Ano ang call tag?
Anuman ang laki ng inyong call center, importante ang manatiling organisado. Kahit kakaunti ang mga kliyente, puwede pa ring malito ang inyong mga agent kung walang malinaw na organisasyon ng mga customer issues na kanilang kinakaharap.
Ang pag-tag ng inyong calls ang isa sa pinakakapaki-pakinabang na business practice. Ang pagdaragdag ng labels o call tags sa parehong incoming at outgoing calls ay magpapanatiling kontrolado ninyo ang mga bagay kahit na marami ang workload. Ang pananatiling organisado ang susi para mahusay na makapagpatakbo ng isang call center.
Ang call tagging ay isa sa advanced na call center features na makatutulong sa inyong makapagbigay ng magaling na customer service anuman ang uri ng business na inyong pinatatakbo. Ang pagtukoy sa angry customer calls, pag-track sa phone call conversion, at abandoned call rates ay makatutulong sa inyong mai-adjust ang inyong business methods para mapataas ang inyong conversion rate.
Ang LiveAgent helpdesk software ang nagbibigay ng maraming napagaling na call center capabilities kasama ang pag-tag ng inyong calls.
Bakit importante ang paggamit ng call tags?
Alam ng bawat mahusay na manager o business owner na ang positibong customer experience ang pinagmumulan ng kita ng isang matagumpay na business.
Ang pag-tag ng inyong phone call ay puwedeng makabawas ng bilang ng mga inaabandonang tawag dahil hinahayaan nito ang mga agent na mas epektibong mapuntahan ang phone interactions. Mas madali para sa kanilang sagutin ang phone at lutasin ang customer issues agad-agad kung makikita nila kung ano ang posibleng problema, mga detalye ng customer, o anumang kinakailangang impormasyon sa umpisa pa lang.
Kapag malinaw ang pagkategorya ng customer interactions, madali ninyong masusuri ang mga ito at matutukoy ang anumang trend o pagkakaparehong puwedeng lumitaw. Sa ganitong paraan, masusuri ninyo ang quality ng leads na galing sa inyong marketing campaigns at mamo-monitor ang productivity ng inyong call center.
Dagdag pa, ang pag-label at pag-categorize sa bawat customer service issue o complaint ay magbibigay-daan sa inyong makita ang anumang sales o support challenges nang mas maaga. Sa ganitong paraan, mapapalawak pa ang inyong campaigns (email campaigns, Google Ads, etc.), magagawang personal ang inyong pamamaraan (e.g. custom greeting), at mapalalago ang inyong sales.
Ang call recording ay isa pang importanteng tool para mas mapag-aralan pa ang customer interactions. Huwag kalilimutan na puwede rin ninyong i-label ang inyong call recordings para magamit ninyo ang mga ito sa inyong analysis, pagre-review, o kahit sa pag-train sa inyong bagong customer support team members.
Halimbawa ng call tags
Ilan sa karaniwang tags ay ang sumusunod:
- VIP customer
- technical support
- mga reklamo
- sinoling mga order
- caller reference
- dagdag na contact information
- department (sales, marketing departments, etc.)
Maliban sa listahan ng default tags, hinahayaan kayo ng LiveAgent na mag-assign ng custom tags sa inyong contact center interactions. Puwede rin kayong makagawa ng bagong custom tags na pinaka-angkop sa inyong business.
At puwede rin kayong magdagdag ng mandatory call tagging sa inyong business practice. Ibig sabihin, puwedeng mag-assign ang inyong agents ng ilang tags sa bawat matatapos na tawag. Ang ilang mandatory tags na puwedeng gamitin ay ang pangalan o ID ng agent na nag-asikaso ng tawag, department, phone number, etc.
LiveAgent has a built-in call center, so it’s easy to set up and use.
Get access to all of LiveAgent’s call center features, which include both basic and advanced call center functions.
Frequently Asked Questions
Paano maglagay ng call tags?
Depende ito sa software na inyong ginagamit. Makikita ninyo sa article sa itaas ang isang link na magdadala sa inyo sa isang detalyadong instruksiyon sa kung paano ilalagay ang parehong ordinaryong call tags, pati na rin ang custom tags sa LiveAgent. Sa tagging feature na ito, puwede ninyong ikategorya lahat, mula sa isang simpleng product inquiry hanggang sa mga angry call.
Expert note
Ang call tagging ay isang advanced na tool sa customer service na magpapanatili ng organisasyon sa isang call center at makakatulong sa pag-adjust ng business methods upang mapataas ang conversion rate.
