ConvergeHub integration
Partner website
Partner Privacy Policy
Ano ang ConvergeHub?
Ang ConvergeHub ay isang Customer Relationship Management (CRM) solution na available sa mainam na presyo. Ang users ay puwedeng mag-manage rito ng leads, contacts, user accounts, at deals mula sa iisang convenient na solution. Nagbibigay ang ConvergeHub ng customer insights para ma-empower ang sales representatives at may offer ding automation ng paulit-ulit na sales tasks. Matataasan nito ang efficiency, matutulungan kayong ma-track ang customer data, tutulong sa pag-manage ng inyong sales processes, at mas mapadali ang trabaho ninyo.
Paano ginagamit ang ConvergeHub?
Itago, mag-organisa, at i-track ang customer information nang mas madali. Ang ConvergeHub ay ang ideyal na solution sa mga kompanyang naghahanap ng maaasahang Customer Relationship Management solution. Nakaka-empower ito ng sales processes ninyo, nakatutulong sa pag-track ng customer data tulad ng kanilang contacts, likes, dislikes, o personal na mga interes. Magandang dagdag din ang ConvergeHub sa customer support ninyo katambal ng LiveAgent. Salamat sa Zapier, makagagawa kayo sa simpleng integrations ng automated actions tulad ng pagdagdag ng customer data o paggawa ng billings.
I-manage nang mas madali ang customer support desk ninyo salamat sa LiveAgent help desk na may CRM capabilities. Suwabeng makaka-integrate ang LiveAgent sa ilang bilang ng CRM solutions para matulungan kayong mag-manage ng customers at mapahusay ang customer communication ninyo. Ang fully featured solution namin ay tutulong sa inyong mag-manage ng contacts mula sa CRM ninyo at sa help desk gamit ang maraming features.
Kasama sa ticketing features namin ang universal inbox na puwedeng mag-store ng communication galing sa anumang customer channel at mainam na maipamimigay ito sa customer support agents at salespeople na rin. Mag-set up ng rules para ma-automate ang ilang ordinaryong tasks nang makapokus sa mas importante, o mag-set up ng canned messages nang agarang makatugon sa karaniwang mga tanong habang nakaka-maintain ng professional attitude sa bawat customer.
Ano ang mga benepisyo ng paggamit ng ConvergeHub?
- Flexible at madaling gamitin
- May collaboration features
- Suportado ang sales, marketing, support, at billing
- May customer insights at reports
Provide awesome customer support
Start working with a multi-channel customer support solution that integrates with your favorite apps
Paano mag-integrate ng ConvergeHub sa LiveAgent gamit ang Zapier
Ikonekta ang LiveAgent at ConvergeHub accounts ninyo gamit ang Zapier at gumawa ng sarili ninyong integration. Ang maganda rito ay makakapag-customize kayo ng tipo ng integration nang maraming options. Tingnan ang guide sa ibaba para makita ang halimbawa ng integration ng LiveAgent at ConvergeHub.
- Una sa lahat, gumawa muna ng Zapier account o mag-log in kung meron na kayo. Pumunta sa LiveAgent + ConvergeHub integrations page. Pumili na ng trigger at action. Maraming pagpipilian dito, kaya isipin kung ano ang gusto ninyong gawin ng integration ninyo. Kapag nakapili na kayo ng trigger at integration, i-click ang connect LiveAgent + ConvergeHub button at i-click ang Get Started.
- Dadalhin kayo ng mga susunod na hakbang sa trigger at action configuration. Kailangan ninyong ikonekta ang parehong app accounts sa Zapier para ma-access nito ang kailangang data sa paggawa ng integration ninyo. Pagkatapos, puwede ninyong i-customize na ang integration, na ang tawag ay Zap. Ang huling kailangan ay i-test ang Zap bago ito isagawa para masiguradong gumagana ito sa paraang inaasahan. Kapag tapos na kayo, i-on ang Zap at tapos na ang integration.
Kapag naka-on na ang Zap, kumpleto na ang integration. Posibleng gumawa pa ng maraming Zaps na iba-iba ang settings para makagawa ng marami pang integrations para sa apps ninyo. Alamin kung paano malulubos ang Help Desk software ninyo sa pag-browse ng LiveAgent academy pages.
Frequently Asked Questions
Ano ang ConvergeHub?
Ang ConvergeHub ay isang Customer Relationship Management (CRM) solution. Dahil sa isang madaling gamiting tool, kaya na ng users na mag-manage ng leads, contacts, user accounts, at deals. Nagbibigay ang ConvergeHub sa sales representatives ng customer insights at ino-automate ang paulit-ulit na sales tasks. Mas magiging epektibo ang trabaho ninyo, matututukan pa ang customer data, ang sales process ay mas mahusay na ima-manage, at mas magiging productive pa kayo.
Paano ginagamit ang ConvergeHub?
Mas madaling mag-manage ng impormasyon ng customer sa pag-store, pag-organisa, at pag-track nito. Para sa customers na naghahanap ng Customer Relationship Management solutions, makikita nilang ang ConvergeHub ay ang perpektong solution. Sa paggamit ng software na ito, mapapaganda ninyo ang sales process ninyo at matututukan pa ang impormasyon ng customer information tulad ng kanilang contacts, likes, dislikes, at personal na mga interes. Ang paggamit ng ConvergeHub kaakibat ng LiveAgent ay napakagaling ding dagdag sa inyong customer support.
Ano ang mga benepisyo ng paggamit ng ConvergeHub?
Flexible at madaling gamitin May collaboration features Suportado ang sales, marketing, support, at billing May customer insights at reports
Paano mag-integrate ng ConvergeHub sa LiveAgent?
Ang LiveAgent at ConvergeHub ay madali ring mag-integrate gamit ang Zapier service, kung saan nakagagawa kayo ng custom workflows. Piliin ang trigger at action para makagawa ng custom integrations na nakatuon sa pakay ninyo. Tingnan ang article na ito na nagpapaliwanag ng integration process nang husto.