Sa panahon ngayon, maraming platform na ang gamit ng mga customer para makipag-usap, pero alin ba dapat ang bigyan ng pokus ng kompanya ninyo?
Madaling mapunta ang customer sa kompetisyon ninyo. Kaya mahalagang naibibigay ninyo ang pinakamagaling na customer service o support sa lahat ng customer anumang oras. Alam ba ninyong:
42% ng mga customer ang mas gusto ang Live Chat kaysa sa 23% na gusto sa email at 16% sa mga social media o forum..
J. D. Power
Ang chat button ng LiveAgent ang perpektong tool na magbibigay ng quality customer service. Nagagamit ng mga kliyente ang chat button sa agarang pag-request ng chat sa isang customer representative. May offer ang LiveAgent na iba’t ibang designs ng buttons. Puwede ninyo itong ma-customize at gumawa ng sarili ninyong design.
Tunay na halimbawa:
Mga chat button function:
Pumili ng wika
Kung ang kompanya ninyo ay may operasyon sa iba’t ibang bansa, puwede ninyong gamitin ang language function kung saan makapipili kayo ng nais ninyong wika para sa chat widget. Sa kasalukuyan, may offer ang LiveAgent na 43 wikang mapagpipilian.
Idiretso ang mga customer sa tamang department
Diretsong ituro ang mga customer inquiry sa tamang department sa tulong ng pre-chat forms. Lalabas ang pre-chat form kapag pinindot ng customer ang live chat button. Sa LiveAgent, puwedeng ma-customize nang husto ang pre-chat form batay sa pangangailangan ng kompanya ninyo.
Puwedeng mag-iwan ng mga offline message
Hayaan ang mga customer na makipag-ugnayan sa inyo kahit na walang tumatao sa customer service. Bigyan sila ng option na makontak kayo, at harapin ang mga inquiry nila kapag nagkaroon na ng bakanteng agent na tutulong.
Paano maaapektuhan ng LiveAgent ang inyong website speed?
Ang paglagay ng chat button ay dapat makatulong sa inyong website. Kaya lang, maraming chat widgets sa market ngayon ang nakapagpapabagal naman sa isang website. Kaya gumawa ang LiveAgent ng isang chat button na di nakaaapekto sa website speed. Magbebenepisyo kayo sa paggamit nito.
Paano gumawa ng Chat button sa LiveAgent?
1. Mag-log in sa LiveAgent account
2. I-click ang Configuration
3. Piliin ang Chat > Chat buttons
4. I-click ang CREATE button
Note: Kung gusto ninyo ng mas personal na Chat button, i-click ang Custom at mag-submit ng inyong HTML code/imahe.
Paano maglagay ng Live Chat button sa inyong website mula sa LiveAgent?
May Integration section kung saan ninyo makikita ang code na kailangang ilagay sa inyong website. Mariin naming nirerekomenda na magpatulong kayo sa web admin ng kompanya ninyo sa pag-embed nitong chat. Kapag na-embed na, anumang pagbabagong maganap ay automatic na mase-save nang di na kinakailangang palitan muli ang code.
Para sa mas detalyadong video guide, pumunta sa How to create Chat buttons in LiveAgent sa aming knowledge base.
Mga benepisyo sa business:
- Customer retention
- Customer satisfaction
- Tipid sa oras ng customer at agent
- Tipid sa pera
- Dagdagan ang sales
- Mas mabilis maayos ang mga problema
- Unahan ang inyong kompetisyon
Integrate a chat button for free!
LiveAgent offers a 30-day free trial for each subscription. Easily integrate a chat button to your website and test out all the functions.
Anong uri ng mga chat buttons ang nasa LiveAgent?
1. Naa-adjust na mga button tulad ng Bubble, Slide, Corner, at Inline
2. Custom na image button
3. Custom na HTML button
Mga design option ng Live Chat button:
Online button:
Sa section na ito, puwede kayong gumawa ng gusto ninyong design ng button.
Dito kayo madaling gagawa ng desisyon:
- Posisyon
- Mga kulay
- Animation
- Hover effect
- Option sa pag-customize para sa mga mobile device
- Z-index: Ito ang tutulong sa inyong pag-set up ng button sa napili ninyong posisyon sa website. Halimbawa, kung gusto ninyong ilagay ang button malapit sa footer, dito ninyo gagawin ang pag-set nito.
Chat window:
Matapos ang pag-customize ng online button, puwede ring mag-design ng chat window.
Narito ang mga puwede ninyong baguhin:
- Mga kulay
- Title
- Welcome message/itago ang welcome message
- Style
- Sukat ng chat window
- Itago ang start chat again button
- Paganahin ang pag-iwan ng offline message
- Z-index
- Posisyon
- Custom CSS
Para sa karagdagang impormasyon, basahin ang Chat window docking.
Offline button:
Ang button na ito ang maa-activate kung walang agent na available makipag-chat sa customer. Muli, puwedeng ma-customize nang husto ang button na ito ayon sa pangangailangan ng kompanya ninyo.
Mga feature na puwede ninyong ma-customize:
- Animation
- Posisyon
- Z-index
- Hitsura sa mobile phone
- Mga kulay
Contact form:
Sa pag-customize ng contact form, makokontak kayo ng mga customer sa website ninyo. Gumawa kami ng detalyadong guide ng bawat feature para lang sa mga contact form.
Para sa karagdagang impormasyon, basahin ang Contact forms.
Mga bonus na tip sa epektibong paggamit ng live chat button sa inyong website:
Sandamakmak ang natatanggap ng customer service/support na mga customer inquiry sa araw-araw. Madalas ay paulit-ulit lang ang ilang mga tanong o request. Para magkaroon ng mas epektibong customer service workflow at ng pinakamahusay na customer experience, puwedeng gawin ang sumusunod:
Gamitin ang canned messages
Kung gagamitin ninyo ang LiveAgent, magandang gamitin ang canned messages. Ang canned messages ay magandang option sa mga paulit-ulit na isyu. Magandang tool ito na epektibo at magmumukhang laging propesyonal talaga ang team ninyo kapag nagbibigay ng mabilis at masinop na mga sagot. Halimbawa, kung kailangan ninyong mag-refund, di na kailangang isipin pa ang tamang paraan ng pagsulat ng impormasyon tungkol dito. Gamitin na lang ang isang template (canned message) para makapokus kayo sa pagtutok sa task/refund mismo.
Gumawa ng FAQs/Knowledge base articles para tugunan ang paulit-ulit na tanong
Nabanggit na namin ang mga benepisyo at function ng chatbox sa mga website. Ang ikalawang tip ay gawing kapaki-pakinabang ang mga paulit-ulit na katanungan. Paano? Magsulat ng mga detalyadong knowledge base article o FAQ section. Magagamit ito ng mga customer bilang self-help option kaysa sa maghintay silang masagot sa queue. Dagdag pa, magiging mabilis at epektibo ang support na mabibigay ng inyong customer service.
Get a Live chat button for FREE
LiveAgent offers a 30-day free trial. Test it out and provide a great omnichannel experience for your customers right away!
Knowledge base resources:
Para sa karagdagang detalye, pumunta sa LiveAgent – Live Chat.
Kung gusto ninyong mag-integrate ng customer service chat sa inyong website, sundan ang guide na ito.