Ano ang dual-tone multi-frequency na pagsi-signal?
Ang dual-tone multi-frequency na pagsi-signal (kilala din bilang DTMF) ay isang teknolohiya ng telekomunikasyon para sa paglilipat ng impormasyon sa pagitan ng mga aparato ng telepono at mga switching center ng telepono sa pamamagitan ng in-band na mga tono ng audio na ipinadala nang higit sa mga voice frequency. Sa madaling salita, ang DTMF na pagsi-signal ay isinasalin ang naririnig na mga tono mula sa pagpindot ng mga key sa mga keypad ng telepono papunta sa nababasang impormasyon na ginagamit ng mga kumpanya ng telepono upang iproseso ang papasok na mga tawag sa telepono.
Ang isang network ng mga kumpanya ng telekomunikasyon na tinatawag na The Bell System ay ipinakilala ang DTMF noong 1963. Pagkatapos, ito ay naging tatak bilang ‘Touch-Tone’ para sa paggamit sa de-buton na mga telepono. Ito ay pangunahing ginamit para sa pagsi-signal ng telepono papunta at mula sa lokal na pagpapalit, bagama’t ginawa ng DTMF na posible ang tawag sa malayo at ngayon ay malawakang ginagamit sa mga telekomunikasyon at mga call center.
Gaya ng iminumungkahi ng pangalan, ang dual-tone multi-frequency na pagsi-signal ay gumagamit ng kombinasyon ng walong mga audio frequency na ipinadala na magkapares upang kumatawan sa labing anim na mga signal, kinatawan ng sampung numerong digit, ang mga letrang A hanggang D, at mga simbolong # at *. Ang mga key na A, B, C, D, ay natapos sa pagkakababa mula sa mga hanay ng desk phone ng konsumer at pangunahing ginagamit sa kagamitan ng radyo at panloob na kontrol ng network ng mga kumpanya ng telepono.
Para saan ginagamit ang dual-tone multi-frequency na pagsi-signal? ?
Ang DTMF ay gumagana sa pamamagitan ng pagtatakda ng walong magkakaibang mga audio frequency sa mga hilera at kolum ng keypad. Ang bawat hilera ng dayal ay binibigyang kahulugan sa pamamagitan ng isang mababang tono na frequency at ang bawat kolum sa pamamagitan ng mataas na tono na frequency. Kapag ang isang key na tumutugma sa isang numero o simbolo ay pinindot, ang telepono ay bumubuo ng isang tono na kasabay na sumasama sa mataas na frequency at mababang frequency na mga signal. Ang kakaibang pares ng signal na ito sa gayon ay ipinadala sa lokal na palitan at nai-decode upang matukoy kung aling numero ang dinayal at paano iruruta nang angkop ang tawag. Ang DTMF ay maaaring maipadala sa aktibong mga linya ng telepono, ang internet, at isang radyo.
Ang pangunahing gawain ng dual-tone multi-frequency na pagsi-signal ay ang pagtunton sa dinayal na numero at pagproseso ng impormasyon mula sa mga kustomer. Ang DTMF ay ginagamit sa iba’t ibang mga industriya na sumasaklaw mula sa telekomunikasyon (papasok/ papalabas na mga call center) at pinansyal na mga institusyon (mga bangko at credit card na mga kumpanya) hanggang sa seguro at pangangalaga sa kalusugan na mga organisasyon. Sa mga call center, ang DTMF na pagsi-signal ay pangunahing ginagamit upang iproseso ang mga kahilingan ng tagagamit, makamit ang impormasyon ng pagkakakilanlan, at iruta ang mga tawag sa telepono batay sa mga ipinasok ng keypad na ginawa ng tagatawag. Bilang karagdagan, ang DTMF na teknolohiya ay ginagamit na may kaugnayan sa IVR (Interactive voice response) at ACD (Automated call distribution) na mga sistema upang mapalayag ang mga menu ng papasok na tawag at tipunin ang sensitibong datos ng kustomer.
Call center features for better customer experience
Try out all LiveAgent's features today.
Ang paggamit ng DTMF na pagsi-signal ay may bilang ng mga pakinabang, tulad ng:
- Mas mataas na seguridad
Kapag dumating sa pagkakatoon ng input mula sa tagagamit, ang dual-tone multi-frequency na pagsi-signal ay nagbibigay ng isang mas mataas na lebel ng seguridad. Ito ay nagsisigurong muli sa mga tagatawag na ang kanilang sensitibong datos (tulad ng impormasyon ng credit card, numero ng social security, atbp.) ay protektado at ligtas mula sa maliyosong mga hangarin. Habang ang taenga ng tao ay hindi makapagbigay kahulugan sa tono ng DTMF, ang mga sensitibong impormasyon ng kustomer ay nananatiling nakahiwalay mula sa mga ahente at sistema ng pagrerekod ng tawag.
- Binawasang posibilidad ng mga kamalian
Gamit ang dual-tone multi-frequency na teknolohiya, mayroon lamang isang punto ng pagpasok ng datos. Kapag wala ang DTMF, ang tagatawag ay kailangang basahin ang datos habang ang ahente ay kailangan itong i-type sa kanilang desktop na aplikasyon, pinatataas ang posibilidad ng kamalian sa magkabilang dulo.
- Pinabuting mga metriko ng call center
Ang pagkakaroon ng input ng tagagamit sa pamamagitan ng dual-tone multi-frequency na pagsi-signal ay maaari ding magpabuti ng ilang papasok na mga metriko ng call center, tulad ng Katamtamang Oras ng Pangangasiwa (Average Handling Time o AHT). Dahil ang mga ahente ay hindi kailangang ulitin ang mga detalye ng tagagamit pabalik sa tagagamit upang kumpirmahin ang kawastuhan ng input, ang katamtamang tagal ng isang pakikipag-ugnayan sa isang tagatawag ay nabawasan. Bilang karagdagan, ang pinataas na seguridad na ibinigay ng DTMF ay maaaring mag-ambag upang pagbutihin ang mga lebel ng kasiyahan ng kustomer.
Ano ang pagkakaiba sa pagitan ng pulse na pagdadayal at DTMF na pagdadayal?
Ang pulse na pagdadayal at dual-tone multi-frequency (DTMF) na pagdadayal ay ang dalawang mga sistema na ginamit sa pagsi-signal ng telepono upang matunton ang numero ng telepono na dinadayal ng tagatawag. Sa pulse na pagdadayal, ang mga pulse ay nilikha sa pamamagitan ng mabilisang pagkukonekta at hindi pagkukonekta ng mga koneksyon ng telepono. Ang pulse na pagdadayal ay nagpapakita ng bawat numero sa numero ng telepono sa pamamagitan ng isang serye ng mga click na tumutugma lamang sa numerong iyon. Sa gayon, 1 ay kinakatawan ng isang click, 2 sa papamigitan ng 2 mga click, at iba pa. Ang mga numero ay dinadayal na may maiksing agwat sa pagitan ng mga pulse upang matukoy ang isang numero mula sa susunod. Ang pulse na pagdadayal na teknolohiya ay hindi na paaktibong ginagamit.
Ang DTMF na pagdadayal ay gumagamit ng magkakaibang mga tono upang ipakita ang isang naiibang numero. Sa gayon, sa halip na ipadala ang maramihang mga signal para sa bawat numero, kailangan lamang nitong magpadala ng isa sa bawat isa. Bago sa pagpapakilala ng DTMF na pagdadayal, ang mga network ng teleponong komunikasyon ay umasa sa pulse na pagdadayal. Subalit, nagkaroon ito ng pinsala na ito ay limitado sa mga koneksyon sa lokal na palitan at kinailangan ang isang madaliang tagapagpaandar para sa pagkokonekta ng mga tawag sa malayo. Simula sa paglulunsad ng DTMF, ang touch tone na pagdadayal ay naging pangunahing pamamaraan ng pagdadayal na dahan-dahang pumalit sa pulse na pagdadayal (kasama sa nakaugnay na paikot na dayal ng mga telepono.) Sa kabila nito, karamihan sa mga sistema ng telepono na gumagamit ng tono na pagdadayal ay maaari ding kilalanin at umandar kasama ang pulse na pagdadayal.
Efficient call center software just one click away
Start your 14-day free trial, no credit card required.
Frequently Asked Questions
Ano ang dual-tone multi-frequency na pagsi-signal?
Dual-tone multi-frequency (DTMF) na pagsi-signal, tinatawag ding touch-tone, ay isang sistema na ginagamit para sa pagsi-signal ng telekomunikasyon sa aktibong linya ng telepono sa banda ng voice frequency sa pagitan ng mga aparato ng komunikasyon. Sa tuwing ang numero ay dinayal, ang DTMF ay naka-decode sa pamamagitan ng lokal na palitan upang mairuta ang tawag. Ang DTMF na mga sistema ay gumagamit ng walong magkakaibang mga signal ng frequency na ipinadala na nakapares (isang mataas na frequency at isang mababang frequency) upang kumatawan sa 16 na magkakaibang mga numero, letra, at simbolo .
Para saan ginagamit ang dual-tone multi-frequency na pagsi-signal?
Sa araw na ito, ang teknolohiya ng DTMF na pagsi-signal ay malawakang ginagamit sa industriyang call center upang iruta ang papasok na mga tawag gamit ang mga ipinasok ng keypad na ginawa ng tagatawag at mga kahilingan ng tagagamit ng proseso. Kapag ipinares sa Interactive Voice Response (IVR), ang DTMF ay nagbibigay ng awtomatikong pamimilian sa menu ng serbisyo sa sarili at tinitipon ang sensitibong datos ng kustomer. Bilang resulta, may mga bilang ng pakinabang, tulad ng binawasang posibilidad ng mga kamalian, mas mataas na seguridad, at pinabuting mga metriko (binawasang katamtamang oras ng pangangasiwa ng tawag).
Ano ang pagkakaiba sa pagitan ng pulse na pagdadayal at DTMF na pagdadayal?
Ang pulse na pagdadayal at dual-tone multi-frequency na pagdadayal (tono na pagdadayal) ay ang dalawang mga pamamaraan na gamit sa pagsi-signal ng telepono upang kilalanin ang dinayal na numero. Ang pulse na pagdadayal ay gumagamit ng magkakaibang mga pulse na signal upang ipakita ang numero ng telepono na dinayal ng isang tagatawag, habang ang DTMF na pagdadayal ay gumagamit ng partikular na mga tono upang ipakita ang numero. Simula sa pagpapakilala ng DTMF, ang pulse na pagdadayal ay nawalan ng kanyang kahalagahan. Ang tono na dayaling sa ngayon ay naging pamantayan para sa mga kumpanya ng telepono sa buong mundo.