Ayon sa research ng Virtual Incentives, 75% ng mga customer ay pinahahalagahan ang mga brand na nagbibigay ng incentives at loyalty programs. Bukod dito, kung naghahanap ng kompanyang pagbibilhan, 28% ng mga tao ay tinuturing ang customer incentive bilang isang malaking dahilan, pumapangalawa lamang sa presyo.
Bukod dito, isang survey ng Vibe ang nagsasabi na 61% ng mga consumer ay nagsu-subscribe at pinapagana ang mobile push notifications para lang sa mga balita tungkol sa loyalty program incentives. Ang ibig sabihin noon ay ang loyalty incentives ay nagbubukas ng mga bagong pagkakataon para sa komunikasyon sa mga customer.
Bakit ninyo kailangang gumamit ng customer incentives?
Ang incentives ay ang karagdagang halaga sa isang ibinigay na serbisyo o produkto. Ang pag-offer sa inyong customers ng karagdagang benepisyo tulad ng libreng items, bonus, discount, loyalty program, o special deals ay ginagawang isang hindi malilimutang karanasan ang regular na pagbili. Ito ay mga halimbawa ng price incentives na nagbibigay ng karagdagang halaga para hikayatin ang isang uri ng customer behavior.
Kung ang inyong kompanya ay handang mag-offer ng iba bukod sa inyong serbisyo at produkto sa mga customer, ito ay maituturing na customer-centric. Ang mga price incentive ay makapangyarihang tool kapag ginamit sa tamang paraan.
Nagagawa ng mga negosyo ang sumusunod:
- Mapahusay ang retention
- Humikayat ng nais na action (pagsali sa isang survey, pag-iwan ng feedback)
- Makipagbati pagkatapos ng isang negatibong customer experience
- Paglikha ng mapagkakatiwalaang relasyon sa mga matagal nang kliyente
- Pagsiguro na ang mga nagbabalik na customer ay bibiling muli
- Humikayat ng mas maraming biglaang pagbili
- Mapahusay ang brand promotion
- Humikayat ng mas maraming social media engagement
Tulad ng pagbigay ng libreng mint pagkatapos kumain sa isang restaurant na nagdaragdag ng 26% sa tips, ang pagbibigay ng extra perks sa inyong mga customer ay nagdudulot ng pagtaas ng bilang ng mga bumabalik na customer at pagtaas ng benta. Ito ang dahilan kung bakit madaming kompanya ang gumagamit ng iba’t ibang price incentives para humikayat ng mga customer.
Mga ideya para sa customer incentives
Ano ang puwedeng i-offer ng inyong kompanya bilang incentive? Maraming mga bagay ang puwede ninyong i-offer para mag-enjoy ang inyong mga customer. Tingnan ang aming tips sa ibaba:
- Ang mga discount ay malaking incentives dahil mahalaga sa mga customer ang makatipid. Bukod dito, ang mga discount ay naghihikayat ng mga customer sa karagdagang pagbili sa hinaharap. Ang isang magandang halimbawa nito ay kapag bumili kayo ng isang bagay at makakukuha kayo ng 20% discount sa inyong susunod na pagbili.
- Ang mga bonus ay maaaring mailapat sa kabuuan ng pera na inyong ginastos. Halimbawa, sa bawat $1 na ginastos, kayo ay makakakuha ng $1 na bonus, na maaaring ibawas sa inyong bibilhin bilang discount.
- Ang mga libreng sample at trial-size item ay mga perpektong incentive para maging interesado ang isang customer hindi lang sa inyong brand kundi sa isang partikular na produkto.
- Mga libreng item – pinapayagan ng ilang mga brand ang kanilang customer na pumili ng libreng regalo na nasa partikular na presyo, habang may nagbibigay ng isang standard na regalo sa lahat ng kanilang customer.
- Ang mga membership o loyalty program ay nagbibigay ng espesyal na deal para sa kanilang mga customer tulad ng early-bird discounts o libreng shipping.
- Ang libreng upgrades ay bagay sa brands na nagbebenta ng software, program, at app subscriptions.
- Ang mga coupon ay maaaring gamitin para pakinabangan ang pagbili ng isang nakapirming discount tulad ng “buy one – get one free” na deal.
Ang mga kompanya ay maaaring mag-offer ng madaming tipo ng services, activities, compensations, discounts – kahit anong puwedeng gumana sa kanilang partikular na larangan ng negosyo.
6 na mga dahilan sa paggamit ng customer incentives
Maaaring gamitin ang mga incentive para sa pagtaas ng benta, paghikayat ng gustong action, pagbigay ng reward sa mga customer, o pagtakda ng tono at message ng inyong kompanya.
1. Para humikayat ng feedback
Tumutulong ang feedback na bigyang-pansin at ayusin ang mga problemang hindi napansin dati. Kung kulang ang feedback, maaaring gamitin ang customer incentives para hikayatin ang mga customer na makipag-usap sa inyong customer service team. Halimbawa, maaari ninyong ipa-rate ang huling pag-uusap ng customer at ng inyong manager, o kaya mag-iwan ng comment sa section ng Mga Feedback at Suggestion. Bilang kapalit, maaaring kayong mag-offer ng discount para sa susunod nilang order, o mga extra bonus para sa mga miyembro ng inyong loyalty program.
2. Para humingi ng paumanhin sa isang pagkakamali
Mahalaga ang paghingi ng paumanhin sa kahit anong business. Kung ang inyong customer ay may problema, kailangan ninyong ipakita na kayo ay nagmamalasakit. Maaari kayong mag-offer ng discount sa susunod nilang order, compensation, o libreng produkto. Kung ang problema ay matagal bago nalutas, maaari kayong gumawa ng note para paalalahanan ang mga manager na ang customer na ito ay nangangailangan ng special treatment bilang paghingi ng tawad.
Halimbawa:
Christina Peterson (customer service team leader ng EssayTigers service): “May isang beses na nawalan kami ng kuryente at napalampas namin ang ilang mga deadline para sa aming editing services. Hindi pa kami handa para sa mga ganitong sitwasyon at wala pang power generator noon. Pero inako namin ang responsibilidad at inamin ang aming pagkakamali. Humingi kami ng tawad at ibinalik ang bayad sa lahat ng kliyente na pinagtrabahuhan namin sa araw na iyon. Nakatulong itong mapanatili ang ilan sa aming mga kliyente, pero nawala pa rin ang ilan.”
3. Bilang reward sa mga customer para sa kanilang reviews
Ang reviews na sulat ng aktuwal na customers ay mas kapani-paniwala kaysa sa pulidong ads. Ito ang dahilan kung bakit sila importante sa paghatak ng bagong mga customer, na umaasa sa kanila kapag gumagawa ng desisyon.
Pero hindi lahat ng tao ay handang magsulat ng review, lalo na ng positibo. Siyempre, maraming brands ang nalulutas ang problema sa pagsulat ng sariling nilang reviews. Pero aminin nating mas mahalaga ang tunay na reviews.
Ang paggamit ng incentives ay makatutulong. Maaari kayong mag-offer ng discounts, bonuses, customer reward cards, o libreng samples sa bawat review, at itaas ang inyong conversion rates ng 4.6% ayon sa Reevoo statistics.
4. Bilang reward sa mga customer na nagre-report ng bugs o nagmumungkahi
Kahit ang pinakamalaking kompanya ay hindi ligtas sa pagkakamali. Minsan, ang pinaka-natatanging matulungin na user lang ang nagre-report ng problema na maaaring ayusin ng kompanya agad. Ang pagpapabuti ng quality ng inyong serbisyo ay importante para sa pagbuo ng inyong brand, kaya gamitin ang bawat pagkakataong i-reward ang inyong mga customer para sa kanilang oras sa pamamagitan ng pagbigay ng libreng upgrades, discounts, o memberships.
5. Bilang reward para sa inyong mga matatagal nang suki para sa kanilang loyalty
Ang mga loyal na suki na bumabalik sa inyo nang paulit-ulit ay kailangan ng espesyal na pagtrato. Maaari ninyong tingnan ang history ng komunikasyon ng customer na ito para makita kung gaano sila katagal nanatili sa inyong brand, tulad ng paggamit ng history ng universal box. Napakadaling i-email ang customer para sabihin na pinahahalagahan ninyo ang kanilang katapatan, at bigyan sila ng reward na espesyal na discount or loyalty program bonuses.
6. Para mahikayat ang engagement sa social media
Kung kayo ang madalas na gumagawa ng content para sa mga social media account ng brand ninyo pero hindi pa rin sapat amng engagement, maaari ninyong subukan magbigay ng customer incentive para hikayatin ang sharing at commenting sa inyong content. Maaaring magbigay ng discount para sa shares, o libreng items para sa isang user-generated content, tulad ng naihatid na order.
Sa ganitong paraan, makakakuha kayo ng content na kapani-paniwala para sa ibang users (dahil ito ay content galing sa ibang users na bumili sa inyo) at mag-uudyok sa inyong followers na maging mas aktibo sa inyong social media page. Madali ninyong mahahanap ang shares at mga naka-tag na imahe, kaya’t walang aalalahanin sa pagsira ng inyong pangako.
Superior na mga halimbawa ng incentive marketing
- Dunkin’ Donuts. Sa halos limang milyong miyembro ng kanilang loyalty program, alam ng chain na ito ang lahat tungkol sa incentives. Hinihikayat nila ang kanilang mga customer na bumili ng mas marami para mas maraming bonuses ang makukuha sa bawat dolyar na ginastos. Ang later bonuses ay puwedeng gamitin para kumuha ng libreng inumin sa kanilang mga shopping trip.
- Beauty Insider ng Sephora. Ito ay isang loyalty program na bumubuo ng hanggang 80% ng kabuuang benta ng Sephora bawat taon. Ang pinahihiwatig nito ay ang pag-reward ng bonus points sa bawat pagbili ng customer, at pagkakataong gamitin ito para maka-redeem ng gift cards at limited edition items.
- Ang Google Chrome ay nagre-reward ng kanilang users tuwing may nagre-report ng bugs. Kung mahahanapan nila ng mahalaga at maaasahang impormasyon ang isang report, maaari silang magbigay ng reward na hanggang $15,000.
Gusto ninyo ng dagdag na info? Basahin ang aming in-depth article tungkol sa Customer service soft skills.
Diskubrehin ninyo
Mahalaga ang kaalaman kung napapraktis ito. Kaya i-test na ang lahat ng natututuhan ninyo sa aming academy sa loob mismo ng LiveAgent.
Try out LiveAgent for FREE
Handle all customer inquiries from one interface. Start improving your customer service with a 30-day free trial right away!
Frequently Asked Questions
Bakit ninyo kailangang gumamit ng customer incentives?
Ang incentives ay ang karagdagang halaga sa isang ibinigay na serbisyo o produkto. Ang pag-offer sa inyong customers ng karagdagang benepisyo tulad ng libreng items, bonus, discount, loyalty program, o special deals ay ginagawang isang hindi malilimutang karanasan ang regular na pagbili.
Ano ang mga benepisyo ng customer incentives?
ng mga benepisyo ng customer incentives ay: customer retention, social media engagement, pinahusay na brand promotion, at customer loyalty.
Paano magbigay ng customer incentives?
Maraming bagay ang puwedeng ma-enjoy ng customers ninyo. Halimbawa, discount, bonus, libreng samples, libreng items, memberships, o upgrades.