Libreng trial

Language switcher

–Hidden comment

Use attributes in format region_from and region_to= to change the languages showing in language switcher.
Available regions are:
europe_from europe_to
asia_from asia_to
mideast_from mideast_to
america_from america_to

Example:
europe_from=0 europe_to=22 will put all languages (ordered in language switcher settings) from 1 to 21 to Europe region:
asia_from=22 asia_to=25 will put all languages from 23 to 24 (so only 2) into Asia region.

Template na email sa huling pagkakataon

Ang FOMO ay isa sa pinakamalakas na motibo para sa mga tao na bumili. Totoo ito partikular na sa mga millenials ngunit naaayon rin ito sa mga hindi kabilang sa grupong ito.

Ang impluwensiya mula sa lipunan ay gumagawa ng tensyon na maaaring magamit para maparami ang benta. Dahil rito, gusto namin maging pamilyar ka sa terminong FOMO at ipakita sa iyo paano ito gamitin para makagawa ng mas maraming benta online.

Ano ang FOMO?

Ang termino ay para sa akronim na “Fear Of Missing Out”. Ang takot na ito ay kaugnay sa pagsali sa isang pangyayari o aktibidad, pero maaaring ang mawalan din ng pagkakataon na makabili ng isang produkto, mag-leverage sa isang promosyon sa sale, o kahit makalimutan ang pinakabagong meme na ibinabahagi ng lahat sa social media.

Nasa kalikasan nating bilang tao na makisama, manatiling napapanahon, at nauuna sa iba.

Sa ginintuang panahon ng social media, lahat ay konektado at maaaring ibahagi ang kanilang buhay sa ibang tao, kung kaya marami sa atin ay na mapuwersa na huwag makaligtaan ang mga importanteng balita at oportunidad.

Paano mo magagamit ang FOMO para mas makabenta?

Ang neuromarketing ay tumutulak sa likod sa lahat ng mga istratehiya sa marketing ayon sa takot. Ang mga taktika na ito ay kilala rin bilang scarcity marketing.

Ang mga uri ng gawain sa marketing na ito ay nakatutok sa paggawa ng mga mekanismo na magdudulot ng pagmamadali dahil sa takot na mahiwalay o huli na sa pangyayari.

Tingnan natin ang mga halimbawa ng gumagamit ng FOMO sa komunikasyon.

#1. “Ang ibang mga customer ay interesado sa…”

Ang mensahe na ito ay sadyang makapangyarihang kagamitan na maaaring makahikayat sa mga potensyal na mga kustomer na gumawa ng pagbili. Nagpapakita ito ng pruweba mula sa lipunan ngunit tumutukoy rin na ang isang produkto ay malapit nang maubos dahil maraming mga kustomer ang interesado na bumili nito. Ang pamamadali ay nagdudulot din ng tiyak na dami ng stress.

Hindi naman na gusto naming madulot ng pagkabalisa sa kliyente pero layunin namin na pigilan sila na ipagpaliban ang desisyon na bumili at gawin sila na kumilos nang biglaan at hindi na nagtatagal sa pag-aanalisa ng kanilang desisyon.

Email sa huling pagkakataon sa Shoptagr
Ang Shoptagr ay gumagamit ng “Uh oh– ang isang item iyong na-save ay mauubos na!” bilang isang subject line

#2. “Ang alok na ito ay magtatapos sa loob ng 3 oras.”

Ang mga uri ng mensahe na ito ay nagpapalakas sa takot na mapag-iwanan bilang isang oportunidad. Isa sa mga dahilan bakit ang mga alok na limitado sa oras dahil ang pagkabalisa ay pumapabor sa pagkabigla-bigla.

Kung ikaw ay gagawa ng mga biglaang kampanya, mainam na ideya na gumamit ng countdown para ipaalala sa mga user sa nalalabing oras para makuha ang alok.

Ito ang panahon para gumamit ng isang mahusay na email sa huling pagkakataon o PPC ay may retargeting na umaabot sa mga kustomer at ipinaalala sa amin ang tungkol sa alok. Huwag kalimutan na ipakita ang dami ng stock, lalo na kung mayroon na lamang na kaunting natitira.

huling pagkakataon fabletics
Ang Fabletics ay gumagamit ng “Magmadali, ang MENOS 70% SA BUONG SITE ay matatapos bukas” bilang isang subject line

#3. “Ang [ITEM] ay wala nang stock”

Kapag ang isang kustomer ay nakaligtaan ang isang salt, huwag mag-alinlangan na sabihin sa kanila na napalampas nila ang kanilang pagkakataon sa sale. Ito ang madalas na sinasabi ng mga travel agency at madali maipatupad sa e-commerce.

huling pagkakataon fabletics
Ang Lazy Oaf ay gumagamit ng “Ang ” bilang isang subject line

Ang isang banner na nagsasabi na ang isang produkto ay ubos na sa isang may diskwentong presyo ay perpektong ipinapakita kung ano ang kahulugan ng FOMO. Ang takot na mapag-iwanan ay maaaring gamitin para akitin ang mga potensyal na mamimili na bumili sa pamamagitan ng pagpapakita ng maaaring mawala sa kanila at masigurado na hindi sila mag-aalinlangan na pindutin ang buton na BILHIN NGAYON bago matapos ang alok.

Tulad ng nabanggit na,  maaari mong gamitin ang kapangyarihan ng FOMO para magpadala ng mga “huling pagkakataon” na tipo ng mga email. Tingnan natin ang ilang halimbawa na maaari mong magamit sa iyong mga kampanya sa marketing sa hinaharap.

Subject line sa email sa huling pagkakataon

  • Nauunbusan ka na ng panahon…
  • Ito na ang iyong huling pagkakataon na makuha ang [product].
  • [X] oras na lang!
  • Halos ubos na!
  • Bumili ngayon o mapag-iiwanan ka
  • Kumuha na bago mawala
  • Ang item sa iyong wishlist ay halos ubos na!
  • [menos X%]- Limitadong oras lamang 
  • Ang aming sale ay matatapos ngayong araw. Ito na ang iyong huling pagkakataon!!

Template na email sa huling pagkakataon

Template na email sa huling pagkakataon 1

Template na email sa huling pagkakataon 2

Template na email sa huling pagkakataon 3

Template na email sa huling pagkakataon 4

Template na email sa huling pagkakataon 5

Template na email sa huling pagkakataon 6

Template na email sa huling pagkakataon – madalas na mga tanong

Gaano kaaga ko pwedeng sabihin ang “huling pagkakataon” ng kustomer?

Walang batas rito – maaari kang magdesisyon na magsimula na magpadala ng mga email sa huling pagkakataon dalawang araw bago matapos ang isang kampanya sa promosyon sa sale, o dalawang oras lang. Kilala mo ang iyong mga kustomer at postensyal na kliyente, kaya magdesisyon kailan ang tamang panahon para gamitin ang kapangyarihan ng pagmamadali ayon sa kaalaman na iyon.

Ilang email sa huling pagkakataon ang dapat kong ipadala?

Madalas ang mga kompanya ay nagpapadala ng isang email sa huling pagkakataon sa araw na ang isang partikular na alok ay matatapos o mag-aayos ng countdown at magpadala ng tatlo pang email – isa sa umaga, isa sa hapon, isa sa huling oras bago matapos ang promosyon. Naka-depende sa iyo kung anong istratehiya ang iyong piliin, pero siguraduhin na hindi spammy ang iyong mga mensahe.

Dapat ba akong magpadala ng email sa huling pagkakataon sa aking kabuuang database?

Sa kabuuan ay gusto mo ipaalam sa lahat ng tao ang tungkol sa alok na magtatapos. Lalo kung plano mo na maglagay ng impormasyon tungkol sa sale sa social media  o kung ipinalalaganap mo ito gamit ang mga patalastas.  Gayumpaman, siguraduhin na ang iyong database ay nakahiwa-hiwalay nang maaayos at ikaw ay nagpapadala ng nauugnay at personalisadong mga mensahe sa lahat ng grupo ng kliyente ayon sa kanilang nakaraang mga binili at interes.

Ready to use some scarcity marketing?

Send out your last chance emails directly from LiveAgent. Save them as templates and you're good to go!

Free Trial
{ “@context”: “https://schema.org”, “@type”: “FAQPage”, “mainEntity”: [{ “@type”: “Tanong”, “name”: “Gaano kaaga ko pwedeng sabihin ang “huling pagkakataon” ng kustomer?”, “acceptedAnswer”: { “@type”: “Sagot”, “text”: “Walang batas rito – maaari kang magdesisyon na magsimula na magpadala ng mga email sa huling pagkakataon dalawang araw bago matapos ang isang kampanya sa promosyon sa sale, o dalawang oras lang. Kilala mo ang iyong mga kustomer at postensyal na kliyente, kaya magdesisyon kailan ang tamang panahon para gamitin ang kapangyarihan ng pagmamadali ayon sa kaalaman na iyon. ” } }, { “@type”: “Tanong”, “name”: “Ilang email sa huling pagkakataon ang dapat kong ipadala?”, “acceptedAnswer”: { “@type”: “Sagot”, “text”: “Madalas ang mga kompanya ay nagpapadala ng isang email sa huling pagkakataon sa araw na ang isang partikular na alok ay matatapos o mag-aayos ng countdown at magpadala ng tatlo pang email – isa sa umaga, isa sa hapon, isa sa huling oras bago matapos ang promosyon. ” } }, { “@type”: “Tanong”, “name”: “Dapat ba akong magpadala ng email sa huling pagkakataon sa aking kabuuang database?”, “acceptedAnswer”: { “@type”: “Sagot”, “text”: “Sa kabuuan ay gusto mo ipaalam sa lahat ng tao ang tungkol sa alok na magtatapos. Lalo kung plano mo na maglagay ng impormasyon tungkol sa sale sa social media  o kung ipinalalaganap mo ito gamit ang mga patalastas.” } }] }
Balik sa templates Gumawa ng LIBRENG account

Gumagamit ng cookies ang website namin. Sa pagpapatuloy mo dito, awtomatikong tatanggapin namin na may permiso kami sa pag-deploy ng cookies na nakadetalye sa aming polisiya sa privacy at cookies.

×

Mag-schedule ng one-on-one na tawag at alamin kung ano ang benepisyo ng LiveAgent sa inyong business.

Maraming petsa ang bakante

Mag-iskedyul ng demo