Mga webinar sneak peek email template

So ang haba ng panahon ninyong naplano at naorganisa ang isang magaling na webinar, at nakaayos na ang lahat para sa araw ng event na ito. Handa na ang inyong presentation at praktisado na, nakalinya na ang speakers, nakagawa na rin kayo ng event page, at na-test na ang lahat ng kakailaning streaming equipment at software. Covered na lahat ng pinaka-importanteng bagay, tama? Mali. Kung nagsagawa kayo ng pinakamagaling na webinar sa buong mundo pero wala namang nakapanood, naganap nga ba ito?

Isa sa pinaka-importanteng aspekto ng paghahanda ng isang webinar ay ang mahikayat ang mga taong mag-register ng kanilang attendance at siguraduhing karamihan sa kanila ay talagang dadalo sa webinar kapag gaganapin na ito. Napakaraming paraan para ma-promote ang webinars, kasama na ang paid advertising at posts sa social media platforms.

Pero ang email marketing ang nananatili bilang pinaka-popular at mas sulit sa presyong advertising solution. Kaya ang mga email na may pasilip sa kaganapan ng webinar ay isa sa pinakamagaling na paraan para ma-promote ang paparating ninyong online conference o talk.

MarketMuse webinar sneak peek email template
MarketMuse webinar sneak peek email

Nilalaman ng mga webinar sneak peek email

Bago pa man maganap ang webinar, magpadala na ng isang series ng messages sa mga tao sa inyong email database. Magsimula sa isang invitation email, sundan ito ng registration confirmation email, at matatag na tapusin ng isa o ilang reminder emails habang papalapit na ang petsa ng webinar. Karamihan sa mga email na ito ay dapat may konting impormasyong ibibigay sa email recipients na pasilip kung ano ang puwede nilang maaasahan sa event:

  • Ang oras at petsa ng event – siyempre kailangang malaman ng mga tao kung kailan magaganap ang webinar para mamarkahan nila ang petsa. Tandaang isama ang time zone dahil ang online conference ay puwedeng maka-attract ng global audience
  • Pinapangakong value nito – sa pag-promote ng event, isama kung ano ang puwedeng matutuhan ng audience sa webinar, at mas mahalaga, kung paano sila matutulungan ng impormasyong iyon sa paglutas ng mga kinakaharap nilang problema
  • Detalye tungkol sa speakers – isama ang impormasyon tulad ng mga pangalan nila, background, litrato, title ng kanilang presentation, at past experience nila kaya sila naturingang expert sa kanilang topic. Magsama ng links sa kanilang YouTube channel, Instagram, at ibang social networks para mas maging pamilyar ang audience ninyo sa kanila at sa mga naging trabaho nila.
LinkedIn webinar sneak peek email template

Mga webinar sneak peek email subject line

  • Ang imbitasyon mo sa webinar ng [kompanya] tungkol sa [topic]
  • Di mo gugustuhing palampasin ang paparating na [title] webinar
  • Kumpleto na ang sign-up! Narito ang puwede mong maaasahan…
  • [Title] webinar registration confirmation at insights
  • Paalala: magaganap ang aming online event [ngayon/bukas/ngayong linggo]
  • Huwag kalilimutan ang paparating na webinar ng [kompanya]!

Mga webinar sneak peek email template

Webinar sneak peek email template 1 – imbitasyon na may preview


Hello,

We wanted to provide you with additional info about our upcoming webinar, [title], which will be taking place at [time including zone] on the [date].

We’ve secured [X] speakers that will cover a wide range of topics in the [subject] area, including:

Speaker and presentation 1
Speaker and presentation 2
Speaker and presentation 3…

You can find more information about the speakers and the event here [link]. Click on the button below to save your spot.

[Sign up]

Best,
[Name] from [company]

Webinar sneak peek email template 2 – confirmation ng registration na may insights


Dear [name],

Thank you for registering for our upcoming webinar, [title].

You’re all signed up, and you’ll be able to watch the live stream on the day of the event by following the link below:

[View the webinar]

Here are just a few of the things you’ll be able to learn by watching the live broadcast:

Insight 1
Insight 2
Insight 3…

Check out the website [link] for more info or reply to this email if you have any questions.

Kind regards,
[Name]

Webinar sneak peek email template 3 – paalalang may video trailer


Hi [name],

We’re just letting you know that the [title] webinar that you registered for is taking place [today/tomorrow/this week] at [time including zone].

Below you can watch a sneak peek of the event to get a taste of what you can expect.

[Video trailer]

More information about the webinar can be found on our website.

[Find out more]

See you soon!
[Name], [position] at [company]

Frequently asked questions

Gaano dapat ka-advance ipadala ang isang webinar sneak peek email?

Puwede nang ipadala ang imbitasyon kapag kumpleto na ang plano ng webinar. Kailangang magpadala agad ng isang registration confirmation kapag may user nang nagpadala ng RSVP para masigurado nilang tagumpay ang kanilang pag-sign-up. Dapat din kayong magpadala ng email reminder isang linggo bago maganap ang event, at isa pang reminder 1 araw bago ang event.

Dapat bang may call to action ang webinar sneak peek email?

Dapat laging may CTA button ang invitation email para mas mapadali sa recipients na mag-register para sa webinar. Puwedeng magbanggit ang CTA ng mga salitang tulad ng “Mag-sign up,” “Magrehistro na,” o “Ireserba ang upuan ko” kung kailangan ng halimbawa. Puwedeng maglagay ng maraming CTA tulad ng “Basahin ang detalye” button na may links sa page na maraming impormasyon tungkol sa event.

Anong mga resulta ang maaaring maidulot ng mga webinar?

Ang posibilidad na makakonekta sa potential clients ang pinaka-pakinabang ng mga webinar, kaya talagang dapat gugustuhin ninyong makatawag-pansin ito ng malaking audience gamit ang mahusay na pagkakasulat na sneak peek emails. Ang maidudulot ng matagumpay na webinar ay ang sumusunod:

Discover all that LiveAgent has to offer with our free 14-day trial.

No credit card required. Enjoy advanced features like live chat, automations, email templates, canned responses, and social media integrations.

{ “@context”: “https://schema.org”, “@type”: “FAQPage”, “mainEntity”: [{ “@type”: “Question”, “name”: “Gaano dapat ka-advance ipadala ang isang webinar sneak peek email?”, “acceptedAnswer”: { “@type”: “Answer”, “text”: “Puwede nang ipadala ang imbitasyon kapag kumpleto na ang plano ng webinar. Kailangang magpadala agad ng isang registration confirmation kapag may user nang nagpadala ng RSVP para masigurado nilang tagumpay ang kanilang pag-sign-up.” } }, { “@type”: “Question”, “name”: “Dapat bang may call to action ang webinar sneak peek email?”, “acceptedAnswer”: { “@type”: “Answer”, “text”: “Dapat laging may CTA button ang invitation email para mas mapadali sa recipients na mag-register para sa webinar.” } }, { “@type”: “Question”, “name”: “Anong mga resulta ang maaaring maidulot ng mga webinar?”, “acceptedAnswer”: { “@type”: “Answer”, “text”: “Ang matagumpay na webinar ay puwedeng magpataas ng customer engagement, magpasok ng bago at relevant na leads, at makagawa ng mataas na ROI.” } }] }
Balik sa templates Gumawa ng LIBRENG account

Gumagamit ng cookies ang website namin. Sa pagpapatuloy mo dito, awtomatikong tatanggapin namin na may permiso kami sa pag-deploy ng cookies na nakadetalye sa aming polisiya sa privacy at cookies.

×
Mag-schedule ng one-on-one na tawag at alamin kung ano ang benepisyo ng LiveAgent sa inyong business.

Maraming petsa ang bakante

Mag-iskedyul ng demo