang lahat ng teknolohiyang ito ay magtutulong-tulong sa bawat call na inyong gagawin.
Ano ang features ng mobile VoIP?
Ang partikular na features ng mobile VoIP ay iba-iba depende sa provider. Maraming mga VoIP service provider sa market, kaya makaaasa kayo ng maraming uri ng matatag na features.
- Outbound VoIP Calling. Kahit anong mobile VoIP service pa ang gamitin, meron kayong kakayahang magpasok ng phone number para tawagan ang sinuman. Ang ibang mga plan ay puwedeng magbigay ng mababang monthly fee para sa unlimited calling habang sa ibang kompanya ay puwede kayong makakuha ng mababang presyo sa kada minutong charge.
- Inbound VoIP Calling. Binibigyang kakayahan ng mobile VoIP ninyong tumanggap kayo ng phone call mula sa landline, mobile phone, international call, at call mula sa ibang VoIP brand.
- Mga call mula sa mga Wi-Fi hotspot. Maraming mga mobile gadget ang nakakakonekta sa mga Wi-Fi hotspot. Sa Wi-Fi hotspot, hindi kailangan ang inyong cellular network kaya nakakatipid kayo sa gastos sa mobile phone service. Kapag gumawa ng mga call gamit ang Wi-Fi, maiiwasan ng mga smartphone user na gamitin ang kanilang mobile data plan, na posibleng mas mahal ang rate.
Bukod sa mga dagdag na serbisyong nabanggit na, minsan nagbibigay ang mga high-quality mobile VoIP provider ng dagdag na serbisyo tulad ng voicemail, call forwarding, at mga conference call. Ang ilang VoIP provider ay nagbibigay din ng mga unlimited long-distance service para puwede ninyong tawagan kahit sino sa mundo nang hindi gumagastos nang mahal.
Ano ang mga benepisyo ng mobile VoIP?
Ang paggamit ng mobile VoIP service kaysa ng isang tradisyonal na landline phone ay makatutulong na makatipid ang business ninyo. Maraming mga VoIP service provider na may offer na unli call plan para hindi kayo mag-alalang makatanggap ng sobrang mahal na bill sa pagtawag sa inyong mga customer at vendor.
- Mga unli call. Magandang deal ang pagpili ninyo ng mobile VoIP service provider na nagbibigay ng unli call plan. Kaysa lagi na lang naghahanap ng pinakamurang rate, puwede ninyong bayaran sa iisang monthly fee ito at para na iyon sa lahat ng mga gagawin ninyong call.
- Hanapin ang mga pinakamurang rate. Una, sumahin ninyo ang mga tawag na kailangang gawin sa business ninyo. Halimbawa, kung lahat ng customer at empleyado ninyo ay nasa USA at Canada, ang pagbabayad para sa worldwide unli call plan ay hindi praktikal. Sa halip, maghanap ng mobile VoIP app provider na may offer na unli call sa mga bansang tinatawagan ninyo.
- Speed ng pag-set up ng mga bagong user. Habang sa unang tingin ay maganda ang pagkuha ng murang calls, hindi ito ang tanging dahilan para gumamit ng mobile VoIP. Sa pangkalahatan, mabilis mag-set up ng mobile VoIP kaya ang mga bagong empleyado ay mabilis na mabibigyan ng business phone service. Sa halip na maghintay ng pagdating ng bagong mobile handset, sabihin ninyo sa kanilang mag-download sila agad ng company mobile VoIP apps. Sa ilang minuto lang, handa na silang gumawa at tumanggap ng murang calls gamit ang bago nilang calling app at hindi na sila gagastos sa ekstrang mobile phone call.
- Support para sa Mobile VoIP para sa Business Travel. Baka kailangang bumiyahe ng ilan ninyong empleyado para sa trabaho. Kung ganoon, kailangan nila ng phone service na tutugon sa requirement na ito. Maganda ang mobile VoIP phone service para sa mga nagbibiyaheng empleyado o sa mga gustong mag-work from home.
Ano ang mobile VoIP apps?
Maraming iba-ibang mobile VoIP provider sa market ngayon. Para makatulong sa inyong pumili ng tama, narito ang ilang tips kung paanong makakapili sa lahat ng mga smartphone app.
- Android at iOS Support. Ang mga kompanyang tulad ng LiveAgent ay gumawa ng isang app para sa Android at iOS nang magamit ito ng mga empleyado anuman ang gamit nilang gadget.
- Business Focus (ibig sabihin, Mobile VoIP para sa Business). Maraming mobile VoIP provider na nakatutok sa pagsisilbi sa publiko sa halip na tutok sa business users. Kaya rekomendado namin ang paghahanap ng mobile VoIP provider na naka-focus sa pagsuporta sa mga business user. Puwedeng hayaan ng mga consumer ang minsanang technical glitch o mababang audio quality, pero ang mga problemang ito ay puwedeng maging di katanggap-tanggap sa isang business environment.
- Mga review. Kung marami kayong mobile VoIP apps na pinagpipilian, piliin ang provider na merong magagaling na review mula sa industry publications tulad ng PC Mag.
Set up your call center anywhere
LiveAgent offers call center and plenty of other features that can come in handy with customer communication. Curious about all the opportunities?
Frequently Asked Questions
Ano ang mobile VoIP?
Ang ibig sabihin ng mobile VoIP (kilala rin bilang mVoIP) ay ang paggamit ng isang cellular phone o ng mobile device para gumawa ng mga phone call. Kung walang mobile VoIP, kailangan nakaupo kayo sa harap ng inyong computer para makagawa ng mga VoIP call.
Paano gumagana ang mobile VoIP?
Ang mobile VoIP technology ay merong mga kaakibat na iba-ibang teknolohiya at serbisyong sabay-sabay gumagana, kasama rito ang Internet service provider, VoIP service provider, at mobile gadget.
Ano ang features ng mobile VoIP?
Ang partikular na features ng mobile VoIP ay merong kakayahang makagawa ng mga outbound call at makatanggap ng mga phone call.
Ano ang mga benepisyo ng mobile VoIP?
Merong ilang benepisyo ang paggamit ng mobile VoIP. Ang mga smartphone user ay puwedeng gumamit ng kanilang hawak na phone at kailangan lang nilang mag-download ng VoIP app. Bukod dito, ang paggamit ng isang mobile VoIP service ay makatutulong sa inyong business na makatipid kumpara sa paggamit ng tradisyonal na landline phone.
Ano ang mobile VoIP apps?
Maraming iba-ibang VoIP app sa market. Bago kayo pumili ng isa, siguraduhin munang compatible ito sa inyong mga Android at Apple gadget.