Ang social media ba ay nakaka-stress sa inyo?

Mag-relax na lang kayo habang LiveAgent na ang bahala sa conversion ng lahat ng notifications bilang mga ticket.

  • ✓ Walang setup fee    
  • ✓ 24/7 na customer service    
  • ✓ Hindi kailangan ng credit card    
  • ✓ Puwedeng ikansela anumang oras
Ginamit ng
Forbes logo
airbus logo
Nascar logo
USC logo
Social
Social media support software

Social media support sa loob mismo ng inyong help desk

Ang LiveAgent ay isang omni-channel help-desk software na kinokolekta ang lahat ng interaksiyon mula sa mga customer galing sa iba’t ibang social networks at lohikal na inaayos ito sa iisang lugar lamang. Sa paggamit ng LiveAgent para sa customer service, nakakapag-focus kayo sa mas mahalagang mga business task habang napapanatiling mataas ang customer satisfaction ninyo.

Ang social media support ng LiveAgent ay mabilis, mahusay, at sulit sa presyo. Subukan na ito ngayon.

Hayaan ang LiveAgent na mamahala ng inyong mga social media message

Lagi ba kayong naaabala ng mga social media message mula sa mga prospect at customer? Hindi na dapat. Ikonekta na ang lahat ng inyong social media channel sa LiveAgent at pakinabangan ang advanced automation nito. Dahil sa unlimited history at pinag-isang mga message, makukuha na ninyo ang kabuuang sitwasyon ng bawat taong kakausapin ninyo.

Ano ang kasama dito?

Facebook

Sa aming Facebook integration, tinatanggal na ang pangangailangang pag-monitor ng maraming device, account, at pag-share ng login credentials. Lahat ng agents ay puwede nang sumagot sa mga ticket na nasa universal inbox, kaya di na kailangang umasa pa sa isang Facebook page admin.

Madali lang gamitin ang Facebook integration. Ikonekta lang ang inyong Facebook business page (o mga page) sa inyong LiveAgent dashboard at simulan na agad. Anumang comment sa inyong mga post o mention ng inyong page ay awtomatikong nagiging ticket na puwede nang sagutin at ma-archive.

Youtube video: Facebook Integration Demo: How It Works
Facebook messenger chat app

Facebook Messenger

Sa Facebook Messenger integration ng LiveAgent, makakapag-chat ka nang real time sa inyong mga customer. Kapag nakakuha ng direct message ang inyong Facebook page, instant na magiging ticket ito na pupunta agad sa LiveAgent dashboard. Mas madali na kayong makakasagot, makapagpapadala ng attachment, o kahit makaka-click ng “Like” button.

Twitter

Sa Twitter integration ng LiveAgent, puwede nang ma-monitor ang lahat ng @mentions ng inyong page o anumang #hashtags na gamit ninyo.

Ikonekta lang ang Twitter account ninyo sa LiveAgent dashboard at piliin kung anong mga hashtag at mention ang gusto ninyong ma-monitor. Lahat ng mino-monitor na hashtag at mention ay awtomatikong magiging ticket na puwede ring awtomatikong maipadala sa anumang department na pinili ninyong ma-assign dito. Awtomatiko nang kukuhanin ng LiveAgent ang lahat ng mga tweet na binanggit ang mino-monitor ninyong mga keyword, at puwede na ninyong sagutin agad ang mga ito mula mismo sa inyong dashboard.

Youtube video: How to Monitor Twitter with LiveAgent
Youtube video: How to Utilize your Instagram Plugin in LiveAgent

Instagram

Sa Instagram integration ng LiveAgent, makikita at makasasagot kayo sa mga post na na-tag o na-mention kayo, pati na sa anumang comment sa mga post ninyo. Nasa LiveAgent universal inbox na ang lahat ng mga ticket kaya di na kinakailangang mag-monitor pa ng maraming mga device o account. Sa LiveAgent, nakatitipid ng oras ang inyong mga agent, napapabilis ang kanilang response time sa mga query, at nadaragdagan din ang pagiging produktibo nila. Subukan na ngayon din.

Viber

Sa Viber integration ng LiveAgent, matatanggap at makasasagot na kayo ng mga Viber message sa inyong universal inbox. Panoorin kung paano ito gumagana sa aming demo video!

Youtube video: Viber Integration Demo | LiveAgent

Mga kapaki-pakinabang na features para mapabilis ang inyong social media support

Hindi na ninyo kailangang gumugol ng maraming oras sa social media para lamang masagot agad ang inyong mga customer.

Ang bawat message mula sa mga social media channel ay mapupunta lahat sa iisang lugar kung saan din pumapasok ang lahat ng mga email, chat, at call ninyo.

Pumili sa daan-daang mga trigger at kondisyon sa pag-automate ng inyong mga workflow at proseso.

Gumamit ng mga partikular na tag o hiwa-hiwalay na department para mas mapangasiwaan ang inyong mga social media support channel.

Dagdagan ang pagiging produktibo ninyo sa pamamagitan ng paggamit ng mga canned message, pagdagdag ng mga attachment, at pagsingit ng mga note.

Peter Komornik

Pinagsasama ng LiveAgent ang mahusay na live chat, ticketing at automation na nakatutulong sa aming magbigay ng mahusay na support sa aming customers.

black Slido logo

Software na matino ang pagpresyo

Ibang proseso ang tinahak namin, di tulad ng ibang software sa market. May offer kaming ilang channel bilang add-on para makatipid kayo, lalo na kung marami kayong mga agent. Sa aming malinaw na pagpresyo, ang babayaran lamang ay kung anuman ang ginamit ninyo.

Add-on

Add-on

Bayaran ang mga social media channel kung kailan lang ito gagamitin.

$39 /buwan
All-Inclusive

All-Inclusive

Bawat LiveAgent feature kasama ang social media support.

$39 /buwan

Maging angat sa kompetisyon

Sa pag-streamline ng inyong social customer service sa help desk software, nagiging angat kayo sa kompetisyon. Mas gugustuhin ng customer na makipag-ugnayan sa inyo nang mas mabilisan nang di na iisipin kung aling channel ang gagamitin nila para makakuha agad ng sagot sa inyo.

Tandaan na ang dating maaasahang mga email ay unti-unti nang napapalitan ng real-time live chat, call center software, at pag-message sa social media. Sa LiveAgent, puwede kayong makapagbigay agad ng kasagutan. Kaya makatutulong ang pag-invest sa isang customer service software sa pagbibigay ng mabilis, madaling gamitin, at maayos na daloy ng customer support.

Have a competitive advantage

Hindi maaaring magkamali ang higit sa 30,000 na business

Basahin ang aming mga success story at testimonial para malaman kung paano mapapaigting ng LiveAgent ang inyong customer support at nang madagdagan ang kaligayahan ng inyong mga business partner.

Gamitin sa paraang nais ninyo

Umaayon ang LiveAgent sa laki ng inyong kompanya at sa anumang industriya. Matagal na kaming tumutulong sa iba’t ibang uri at laki ng organisasyon. Basahin kung ano ang masasabi nila tungkol sa paggamit ng aming software.

Business bag - icon

Mga Business Solution

Mga Start-up at Korporasyon

Enterprise

Gobyerno

Akademya at NGO

Industry Solutions - icon

Mga Industry Solution

Ecommerce at Mga Serbisyo

Travel at Accommodation

Marketing at Telco

Entertainment

Mga dahilan kung bakit dapat gumamit ng social customer service software

Nagtataka ba kayo kung bakit nagsimulang gumamit ang ibang kompanya ng social customer service software sa halip na diretsong gumamit ng social media para kausapin ang mga customer nila? Napapagod na kasi silang mag-monitor ng iba’t ibang mga device, mag-share palagi ng login credentials, at magpalipat-lipat ng napakaraming tabs! Problema rin ba para sa inyo ang mga sumusunod?

Smiley face icon

Di nakikita ang kabuuang sitwasyon

Mahirap bang sundan ang usapan sa isang customer dahil sa naganap ito sa ibang channel dati? Tina-track na ng LiveAgent ang lahat ng iyan.

Clock icon

Maraming oras ang nasasayang

Palagi ba kayong palipat-lipat mula sa isang software papunta sa isang hardware? LiveAgent na ang gagawa ng trabaho para sa inyo.

Web icon

Mahirap pangasiwaan

Iba’t ibang profiles ba ang hawak mo sa iba’t ibang social network? Sa LiveAgent, puwede mo  na silang pangasiwaang lahat mula sa iisang dashboard na lang.

Ano ang social media customer service?

Ang social media customer service ay medyo bago-bagong software niche. Ang pangunahing layunin nito ay ang kolektahin ang lahat ng message at mention ng brand ninyo mula sa iba’t ibang social networks para ilagay lahat sa iisang sistemang gagamitin ninyo sa pakikipag-usap sa inyong audience.

Ang pangunahing benepisyo ng ganitong omni-channel help desk system ay makikita ninyo mula sa iisang lugar ang lahat ng interaksiyon ng isang customer na naganap sa iba’t ibang channel. Ang bawat message ay nakapaloob na sa iisang ticket dahil sa hybrid ticket stream na siyang nakalagay sa iisang universal inbox.

What is social media customer service
How to choose social support system

Paano pumili ng social support system?

Kung nais na ninyong suportahan ang inyong social media audience sa labas ng mga social network, mas mainam kung isusulat ninyo ang lahat ng requirements ng system. Sa unang round, tingnan kung gusto ninyong ilagak ang lahat ng email sa iisang lugar lamang na kapareho ng lugar kung saan ninyo natatanggap ang inyong mga social media message.

Pagkatapos, baka nais ninyong mag-offer ng live chat support, magdagdag ng inbound call center, o magbigay ng self-service support gamit ang knowledge base. Panghuli, baka nais rin ninyong magkaroon ng platform tulad ng customer portal kung saan makikita ng mga user ang lahat ng kanilang mga request, makakapag-post sila ng mga tanong sa isang forum, o makapagbibigay sila ng feedback o mungkahi.

Huwag nang magdalawang-isip at subukan na ang LiveAgent ngayon

Ang LiveAgent ang most reviewed at #1 rated help desk software para sa mga SMB noong 2020. May dahilan ito. Binibigay kasi namin ang world-class help-desk software na lumilikha ng mahusay na ugnayan ng inyong team at customer. Subukan ang LiveAgent ngayon sa aming libreng 14-araw na trial, o subukan ang libreng bersiyon ng LiveAgent. Malugod namin kayong aasahan.

Don't hesitate, try LiveAgent today
Social media support comparison

Paghahambing ng social media support

Kung ang hanap ninyo ay ang pinakamahusay na help desk system na may social media support, kailangang ihambing ang iba’t ibang option. Ang multi-channel help desk ay mas maraming nilalaman kaysa sa simpleng  mga social media connector lamang. Kahit na hindi ninyo kailangan ang bawat feature na kasama, mas mainam pa rin na nariyan ang option na magdagdag ng isang partikular na channel sa paglaon habang lumalago ang inyong negosyo.

Ano ang sinasabi ng data tungkol sa social media support?

ticketing email ticketing - icon

Social Media Support

65% ng mga nasa edad 18-34 ay naniniwalang ang social media ay isang epektibong channel para sa customer service. Microsoft

Speed o meter - icon

Response Time

48% ng mga consumer ang naghihintay ng kasagutan sa mga tanong at reklamong ipinadala gamit ang social media sa loob ng 24 oras. Statista

Connect favourite VoIP provider and contacts icon

Karanasang Mas Maganda Ang Daloy

Higit sa 50% ng mga kompanya ang neg-report na ang pinaka-kritikal nilang isyu sa customer experience ay ang “mabigyan ng magandang daloy ang pag-uusap anumang gamit na channel.” Incite Group​

call center cloud based call center software - icon

Digital vs Voice

57% ng mga customer ang mas nais makipag-ugnayan sa mga kompanya gamit ang anumang digital media tulad ng email o social media kaysa sa gumamit ng voice-based na customer support. Ameyo

Brand loyalty stems from good service

Ang brand loyalty ay bunga ng mahusay na serbisyo

Para sa 73% ng mga customer, ang mas tumatatak sa kanila kaya nagkakaroon sila ng brand loyalty ay ang pagiging mabait o friendly ng mga empleyado o customer service representative ng brand.

Madali lang namang magbigay ng ganitong serbisyo kung alam lang ninyo kung paano. Ayon kay Shep Hyken, isang eksperto sa customer service, dapat ay agad tumugon ang mga customer support representative, sumagot sa mas personal na paraan, at huwag kalimutang magdagdag ng tanong. Halimbawa, kapag humiling ang customer na agad ninyong bigyan ng solusyon ang kanilang problema, tanungin ninyo sila agad kung paano ninyo sila matutulungan para agad mase-set ang expectations sa kung ano ang kayang magagampanan.

Tandaan na ang mga loyal customer ang nagpapataas sa ROI dahil mas marami silang binibili sa inyo.

Lahat ng support channel ay nasa iisang lugar lang

Kaya ng social media customer service software ng LiveAgent ang integration sa maraming communication channels, at may offer itong halos 200 na magagandang features.
LiveAgent streamlines multiple customer service channels into one piece of software

FAQ

Ano ang social media customer service?

Ang social media customer service ay ang pagbibigay ng customer service sa kasalukuyan o potential na customer gamit ang mga social media platform tulad ng Facebook, Instagram, o Twitter. Kasama sa social media customer service ang pagsagot sa mga direct message, comment, at mention sa loob ng 24 oras.

Paano gamitin ang social media bilang tool ng customer service?

Ang pinakamainam na paraan para gamitin ang social media bilang tool ng customer service ay ang pagtrato sa inyong social media channels tulad ng pagtrato ninyo sa isang official ticket mula sa customer. Magbigay ng mabilis, tapat, mabait, at mas detalyadong kasagutan sa anumang mga message, comment, o mention.

Ano ang Social Media Customer Service Software?

"Ang social media customer service software ay bahagi ng isang help desk solution. Nagagamit ito ng mga customer representative sa agarang pagsagot sa mga customer inquiry mula sa iisang interface. Di na nila kailangan pang magpalipat-lipat ng mga platform para sumagot. Nababawasan ng software ang anumang magbabadyang pagkainis at pagkadismaya ng mga customer dahil lagi ninyong nabibigyan ng atensiyon ang kanilang mga inquiry. Ang agarang pagpaparamdam at pagsagot ay napakahalaga sa pagtataguyod ng relasyon sa inyong mga customer sa mga social media platform. Sa ganitong social media customer service solution, mas epektibo kang makapagtataguyod agad ng customer loyalty.

Bakit mas mainam gumamit ng LiveAgent para sa social media customer service?

Nakakonekta ang LiveAgent sa maraming social media platform. Halimbawa, tuwing makakakuha kayo ng comment o mention sa Instagram, makukuha ninyo ito bilang ticket sa loob ng LiveAgent. Pareho ang sistema sa Twitter. Puwede rin ninyong ikonekta ang Viber at Facebook.

Bakit mahalaga ang social media sa customer service?

Mahalaga ang social media sa customer service dahil nabibigyan ng pagkakataon ang mga business na diretsong makipag-ugnayan sa kanilang audience. Mas madali nilang nabibigyan ng update ang customers tungkol sa mga events, sales, o anumang pagbabago. Gayundin, puwedeng makipag-ugnayan ang mga customer sa mga business kung mayroon silang tanong, comment, o reklamo. Kapag hind agad nasagot ang kanilang mga tanong, hindi magdadalawang-isip na tumangkilik ng ibang brand ang mga customer.

Ikaw ay Nasa Mabuting Kamay!

Alam mo ba kung ano ang isang bagay na mayroon ang Huawei, BMW, Yamaha, at O2? Tama ang hula mo... LiveAgent!

Subukan ito nang libre Hindi Kailangan Ng Credit Card
Related Articles to Social media customer service software
Bawat business ay kailangang tumutok sa pagpapalago ng kanilang customer base, pero ang quality ng mga customer ang magiging pagkakaiba ng mga brand at lovemark. Basahin dito ang Top 20 tactics para pataasin ang customer retention.

Paano gumawa ng steady at loyal na customer base

Bawat business ay kailangang tumutok sa pagpapalago ng kanilang customer base, pero ang quality ng mga customer ang magiging pagkakaiba ng mga brand at lovemark. Basahin dito ang Top 20 tactics para pataasin ang customer retention.

Pagbutihin ang iyong customer service sa pamamagitan ng mga advanced na feature sa help desk na makakatulong sa iyong isapersonal ang mga komunikasyon at magbigay ng mabilis na mga tugon sa iyong mga kustomer.

Kailangan pagbutihin ang iyong customer service?

Sa pagpapabuti ng customer service, mahalagang malaman ang kasiyahan ng mga kustomer. Dapat sukatin ang mga sukatan na mahalaga tulad ng CSAT, NPS, CES, at FRT upang malaman kung saan magpapabuti. Ang isang magandang customer satisfaction score ay dapat na 80% o mas mataas, ngunit magkakaiba-iba ito sa bawat industriya. Ang pagsubaybay sa mga sukatan ay magbibigay ng kumpletong ideya ng serbisyo at matutulungan sa pagpapabuti ng kasiyahan ng kustomer.

Diskubrehin ang selection ng ticketing software na pinakamadalas gamitin sa market ngayon. Pumili ng ideyal na ticketing tool at itaas hanggang langit ang customer service ninyo.

Ticketing software

Ang Teamsupport ay isang ticketing tool na may customer management capabilities at maraming integrations. Sa kabilang banda, ang Freshdesk ay well-rounded na help desk tool na merong powerful features at abilidad na magdagdag ng bawat importanteng customer channel sa iisang system. Nasa masa rin ang HubSpot Service Hub, na kasama sa isang malawak na uri ng solutions, kasama na ang marketing solution, customer communication hub, at sales solution. May offer ang Solarwinds na malawak na IT management solution dahil sa sarili nilang help desk platform na naka-focus sa ticketing service portal at chat. Ang LiveAgent ang top choice sa ticketing software dahil sa state-of-the-art system na kayang mag-handle ng bawat vital na customer channel. Maari ring mag-users makipag-usap tungkol sa kahit ano sa kanilang customer support team nang 24/7.

Ang mahusay na customer service ay nagsisimula sa isang mainam na help desk software. Subukan ang LiveAgent na may 14-araw na libreng trial. Magtaguyod ng mga relationship, dagdagan ang loyalty at sales.

Halina't tuldukan na ang masamang serbisyo

Ang LiveAgent ay may mga advanced feature na nagbibigay ng organisasyon at simpleng proseso sa pagtugon sa customer service. Mayroong Automated Ticket Routing at Rules at Workflow Automation na nagtutulung-tulong para maipamahagi ang mga concerns nang mas mabilis at epektibo. Mayroon ding Automated Callback at Matatag na Built-in CRM para ma-improve ang customer satisfaction. Bukod sa mga advanced feature, may mga Canned at Predefined na Template na bigay ay seryoso at tumutulong sa pagtugon ng mga concerns.

Ang pangongolekta ng data sa pamamagitan ng customer surveys at pagsusuri nito ay nagbibigay sa inyo ng mahalagang pananaw. Alamin kung paano makagagawa nito.

Paano magsagawa ng customer survey

Ang pangongolekta ng data sa pamamagitan ng customer surveys at pagsusuri nito ay nagbibigay sa inyo ng mahalagang pananaw. Alamin kung paano makagagawa nito.

LiveAgent is a help desk solution that connects multiple channels in one interface. Find out more about LiveAgent and its business/industry benefits.

Mag-iskedyul ng demo

Ang LiveAgent ay isang software na tumutulong sa pagpapabuti ng kasiyahan ng kustomer at paglikha ng maraming benta sa negosyo. Ito ay nakapagbibigay ng mga sagot sa mga katanungan tungkol sa presyo, serbisyo, integrasyon at mga tampok. Mahalaga rin na ito ay lapitan ang bawat kustomer na may ideyang tulungan sila lutasin ang problema o makamit ang layunin. Marami rin itong kaakibat na resources sa pamamagitan ng mga demos, alternatibo, webinar, atbp. Binibigyan din ng pagkakataon ang mga customer na mag-request ng proposal, data migration, at kahit na makipag-partner sa LiveAgent.

Gumagamit ng cookies ang website namin. Sa pagpapatuloy mo dito, awtomatikong tatanggapin namin na may permiso kami sa pag-deploy ng cookies na nakadetalye sa aming polisiya sa privacy at cookies.

×
Mag-schedule ng one-on-one na tawag at alamin kung ano ang benepisyo ng LiveAgent sa inyong business.

Maraming petsa ang bakante

Mag-iskedyul ng demo