Checklist sa pagsisimula ng ^bagong trabaho^

Checklist sa pagsisimula ng bagong trabaho

Kakasimula mo pa lang ba sa bagong trabaho? Congrats! Nasa tamang daan ka na tungo sa tagumpay.

Ngayon na ang panahong dapat mong siguraduhing lahat ng elemento ay aayon sa iyo para sundan ka lagi ng tagumpay.

Silipin ang aming checklist sa pagsisimula ng bagong trabaho mula sa unang araw.

Ang importansiya ng checklist sa pagsisimula ng bagong trabaho

Puwedeng parang nakikiramdam ka lang sa lahat sa umpisa, pero madali mong maiisip na importante ang mga detalye. Simulan mo ang bago mong trabaho sa magandang paraan at iwasan ang anumang problemang puwedeng maganap.

Sundan mo lang ang mga simpleng hakbang na ito at magiging okey ka na. (Suhestiyon itong batay sa pagkakasunod-sunod ng kaganapan, pero puwede mong iba-ibahin ayon sa pangangailangan mo.)

Sino ang magbebenepisyo sa isang checklist sa pagsisimula ng bagong trabaho?

Lahat! Ang checklist sa pagsisimula ng bagong trabaho ay parang bagay lang sa mga kaka-graduate pa lang, pero nagagamit din itong checklist sa mga nagpapalit ng trabaho.

Kapag mas tutok ang mga hakbang ninyo, mas madaling tatakbo ang lahat (at mas kakaunti ang lilitaw na problema).

Bagay ang checklist namin sa ganitong mga tao:

  • mga naghahanap ng trabaho
  • mga bagong graduate na nagsisimula sa una nilang trabaho
  • mga matagal na sa industriya nila at lilipat sa bagong kompanya
  • mga bagong empleyado

Diskubrehin ang checklist ng bagong trabaho

Checklist sa pagsisimula ng bagong trabaho
Bago dumating ang una mong araw, magandang ideya ang pagkalap ng importanteng impormasyon tungkol sa kompanya para mas ramdam mong confident at handa ka na. Kasama rito ang pag-aaral tungkol sa kanilang history, ano ang core values nila, at sino ang malalaking kompetisyon nila.

Bakit importante ang pagkalap ng impormasyon tungkol sa kompanya?

Kung alam mo ang lahat ng posibleng malaman tungkol sa isang kompanya, mas maiintindihan mo ang kultura nila at paano ka babagay dito. Magandang paraan din ito na ipakita ang interes mo.
Data searching
Pagkalap ng importanteng data

Paano mangalap ng impormasyon ng kompanya?

Bago mo i-Google ang lahat na lang, pag-isipan muna kung ano ang pinakamahahalagang tanong mo at saang topics ka interesado. Maglista ng anumang lumabas habang nagre-research ka at maghanap ng mga sagot sa unang linggo mo sa trabaho. Paraan ito para makapokus ka sa pag-settle in at pagkilala pa nang lubos sa bago mong employer.

Anong tools ang tutulong sa pagkalap ng impormasyon tungkol sa kompanya?

  • Magandang simulan ang company website.
  • Laging maraming mahahalagang  impormasyon sa “about” section kaya siguraduhing basahin ang lahat ng nakasulat doon.
  • Silipin ang social media platforms nila tulad ng Twitter at LinkedIn.
Alamin kung gaano katagal aabutin ang papunta sa opisina mula sa bahay mo.

Bakit importanteng paghandaan ang commute?

Ang ayaw na ayaw mong mangyari ay ang pumasok nang late sa unang araw mo ng trabaho. Saka mas maganda nang alam mo kung ano ang mga aasahan mo para makapagplano ka agad.
Commuting to work
Sadyang nakakapagod ang pag-commute papuntang trabaho o puwede ring may benepisyo ito (source: vantagecircle.com)

Paano ire-research ang commute?

Maging maaga sa lahat, alamin ang mga schedule, at maglaan ng extra oras para marating mo ang destinasyon mo. Siguraduhing anumang delay na dulot ng traffic, public transportation at iba pa ay di makaaapekto sa oras ng pagdating mo. Kung nagmamaneho ka, maglaan ng ilang minuto pa para maiwasan ang anumang stress.

Anong tools ang tutulong sa pag-research tungkol sa commute?

  • Google Maps ang laging magandang resource sa pagtingin ng commute, at tutulong it sa pagplano mo ng ruta mo.
  • Nakatutulong din ang Walk Score website bilang tool. Sasabihin dito kung puwede bang lakarin na lang ang isang area, na magandan kung nagtitipid ka sa gas o gastos sa public transportation.
Tingnan kung anong damit ang plano mong isuot sa una mong araw.

Bakit importanteng magsuot ng tamang damit?

Laging magandang ideya ang magdamit nang mukhang professional, pero siyempre gusto mo ring maging komportable.
Bakit importanteng magsuot ng tamang damit?
Tutulong ang tamang dress code na magmukha kang professional (source: bossjob.ph)

Paano piliin ang tamang damit?

Siguraduhing malinis, plantsado, at nasa mabuting kondisyon ang damit. Alamin kung paano manamit ang mga taong nagtatrabaho sa posisyon mo sa kompanyang papasukan mo. Baka puwede kang magtanong sa mga nagtatrabaho na roon o mag-research ka online kung di ka sigurado sa isusuot mo. May posibilidad na ang company culture ninyo ay magiging relaxed. Aling tools ang tutulong na siguraduhing makapagsusuot ka ng tamang damit?
  • Magandang source ang Pinterest para makahanap ng mga ideya sa outfit mo
  • Ang company website ay baka may style guide o mga litrato
Naaalala mo pa ba ang panahong inaayos mo ang bago mo sa gabi para sa pagpasok sa eskuwela kinabukasan? Parehong ideya ito.

Bakit importanteng mag-pack na ng bag mo?

Mas mainam kung handa na lahat ng kailangan mo sa unang araw mo, dahil tipid ito sa oras at nababawasan ang pagkakataong may makalimutan kang importante.
Preparing bag for work
Bawas stress ang paghahanda (source: jobstreet.com.ph)

Paano ba mag-pack ng bag sa gabi?

I-pack mo na ang lahat ng kakailanganin mo sa araw, mula sa baon mong lunch hanggang sa anumang required na documents. Magdala ka na rin ng water bottle at snacks sakaling magutom ka sa hapon. Baka makatulong din ang notepad at pen.

Aling tools ang makatutulong sa pag-pack sa gabi?

  • Makasisigurado ang packing list na madadala mo ang lahat ng kailangan.
Ito ang dapat hindi mo kalimutan para hindi ka ma-late: siguraduhing mag-set ng alarm. Hindi magandang magmadali o mahuli.

Bakit importante ang pag-set ng alarm?

Laging magandang ideya na may paalala kang magsasabi kung oras na para gumising o umalis. Sisiguraduhin din nitong hindi ka masyadong nagmamadali sa umaga sa paghahanda.
Alarm clock tips
Importante sa business ang pag-set ng alarm (source: berightlight.com)

Paano mag-set ng alarm para sa unang araw?

I-set ang alarm para sa oras na kailangan ninyong magising at/o umalis. Siguraduhing pipiliin ninyo ang tamang oras dahil madaling magkamali sa pag-set ng alarm. Talagang nangyayari ito sa kahit sino. Kung nahihirapan kayong magising, mas magandang mag-set ng mas maraming alarm.

Aling tools ang tutulong sa pag-set ng alarm?

Maraming uri ng alarm clock apps at websites na makatutulong:
  • Alarmy.
  • Sleep Cycle.
  • default alarm clock sa phone ninyo.
  • isang tradisyonal na analog alarm clock.
Huminga nang malalim, kumalma ka lang, at magpatuloy. Tandaan, tao lang tayong lahat na nagkakamali paminsan-minsan.

Why is calming your nerves important?

Tunay na stressful o nakakakaba ang pagsisimula ng panibagong trabaho. Kahit gaano pa kaganda ang huli mong trabaho, nenerbiyosin ka pa rin. Kaya magandang maghanap na sa umpisa pa lang ng coping methods na epektibo na sa iyo noon pa.
liveagent tools
Maraming benepisyo ang pagiging kalmado

Paano pakalmahin ang sarili?

Huminga nang malalim at dahan-dahan. Magpokus sa hanging pumapasok sa ilong mo at lumalabas sa bibig.

Isa pang option ang maglaan ng ilang minuto para sa sarili bago ka pumasok sa trabaho. Puwede itong sa porma ng pagbabasa ng libro o pakikinig sa musika hanggang sa paglakad ng aso mo. Siguraduhing may magagamit ka sa pampakalma kung kailangan, hal. isang yoga video, meditation app, tasa ng tsaa o libro – anuman ang gumagana para sa iyo. Sa umaga, puwede ka ring mag-exercise – magandang paraan ang sports sa pagpapaalis ng stress at anxiety.

Aling tools ang tutulong bilang pampakalma ng sarili?

  • Headspace.
  • Maraming articles at resources ang Calm.com tungkol sa pagpapakalma sa umaga o bago matulog sa gabi.
May pagkakataon kang simulan ang araw nang kalmado kapag maaga kang nagising. May oras ka ring kumain ng sapat na almusal at maghanda nang hindi nagmamadali.

Bakit importanteng gumising nang maaga?

Laging magandang ideya na magbigay ng extrang oras sa sarili para sa mga ritwal mo sa umaga, lalo na kung di ka sanay gumising sa ganoong oras. Nakababawas din ito sa stress levels sakaling may di inaasahang delays.
Man working in the morning
Mga benepisyo ng paggising nang maaga (source: inc.com)

Paano masisiguradong babangon ka nang maaga?

Di mo na kailangang alalahanin ang pagbangon nang maaga kung maaga kang matutulog. Magising ng isa o dalawang oras bago mo kailangang umalis. Sapat na oras na ito.

Aling tools ang tutulong sa paggising nang maaga?

  • maglakad sa umaga para mas magising
  • inuming may caffeine kung kailangan
  • balanseng schedule ng pagtulog
Ang pagbangon nang maaga ay sapat na para mabigyan ka ng energy boost, pero di ito magtatagal buong araw. Siguraduhing may pagkain kang nakahanda sa umaga, kundi manghihina at magugutom ka bago magtanghalian.

Bakit importanteng kumain ng tamang almusal?

Magbibigay ito sa katawan ng energy at fuel na kakailanganin sa pagsimula ng araw.

Paano gumawa ng sapat na almusal?

Kumain ng healthy meal sa umaga, kahit hindi ka mahilig mag-almusal. Puwede na ang itlog o oatmeal o tinapay.
Paano gumawa ng sapat na almusal?
Maging fit at productive kapag healthy ang pagkain
Kung may oras ka, paghandaan ang almusal sa gabi pa lang para madali mo na itong makukuha sa umaga. Magandang option din ang saging o ilang granola bars dahil hindi kakain ng oras para ihanda ito.

Aling tools ang tutulong sa pagtuklas kung ano ang tamang almusal?

Maraming magagandang recipe para sa mga healthy na almusal na madali mong magagawa nang kaunting effort lang.
  • Health food blogs tulad ng Balanced Bites para sa mga ideya at inspirasyon.
Kung maaga kang darating, may oras ka para maghanda bago magsimula ang trabaho. Ang maagang pagsimula ay nakababawas din sa pressure at stress ng una mong araw sa trabaho. Magbibigay din ito ng buffer sakaling may di inaasahang delays na puwedeng mangyari sa commute mo.
Dumating nang maaga
Maagang pagdating para paghandaan ang lahat (source: diatribe.org)

Bakit importante ang pagdating nang maaga?

Laging magandang ideya ang paglalaan ng breathing room sa sarili sa unang araw, lalo na kung unang beses mo pa lang makikilala ang mga katrabaho o boss mo.

Paano dumating nang maaga sa unang araw mo?

Mag-target na dumating ng kahit 30 minuto bago magsimula ang oras ng trabaho mo. Bibigyan ka nito ng sapat na oras para maging komportable sa bago mong kapaligiran. Kung kailangan, gamitin ang oras na ito para mag-review ng anumang work instructions o training materials mo.

Aling tools ang tutulong sa iyo?

  • Google Maps ang tutulong para mahanap mo ang pinakamaikling ruta patungo sa trabaho mo.
Laging magandang ideya ang makipagkaibigan at kumonekta sa mga katrabaho mo, lalo na kung baguhan ka. Ang pagpapakilala mo sa iba ay makababawas din ng stress dahil may makakausap ka na.

Bakit importanteng magpakilala ako sa lahat?

Magiging malinaw sa pagpapakilala mo na ikaw ay friendly, outgoing, at mahilig makipag-usap na tao – isang ideyal na katrabaho!
Helpdesk Templates
Ang magandang relasyon sa trabaho ay susi sa mga bagong ideya

Paano magpakilala sa lahat?

Magpakilala agad-agad. Puwedeng isang mabilis lang na “Hello, ako si _” tapos kumustahin mo ang kausap mo – ganun lang kasimple. O magkaroon ng casual na pag-uusap at magtanong-tanong kung di ka pa komportable masyado.

Aling tools ang tutulong sa pagpapakilala ng sarili?

  • icebreaker activities na magagamit para maging komportable ka
  • magpakilala sa email o phone call
Ang team ay isa sa pinaka-importanteng aspekto ng trabaho. Kaya kailangang kilalanin mo sila agad para epektibo agad ang pakikipagtrabaho mo.

Bakit importanteng kilalanin ang team?

Laging may benepisyo kung maganda ang relasyon mo sa mga katrabaho mo dahil lagi mo silang makakasama.

Paano ba kilalanin ang team?

Mainam na magpakilala ka at simulan ang casual na pakikipag-usap sa kanila. Dito ka makapagtataguyod agad ng relasyon sa kanila at makikilala ninyo nang husto ang isa’t isa nang walang masyadong pressure o stress.
Team fist bumping over laptops
Ang magandang teamwork para sa magandang productivity
Importante rin na hindi ka hihiwalay sa unang araw mo sa trabaho. Medyo tempting na manatili na lang sa office mo kapag busy ka para mag-isa ka lang na nagtatrabaho. Subukan mo ring mag-break kapag lunch na at sabayan mong kumain ang mga katrabaho mo.

Aling tools ang tutulong para kilalanin mo ang team mo?

  • casual conversation tungkol sa mga common ninyong interes
  • social media
Ang una mong araw sa trabaho ay magiging overwhelming at stressful nang bahagya, pero isipin mong hindi naman ito laging ganoon. Ang pinakamaganda mong gagawin ay maghinay-hinay lang at maging kalma at positibo sa buong araw. Kung di ka sigurado sa isang bagay, humingi ng tulong sa katrabaho o sa boss mo. Mas mainam na makipag-meeting ka sa hiring manager mo kung posible.
Subukang makipag-meeting sa inyong hiring manager
Hindi nakakahiyang humingi ng tulong

Bakit importanteng makipag-meeting sa hiring manager mo?

Ang pakikipag-meeting sa hiring manager mo ay magandang pagkakataon para magkaroon kayo ng rapport. Malalaman mo ang company policies, procedures, at future projects para alam mo kung ano ang puwede mong asahan sa paparating na mga linggo o buwan. Oportunidad din ito para magtanong tungkol sa bago mong trabaho at humingi ng advice kung paano ka magiging matagumpay dito.

Paano makipag-ayos ng meeting sa hiring manager mo?

Ang unang hakbang ay magtanong lang. Puwedeng nakakatakot ito sa umpisa, pero subukan mong mag-email o mag-one-on-one na usapan kapag lunch break kung kelan sila mas relaxed at may conversational mood. Kung may pagkakataon ka, magtanong kung ano ang paborito nilang projects o typical tasks para ipakitang interesado ka at ganadong matuto ng bagong skills.

Aling tools ang tutulong sa pag-aayos ng meeting sa hiring manager mo?

  • email – dapat maikli at sakto lang ang message mo
  • isang internal chat tool
  • video call sa Skype o Zoom
Ang pag-aaral tungkol sa posisyon mo at job title ay bahagi ng pagsisimula ng bagong trabaho. Kailangang maintindihan mo kung saan ka responsable, kanino ka magre-report, at paano ito papasok sa kabuuan ng kompanya.

Bakit importanteng aralin ang tungkol sa posisyon mo?

Baka feeling overwhelmed ka sa simula kung masyadong maraming nagaganap, pero kung sadya mong aalamin kung saan ka ba talaga responsable, magiging magaling ka sa bagong trabaho mo.
it-team-responsibility-management-software-LiveAgent
Intindihin mo ang mga responsibilidad mo sa trabaho

Paano aaralin ang tungkol sa posisyon mo?

Tiyak masaya ang hiring manager mo sa pagbahagi sa iyo ng job duties at mga responsibilidad mo sa meeting ninyo. Huwag matakot magtanong ng follow-up questions. Tanungin mo rin ang mga katrabaho mo. Baka may iba silang perspective o may tips kung paano ka bubuti sa bago mong role. Laging tandaan na hindi nakakahiyang aminin kung may di ka pa alam. Mas mainam nang humingi ng tulong kaysa sa ikaw na lang ang didiskubre sa lahat nang mag-isa.

Aling tools ang tutulong sa iyong malaman ang tungkol sa posisyon mo?

  • pakikipag-meeting sa hiring manager mo
  • Evernote o OneNote – madaling mag-share sa mga katrabaho mo
Hindi kakaiba kung di sigurado ang bagong empleyado sa kanilang duties at responsibilidad, lalo na kung marami silang nakalistang tasks. Kaya dapat mong tanungin ang applicable rules at regulations para alam mo kung ano ang puwede at di mo puwedeng gawin sa trabaho.
woman sitting down in office at her desk working on laptop and taking notes
Dapat malinaw ang rules at regulations ng trabaho

Bakit importanteng magtanong tungkol sa applicable rules at regulations?

Maiiwasan mo ang anumang potential na problema at maiintindihan mo nang husto ang naka-set na boundaries.

Paano magtanong tungkol sa applicable rules at regulations?

Ang manager mo ang tamang pagtanungan ng ganitong uri ng impormasyon. Dapat silang magbigay ng malawakang overview kung ano dapat ang aasahan at anong rules ang kailangang alam mo. Kung may partikular kang tanong, huwag mag-atubiling pumunta sa HR department ninyo. Sila ang eksperto sa workplace policies kaya tutulungan ka nila anuman ang tanong mo.

Aling tools ang tutulong sa pagtanong tungkol sa applicable rules at regulations?

  • employee handbook ng kompanya
  • pagtatanong mismo
Di naman masyadong maaga para pag-isipan mo ang career path mo. Ang pagdiskubre ng options mo ay isang magandang paraan para alamin kung ano ang gusto mong makuha sa isang trabaho.

Bakit importanteng malaman kung ano ang career path mo?

Mas madaling maging tutok at ganado kung alam mo ang gusto mong makuha mula sa kasalukuyan mong posisyon.
Bakit importanteng malaman kung ano ang career path mo?
Long-term goals at career path

Paano ba malalaman ang tungkol sa career path?

Makapagbibigay ng ideya ang manager mo kung ano ang long-term goals ng kompanya at kung ano ang puwedeng maging bukas para sa iyo. Puwede mo ring tingnan ang company website para sa karagdagang detalye.

Aling tools ang tutulong para matuklasan mo ang career path mo?

  • company intranet
  • HR department
  • online career assessment tools
Importanteng mag-set ng goals para sa sarili mo, short-term at long-term. Magkakaroon ka rito ng direksiyon para matutukan mo ang progreso mo.

Bakit importanteng mag-set ng goals?

Ang pag-set ng goals ay tutulong para maging tutok ka at ganado sa kasalukuyan mong role. Saka matututukan mo rin ang progreso mo para makita mo kung gaano kalayo na ang nararating mo.

Paano mag-set ng career goals?

Kahit ano ay puwede mong maging goal tulad ng pag-aaral ng panibagong skill o pagkuha ng dagdag na responsibilidad sa trabaho. Importanteng ibabagay mo ito sa indibidwal mong pangangailangan at kagustuhan.
Arrow pointing to the middle of the target
Pag-set ng malinaw na goals
Maglista ka at ibahagi ito sa inyong career management. Makakagabay din ang HR department sa goals mo at magbibigay ng career development tips batay sa long-term goals ng kompanya at kanilang vision sa pag-unlad.

Aling tools ang tutulong sa pag-set ng goals?

  • apps tulad ng Habitica o Strides
  • task management tools tulad ng Asana
  • isang career coach
  • isang online goal-setting tool tulad ng SMART
  • goal templates na makikita online
Kapag mas maaga mong naasikaso ang insurance mo, mas mainam.

Bakit mo kailangang asikasuhin ang insurance details mo?

Di mo lang dapat tingnan ang health insurance coverage mo, pero pati na rin ang dental at vision plans.
Insurance sa trabaho
May mabuting idudulot ang insurance (source: velocityglobal.com)

Paano asikasuhin ang insurance details mo?

Kung wala ka pang insurance, ngayon na ang panahon para maghanap ng options. Maraming iba-ibang policies ngayon, at magandang ideya ang pagtingin sa marami bago mamili (lalo na’t iba rin ang presyo ng mga plan). May obligasyon din ang employers na bigyan ka ng health insurance coverage.

Aling tools ang magagamit para asikasuhin ang insurance details mo?

  • makipag-appointment sa HR department ninyo
Planuhing gumawa ng 90-day review ng kasalukuyan mong posisyon. Tamang panahon ito para sa iyo at sa manager mo para pag-usapan kung ano ang gumagana at ano ang ilang areas for improvement. Siyempre papasok din dito ang performance mo at factor ito kung gaano ka kabilis aabante sa kompanya.
reporting dashboard in liveagent
Halimbawa ng LiveAgent tasks review

Bakit importanteng magkaroon ng three-month review?

Ang three-month check-in session ay magandang paraan para siguraduhing nasa tamang daan ka. Sapat ding panahon ito para makakuha ng ideya ang manager mo kung gaano ka kagaling kasama ng ibang team, pati na rin ang iyong overall performance.

Paano gumawa ng three-month review?

Sa review mo, baka gusto mong mapag-usapan ang: training, goals, projects, at gaano ka kagaling makipagtrabaho sa team mo.

Aling tools ang tutulong sa paggawa ng three-month review?

  • isang template tulad ng Harvard Business Review

Mga bagay na kailangang tandaan sa bagong trabaho

  • Magbigay ng atensiyon at magpakita ng interes

Importanteng bigyan mo ng atensiyon ito at magpakita ka ng interes sa bago mong trabaho mula sa unang araw pa lang. Maa-appreciate ng boss mo, mga katrabaho, at ibang taong makikilala mo sa kompanya ang effort mo.

  • Magkaroon ng positibong attitude

Kritikal ang magandang attitude sa bagong trabaho. Kaya kailangan mong magkaroon ng positibong approach sa trabaho mo at sa tao sa paligid mo.

  • Sumunod sa deadlines

Sa pagiging isang maaasahang katrabaho sa bago mong kompanya, tataas ang pagkakataong makakuha ka ng dagdag sa suweldo o promotion sa hinaharap.

  • Hawakan ang oras mo

Mahalaga ang time management sa anumang trabaho, lalo na kung nagsisimula ka pa lang sa bagong kompanya. Kaya kailangang mag-set up ng daily schedule, sundan ito, at mag-manage ng oras mo sa mas epektibong paraan.

  • Humingi ng tulong

Ang paghingi ng tulong ay isa sa pinakamagandang paraan sa paggawa ng impression sa mga bago mong katrabaho para maging interesado sila sa pagtulong sa iyo kung kailangan mo. Kaya sa unang araw pa lang, tanungin mo ang mga katrabaho mo kung makakatulong sila sa iyo o kung makakapagpaliwanag sila kung paano ang pagpapatakbo ng kompanya.

  • Linawin ang work-life boundaries

Ang pagkakaroon ng malusog na lifestyle ay nangangailangan ng pagrespeto sa work-life boundaries. Ihiwalay mo ang personal at professional mong buhay para mas makapagpokus ka nang tama sa pareho kung kailangan.

Summary ng checklist sa pagsisimula ng bagong trabaho

  • Kumuha ng importanteng impormasyon ng kompanya
  • I-research ang pag-commute
  • Magsuot ng tamang damit
  • Ayusin na ang bag sa gabi
  • Mag-set ng alarm
  • Kumalma lang
  • Gumising nang maaga
  • Kumain ng sapat na almusal
  • Dumating nang maaga
  • Magpakilala sa lahat
  • Kilalanin ang team mo
  • Subukang makipag-meeting sa inyong hiring manager
  • Aralin ang posisyon mo
  • Magtanong tungkol sa mga applicable rules at regulations
  • Alamin mo kung ano ang career path mo
  • Ilista mo ang goals mo
  • Asikasuhin ang mga detalye ng insurance mo
  • Gumawa ng three-month review

Mga bagay na kailangang tandaan sa bagong trabaho:

  • Magbigay ng atensiyon at magpakita ng interes
  • Magkaroon ng positibong attitude
  • Sumunod sa deadlines
  • Hawakan ang oras mo
  • Humingi ng tulong
  • Linawin ang work-life boundaries

Starting a new job checklist FAQs

How long should you take off before starting a new job?

It's generally recommended that you take a few days off before starting your new job, especially if you’re moving straight from another position. This will give you enough time to relax and prepare for the transition.

How should you dress when starting a new job?

It's essential to look your best on day one, particularly if it's the first impression you will be making. You can ask someone in human resources what the appropriate attire is or look on the company's website.

What should you not do on the first day of a new job?

There are a few things you should avoid on the first day of your new job: Don't arrive late; Don't ignore your colleagues; Don't be disruptive; Don't forget to introduce yourself to everyone; Don't forget to ask lots of questions; Don't be afraid to speak up

Is it wrong to take a year off from work?

Taking a break from work can be a great way to clear your mind and gain new perspectives. However, if you feel like it's going to negatively impact your career, then maybe reconsider.Nevertheless, such a break can give you a new outlook on life and allow you to resume work with new enthusiasm.

What are good questions to ask when starting a new job?

Some good questions to ask when starting a new job include: What are the expectations for this position? What is the company culture like? How do you handle workplace conflicts? When are deadlines typically met? Can I take time off for personal reasons? Is there a training program for this position? Who can I go to for help if I'm struggling? What are the goals of this company?

What to say to your boss and new coworkers on the first day of work?

Don't be afraid to ask questions and introduce yourself to everyone. It's always a good idea to make a positive first impression. But remember, if anything makes you uncomfortable, you should be honest about it.

Why are the first 90 days of a new job so important?

The first three months are essential because you need to make an impression during this time, meaning that you should be extra attentive and work hard to exceed the expectations of your boss and colleagues. In addition, it's an excellent time to establish some work-life boundaries. For example, if your boss is pushy about working on the weekends, don't hesitate to set some clear limits. If you can accomplish all of this in the first 90 days, then you're on the right track to success.

Mga kaakibat Na resources

Gumagamit ng cookies ang website namin. Sa pagpapatuloy mo dito, awtomatikong tatanggapin namin na may permiso kami sa pag-deploy ng cookies na nakadetalye sa aming polisiya sa privacy at cookies.

×
Mag-schedule ng one-on-one na tawag at alamin kung ano ang benepisyo ng LiveAgent sa inyong business.

Maraming petsa ang bakante

Mag-iskedyul ng demo