Ano ang kahulugan ng phone tag?
Tama namang sabihing lahat tayo ay nalilito minsan, o inis pa nga kung may tinatawagang tao. Kinokontak mo ang tao nang medyo may katagalan na pero hindi pa rin sila makontak. At kapag nakuha nila ang mga message ninyo at nalamang hindi nakalusot ang tawag ninyo,sila naman ang hindi makatawag sa inyo.
Ang sitwasyon o phenomenon na ito ay tinatawag na phone tag. Karaniwang pangyayari na ang hindi pagtatagpo ng dalawang tao sa phone.
Ang term na ito ay nabuo noon pang 1980s kung kailan sikat ang mga answering machine. Sinubukang tawagan ng mga tao ang isa’t isa gamit ang landlines para lang makatanggap ng isang pre-recorded message galing sa machine.
Sa ngayon, kaunti na lang ang gumagamit ng medyo luma nang technology na ito, pero ang “laro” ng phone tag ay hindi pa rin nawawala.
Bakit may larong phone tag na nangyayari?
Ang pagsali sa phone tag ay puwedeng parehong hindi sinasadya o sinasadya. Sa unang kaso, puwedeng isang simpleng hindi pagkakaunawaan lang ito, isyu sa scheduling, pagkakaiba sa oras, o sadyang hindi lang nagtatagpo ang dalawang tao na busy.
Gayunman, puwede rin kayong maging bahagi ng phone tag nang sadya. Minsan, iniiwasan ng tao ang mga tawag ng ilang partikular na indibidwal. Gayunman, mas madaling mag-iwan ng message sa isang answering machine o voice mail kaysa sa magkaroon ng real-time na usapan.
Anuman ang mga dahilan, kung maglalaro kayo ng phone tag nang mas mahabang oras, masamang phone etiquette ito.
Paano iwasang maglaro ng phone tag?
Sa pangkalahatan, kung ang phone tag ay resulta ng isang uri ng conflict kapag hindi kinausap ng isang party ang isa pang party, kaunti lang ang inyong magagawa.
Gayunman, kung hindi ninyo maabot ang isang tao batay sa iba pang dahilan, may ilang bagay kayong puwedeng gawin para mahinto ang phone tag:
- sumunod sa etika sa telepono – kung ang parehong partido ay nakatanggap ng dalawang mga voice message, ang taong nakatanggap ng pinakabagong mensahe ay maaaring huminto sa telepono tag sa pamamagitan lamang ng hindi pagtawag pabalik
- iskedyul ang iyong mga tawag – ituring ang mga tawag sa telepono bilang mga oras ng appointment na dapat mong dumalo
- mag-iwan ng detalyadong mensahe – ipaalam sa kabilang partido kung kailan ka eksaktong magiging available kung gusto pa rin nilang makipag-usap sa iyo
- gumamit ng iba pang paraan ng komunikasyon – ang ilang maikling pag-uusap ay maaaring isagawa sa pamamagitan ng email o instant messaging sa halip na direktang telepono mga tawag
Reach out to your customers effectively
Call center software solution allows your agents to deal with all customer support calls effectively. Discover features of LiveAgent's call center today.
Frequently Asked Questions
Ano ang definition ng phone tag?
Ang phone tag ay isang pangyayari kung saan ang dalawang party ay hindi magtagpo sa phone. Patuloy nilang sinusubukang tumawag pero nagreresulta lang ito sa maraming missed call o voice message.
Paano nagaganap ang phone tag?
Puwede kayong mapasali sa phone tag sa pamamagitan ng tuloy-tuloy na pag-miss ng calls at pagkatapos ay tatawag para lang ma-miss ang tawag. Puwedeng gawin ito ng parehong partido nang kusa o aksidente lang.
Paano mahihinto ang phone tag?
Makasisiguro kayong sumusunod kayo sa karaniwang phone etiquette. Higit pa rito, mas maii-schedule at mas maoorganisa ninyo ang inyong calls o puwedeng sumulat na lang kayo ng email o isang instant message kung hindi naman kailangan ang direktang pakikipag-usap.
Paano maiiwasan ang phone tag at makausap ang taong kinokontak?
I-schedule ang inyong phone calls at pagkatapos ay tiyakin ang pagsagot kung pumayag kayong gawin ito. Maging partikular sa oras kung kailan kayo mag-uusap.
Paano manalo sa phone tag?
Puwede kayong manalo sa mga laro ng phone tag sa pamamagitan ng pagkontak sa taong sinusubukan ninyong tawagan. Makahahanap kayo ng ilang makatutulong na tips sa article sa itaas o sa FAQ sa ilalim ng “Paano kami hihinto sa pagkakaroon ng phone tags?”.
Ang VoIP phone number ay mahalaga para sa business communication at customer service. Ito ay nagbibigay ng murang international calling at flexibility sa pagtanggap at pagtawag ng customer. Puwedeng malaman kung VoIP ang isang numero sa pamamagitan ng LRN lookup. Ang VoIP number ay nagbibigay ng mas mura at mas flexible na option kumpara sa regular phone numbers.