Inbound call

Ano ang inbound call?

Ito ay isang call na sisimulan ng customer at nakadirekta sa contact center ng kompanya. Ang incoming calls na ito ay kadalasang inaasikaso ng help desk agents sa inbound call centers. Hindi lahat ng inbound calls ay inaasikaso sa unang contact. Ilang customer inquiries ang mangangailangan ng mas maraming oras at pagsisikap para matagumpay na malutas.

Merong dalawa pangunahing tipo ng inbound calls:

  • customer service inbound calls โ€“ Mga calls na gawa ng kasalukuyang customers na naghahanap ng makalulutas ng kanilang reklamo o inquiries. Ang customer care agents ay susubukang malutas ito agad para mapanatili ang mataas na level ng customer satisfaction.
  • sales inbound calls โ€“ Ang isa pang tawag dito ay โ€˜warm calls.โ€™ Ang calls na ito ay kadalasan galing sa potential customers na may tanong tungkol sa produkto o serbisyo. Ang agents na nag-aasikaso ng ganitong tipo ng call ay sumasagot ng customer questions at sumusubok na makabenta.

Inbound vs. outbound calls

Ang pangunahing pagkakaiba sa pagitan nilang dalawa ay kung sino ang tumawag. Sa inbound call centers, ang agents ay nakatatanggap ng calls mula sa customers na sumusubok malutas ang problema o tanong. Sa outbound call centers, ang agents ang gumagawa ng calls sa kasalukuyan o potential customers. Kasama rito ang telesales, follow-up phone calls, market research, etc.

Inbound and Outbound Call Center Software

Paano hawakan ang inbound calls

Lahat ng customer-centric na kompanya ay alam na ang customer experience ay dapat laging nangunguna sa lahat. Importante na ang bawat customer care representative sa inyong call center ay may sapat na trainingย  at merong tamang telephone call handling skills.

At saka kailangan nilang maging updated sa inyong mga produkto at serbisyo para maibigay ang pinakamahusay na customer service.

Ang tuloy-tuloy na coaching at seminars ay nakatutulong sa agents na ma-develop ang skills at matutuhan ang lahat-lahat tungkol sa inyong mga produkto.

Ilan sa pangunahing practice para sa matagumpay na inbound calls ay ang sumusunod:

  • magtaguyod ng mga relasyon
  • panatilihin ang positibong attitude โ€“ Ang pagsagot sa negatibong tono sa isang frustrated customer ay hindi makatutulong kaninuman.
  • pagbigay ng personalization โ€“ Iparamdam sa caller ang kanilang importansiya at halaga.
  • manatiling tutok sa lahat ng bagayย โ€“ Ayaw ng callers na maghintay nang matagal. Ang pagtingin sa kanilang profiles o pagbabasa ng lumang interactions ay uubos ng mahalagang oras mula sa inyong client. Dahil dito, ang help desk software ay dapat naka-integrate na sa CMS CMS.
  • intindihin ang pangangailanganย โ€“ Maging maunawain, magalang, at matulungin sa lahat ng oras.
Contact fields feature in Customer service software - LiveAgent

Pagtataguyod ng isang inbound call strategy

Ang pangunahing goal sa pagtataguyod ng inbound call strategy ay para mapaganda ang customer experience. Ang inbound call center solutions ay kasama sa pinakamahal na customer support services. Samakatuwid, kailangan ninyong malaman kung paano pinakamahusay na mailaan ang inyong resources para masulit ninyo ang inyong budget.

Gumamit ng maaasahang contact center software

Kung gusto ninyong panatilihing updated sa makabagong standards ang customer care ninyo, ikonsidera ang paggamit ng multichannel contact center software (halimbawa LiveAgent). Makakahawak kayo rito ng customer inquiries mula sa maraming channels katulad ng calls, emails, social media messages, etc.

Ang ibaโ€™t ibang customers ay may pinipiling iba-ibang paraan ng communication at kailangan ninyong paghandaan ito.

Makapagbigay ng self-service options

Hindi lahat ng kliyente ninyo ay masigasig na makiki-reach out sa inyo sa bawat isyung kanilang naranasan. Ito ang dahilan kung bakit ang pagkakaroon ng self-service options ay importante. Hindi lang ninyo binibigyan ng kakayahan ang inyong customer na malutas ang kanilang sariling queries, puwede rin ninyong maasikaso nang mas mainam ang agent resources na meron kayo. Sa ganitong paraan, ang agents ninyo ay hindi na kailangan sumagot sa mga simpleng tanong at mas makakapokus sila sa mas demanding na problema.

customer-service-management-Self-service

Gumamit ng tamang tech

Maraming technical options para sa inbound call centers. Kilalanin ang inyong pangangailangan at mag-invest na sa pinakamahusay na solusyon.

Ilan sa mga kapasidad na dapat isaisip ay ang sumusunod:

  • interactive voice response โ€“ Sa IVR, ang callers ay makakapag-navigate sa phone system bago sila makipag-usap sa inbound customer center agents.
  • automatic call distribution โ€“ Iruruta ngย  ACD ang callers sa ibaโ€™t ibang agents o departments batay sa pre-defined criteria.
  • CRM integration โ€“ Binibigyan nito ang agents ng madaling access sa lahat ng recorded interactions ng isang customer.
  • call center software โ€“ Ang pagkaroon ng all-encompassing na help desk software na bibigyang kakayahan ang agents na mag-manage ng tickets, magsuri ng call recordings, at tingnan ang buong call history ay kinakailangan kapag nagpapatakbo ng inbound call campaign.
Call distribution settings in Contact center software - LiveAgent

Mag-track ng metrics

Napakaraming metrics ang kailangang tutukan pagdating sa pagpapatakbo ng isang call center. Ito ang pinakamahusay na paraan para kilalanin ang mga bagay na kailangang ayusin.

Ilan sa pinakamahalagang metrics sa inbound call centers ay ang sumusunod:

  • first contact resolution rate โ€“ ang porsiyento ng naresolbang inquiries sa unang interaction
  • average handle time โ€“ average na oras na inaabot sa pag-aasikaso ng call
  • average wait time โ€“ ang industry standard ay 20 segundo
  • customer satisfaction
  • abandonment rate โ€“ ang porsiyento ng dropped calls ng customers bago nakaabot sa customer care agent
  • service level โ€“ ang porsiyento ng calls na nasagot sa loob ng isang partikular na oras

Tukuyin ang procedures at policies ninyo

Sa sandaling meron na kayo ng lahat ng tech at staff na kailangan ninyo, maglaan ng oras para sabihin ang inyong patakaran nang maliwanag. Siguraduhing ito ay susunod sa lokal na batas. Mag-hire kayo ng isang abogado para matukoy kung lahat ay alinsunod sa batas.

Gumawa ng employee handbooks na maliwanag na nagsasabi ng karapatan at responsibilidad ng bawat posisyon sa inyong contact center. Siguraduhing lahat ay naiintindihan ang kultura ng inyong kompanya at kayang kumatawan sa brand ninyo.

Create a seamless service experience

Boost your customer support efforts with LiveAgentโ€™s multichannel contact center today.

Frequently asked questions

Ano ang ibig sabihin ng inbound call?

Ang inbound calling ay isang interaction kapag ang customer ay nakipag-ugnayan sa support o sales team sa phone. Kapag ang customer service teams ay nakatanggap ng inbound call, karaniwan ay tungkol ito sa inquiry o isang isyu ng customer. Kapag ang isang client ay nag-reach out sa inyong sales team, kadalasan ay meron silang tanong tungkol sa produkto o serbisyo ng inyong kompanya.

Paano hahawakan ang inbound calls?

Siguraduhing ang agents ay handa at trained para makapagbigay ng pinakamahusay na customer service. Dapat sila ay empathetic, matulungin, at dapat magsumikap na makagawa ng pangmatagalang relasyon sa customers. Ang pangunahing pakay ng inbound calls ay magbigay ng mataas na level ng customer experience.

Ilang calls ang dapat hawakan ng isang inbound agent?

Napakahirap mag-estimate ng average na dami ng inbound calls na dapat kunin ng isang agent. Ito ay dahil ang inbound calls ay reactive at ang dami ay nakadepende nang malaki sa ibaโ€™t ibang external factors. Ang simpleng formula para makalkula ang dami ng inbound calls na nakukuha ng agents sa isang partikular na panahon ay ang sumusunod: Bilang ng inbound calls / Bilang ng agents = Bilang ng calls bawat agent Puwede ninyong makalkula kung gaano karami ang inbound calls na kayang asikasuhin ng inyong agents sa araw-araw, buwanan, lingguhan, etc. Gayunman, ang focus ay dapat mas nasa metrics at performance reports. Puwede rin kayong magtanong ng customer feedback para malaman kung ano ang kanilang karanasan sa inyong serbisyo.

Balik sa glossary Gumawa ng LIBRENG account

Expert note

Ang inbound call ay tumutukoy sa tawag mula sa customer na nakadirekta sa contact center ng kompanya. Dapat maghanda ng sapat na training at bantayang masiguro ang customer satisfaction.

Andrej Saxon
Andrej Saxon
Sales manager
Ano ang pagkakaiba sa pagitan ng isang contact center at isang call center? Tuklasin ang mga benepisyo ng bawat solusyon, at tuklasin ang tama para sa iyo.

Contact center vs a call center

Ang mga negosyo ay gumagamit ng customer view upang makapagbigay ng mas magandang karanasan sa mga kustomer at maka-leverage ng cross-selling/up-selling. Mayroon ding self-service options ang mga call center at contact center tulad ng IVR systems at AI-driven chatbots. Mas maraming automation options ang contact center software kaya nakakatulong ito sa mga ahente na mag-focus sa pag-engage sa mga customer at mapaganda ang performance. Ang LiveAgent ay isang cloud-based na software ng contact center na sumasama sa halos 200 mga tampok tulad ng live chat, social media, at serbisyo sa sarili na portal. May mga benepisyo ang birtuwal na mga call center tulad ng awtomatikong pagruruta ng tawag at pagse-set up ng LiveAgent na call center at contact center.

Alamin ang tungkol sa automated call systems. Intindihin ang customer support concepts nang malaliman kasama ang simpleng mga paliwanag mula sa professionals.

Automated call systems

Ano ang automated call systems? Ito ay software solutions na nagbibigay ng cloud service features para gawing automatic ang phone calls. Puwedeng mag-record ng unique audio message para sa customer inquiries at mag-deliver ng pre-recorded voice messages sa mga leads at prospects. Puwede rin itong magpadala ng event reminders o emergency messages sa buong contact list at mag-deliver ng angkop na answering machine messages sa customer support calls. Ang pinakamainam na features nito ay ang custom phone menu systems, third-party integrations, at iba pang mga advanced features. Iwasan ang pangit na menu sa paggamit nito dahil ito ay puwedeng ikagalit ng mga caller.

Alamin ang tungkol sa power dialer. Intindihin nang malaliman kasama ang mga paliwanag mula sa professionals.

Power dialer

Ang Power Dialer ay nakatutulong sa mga kumpanya para sa mabilis at epektibong paraan ng pagtawag sa mga customer. Ito ay magandang solusyon upang mapataas ang productivity at conversion rate ng kumpanya. Ang LiveAgent ay may click-to-call dialing at auto dialing capabilities para sa outbound calls. Ang robo dialing service ay ginagamit ng maraming organisasyon at negosyo sa iba't ibang industriya. Ang automated call systems ay mga software na ginagamit ng mga kompanya upang sagutin ang mga tawag mula sa mga customer at magpadala ng pre-recorded voice message sa prospects. May listahan din ng pag-audit sa call center upang mapanatili ang kahusayan at epektibong pagganap ng call center.

Sa outbound call center software, makakagawa kayo ng outgoing call sa mga sales prospect, lead, o kasalukuyang customer. Ginagawa ang outbound calls sa iba't ibang kadahilanan tulad ng mas aktibong pagsuporta sa mga customer, cross-selling o upselling sa kasalukuyang mga kliyente, paggawa ng survey research, at iba pa.

I-streamline ang inyong outbound customer communication

Ang LiveAgent ay mayroong feature na magagamit ng mga B2B sales team na nagbibigay ng mas mabilis at mas madaling outbound call o email sa mga potensiyal na customer. Bukod pa rito, mayroong instant access sa mga komprehensibong customer insights na nakatulong sa mga sales agent upang makapag-offer ng mahusay na tulong sa mga kasalukuyang customer at mag-upsell o mag-cross-sell ng produkto. Sa pamamagitan ng outbound call center CRM software ng LiveAgent, mas madaling makakakuha ng customer insights tulad ng mga binili at natanggap na serbisyo ng mga customer.

Gumagamit ng cookies ang website namin. Sa pagpapatuloy mo dito, awtomatikong tatanggapin namin na may permiso kami sa pag-deploy ng cookies na nakadetalye sa aming polisiya sa privacy at cookies.

ร—
Mag-schedule ng one-on-one na tawag at alamin kung ano ang benepisyo ng LiveAgent sa inyong business.

Maraming petsa ang bakante

Mag-iskedyul ng demo