Ano ang voice user interface?
Ang voice user interface o VUI ay para sa pakikipag-interact sa mga gadget sa pamamagitan ng voice commands. Ang VUI ay may offer na solusyon sa screen fatigue, na problema ng maraming tao, dahil hinahayaan nito ang kumpletong control sa apps at devices nang hindi na kailangang tumingin sa screen.
Ang VUI ay gumagamit ng speech recognition technology at natural language processing para gawing commands ang pagsasabi ng commands. Nagbibigay ito ng ganap na hands-free control. Nakatutulong ito sa users, halimbawa habang nagmamaneho o nagluluto dahil nagagamit nila ang voice search para makuha nila ang impormasyong kailangan. Mahalaga rin ito sa mga taong may kapansanan dahil naaasikaso nila ang kanilang gadgets sa pamamagitan ng pagbigkas ng utos dito at di na kinakailangan ng physical na paghawak.
Mga halimbawa ng VUI
Ang pinakasikat na voice AI ay ginagamit ng “Big Five” tech companies – Microsoft, Apple, Google, Meta (dating Facebook), at Amazon. Maraming tech-savvy users ang pamilyar na sa mga popular na voice assistants tulad ng Alexa ng Amazon o Siri ng Apple.
Sa mga nakaraang taon, ang VUI ay hindi na lang para sa tech giants. Mas marami nang kompanya ang gumagawa ng kanilang sariling version ng VUI dahil sa pagkapopular nito sa customers.
Mga tipo ng VUI devices
Ilan sa iba’t ibang tipo ng voice user interface devices ay ang sumusunod:
- smartphones
- laptops, desktop computers
- wearables – smart wristwatches
- sound systems, smart speakers, smart TVs
VUI sa customer service environments
Ang pinaka-karaniwang tipo ng voice user interface sa customer service ay angIVR Interactive voice response). Ito ay isang automated phone system na gumagamit ng speech recognition technology para makipag-ugnayan sa callers. Ginagawang posible ng IVR na malutas ang customer queries nang hindi kinakailangang makipag-usap sa isang actual na customer care representative. Nagiging madali para sa customers na malutas ang kanilang mga isyu at makaiwas sa mahabang wait times. Ang Customer service agents ay nakikinabang din sa sistemang ito dahil hindi na nila kailangang i-address ang mga simpleng tanong nang paulit-ulit at nakakapokus sila sa mas demanding na tasks.
Paano magdisenyo ng voice user interface
Narito ang ilang hakbang na kailangang tandaan kapag magdidisenyo ng voice user interface:
Gumawa ng user research
Kailangan ninyong malaman ang gadget persona ng inyong tina-target. Kapag alam na ninyo ang audience na bibili ng inyong produkto, puwede na ninyong matukoy ang mga katangian at kakayahang dapat meron sa inyong VUI device. Ang Alexa ng Amazon ay isang napakagaling na halimbawa para maintindihan ang device persona at maihatid ang pangangailangan ng users. Sinasakop nito ang maraming uri ng pagpipilian mula sa pagsabi sa inyo ng panahon hanggang sa pagkontrol ng smart devices.
Alamin ang tungkol sa anatomy ng voice commands
Kapag ang user ay nagbibigay ng isang voice command sa AI assistant, ito ay binubuo ng tatlong components:
- intensiyon – ito ang objective ng voice command ng users. Ang intensiyon ay puwedeng high utility – halimbawa, humihiling na magpatugtog ng isang kanta, o low utility – nagbibigay ng hindi malinaw na input, kaya ang AI ay kailangan magtanong ng follow-up questions.
- pagbigkas – ito ay kung paano sinasabi ng user ang voice command para ma-trigger ang isang task.
- slot – Ito ay puwedeng optional o required variable sa voice interaction. Halimbawa, kung ang user ay gustong magpa-book ng kuwarto sa hotel para sa partikular na petsa, ang slot ay ang petsa.
Gumawa ng competitor analysis
Kapag nagdidisenyo ng VUI, palaging tingnan kung sa paanong paraan isinasagawa ng inyong competitor ang automatic speech recognition at voice technology sa kanilang mga produkto. Ito ay nakatutulong sa inyong idisenyo ang produkto ninyo para malutas ang mga problema ng customer na hindi naaayos ng competitor ninyo.
I-test ang inyong produkto
Mag-test ng speech interface at voice design. Gumawa ng ilang test runs sa loob ng inyong kompanya o kumontrata ng tagalabas. Kailangan ninyong makasigurong ang voice interaction ay natural ang daloy. Walang may gustong makaramdam na parang may kausap silang robot, kaya kailangan ninyong makasigurado na ang inyong VUI device ay kayang gayahin ang tunay na pag-uusap ng mga tao.
5 prinsipyo ng isang magandang VUI
Ang pagbibigay sa users ng kumpletong kontrol sa kanilang gadgets na hindi na kailangan ng physical interaction ay mahirap na task.
Tingnan natin ang ilang prinsipyong kailangan sa pagdisenyo ng VUI.
- malinaw ang tutukuying target audience – Ang VUI product na natutupad ang pangangailangan ng target audience ay makakukuha ng mas mataas na customer engagement at retention.
- user onboarding process – Ang pagtuturo sa user ay laging nakatutulong sa customers na mag-adjust sa ganitong voice experience.
- mga pisikal na elemento – Isama ang ilang pisikal na elemento sa inyong VUI device, katulad ng power button. Makapagbibigay ito ng alternatibong paraan ng pag-interact sa device bukod sa speech interface.
- conversation flow mapping – Pag-aralan ang para maging madali ang pag-navigate ng inyong VUI. Halimbawa, puwedeng malito at mainis ang users kapag ang IVR lists ay masyadong maraming options na pagpipilian.
- layered design – Ang voice interaction sa pagitan ng user at device ay dapat maging balik-balikang pag-uusap.
Ito ay basic tips at hindi ang pinakarurok ng abiso pagdating sa pagdisenyo ng maaasahang VUI device. Kailangan ninyong magpokus sa mga pangangailangan ng inyong user base at saka idisenyo ang VUI product ninyo. Humingi sa users ng customer feedback, makinig sa kanilang karanasan, at suriin ang kanilang kaugalian. Sa ganitong paraan kayo makagagawa ng isang produktong makatutulong at masayang gamitin para sa inyong customers.
Advantages ng VUI
Isang kumpletong hands-free na karanasan
Kapag nag-ring ang phone sa mga pagkakataong hindi ito masagot ng user at ilagay sa tenga, hulog ng langit ang VUI. At saka ang voice search technology ay karaniwang ginagamit sa bahay, pati na rin sa business.
Accessibility
Ang VUI ay isang napakagaling na option para sa mga taong may pisikal na kapansanan. Ang VUI devices ay puwedeng magbasa ng text sa mga may kapansanan sa paningin o mag-convert ng voice messages sa text para naman sa mga hirap sa pandinig. Sa karamihan ng mga taong disabled, medyo mahirap mag-interact nang pisikal sa kanilang gadgets. Samakatuwid, ang VUI tools ay kinakailangan sa kanilang pang-araw-araw na mga gawain.
Speed
Ang VUI ay mas mabilis kaysa sa pag-typing. At saka ang pagpatay ng ilaw sa kuwarto kung ikaw ay nakahiga na ay mas madali kung uutusan mo ang Google Assistant na gawin ito.
Multitasking
Ang virtual assistants katulad ng Google Home ay hinahayaan ang users na ikontrol ang 1K smart devices katulad ng mga TV, kettles, microwaves, etc.
Flexibility
Ang voice command ay puwedeng maibigay sa ibang paraan at makakamit pa rin ang ninanais na resulta.
Disadvantages ng VUI
Mga alalahanin sa privacy
Kapag gumagamit ng VUI device, ang pribadong data ninyo ay puwedeng ma-track at makolekta ng manufacturer. Merong akusasyon laban sa Amazon Alexa at Google Home na nakikinig sila sa pribadong usapan ng users.
Presyo
Ang smart home devices na merong virtual assistant interactions ay puwedeng maging mahal. Huwag kalimutan ang tataas na bill ng kuryente na babayaran kapag marami kayong mga ganitong gadget.
Complexity ng development
Kahit na ang paggamit ng VUI devices ay tumataas na, ito ay komplikado at mahirap pa ring ma-develop. Kapag gumagawa ng VUI product, kailangang malampasan ng designers ang challenges katulad ng accents, background noise, vocal nuances, etc.
Stand out from your competitors with a strong customer service culture
If you are looking for help desk system with plenty of useful features and integrations, LiveAgent may be the one for you!
Frequently Asked Questions
Ano ang voice-based user interface?
Ito ay isang speech recognition technology na hinahayaan ang mga gumagamit na makipag-interact sa kanilang gadgets gamit ang voice commands. Puwede rito ang hands-free experience para masigurado ang kumpletong control sa iba’t ibang smart devices. Ang VUI ay gamit na gamit noong mga nakaraang taon. Ang pinaka-kilalang halimbawa ng virtual assistants na gumagamit ng VUI technology ay Microsoft Cortana, Alexa ng Amazon, at Siri ng Apple.
Paano gumagana ang voice interface?
Ang VUI ay kombinasyon ng iba’t ibang Artificial Intelligence technologies at machine learning. Kasama rito ang automatic speech recognition, name entity recognition, at speech synthesis. Ang VUI technology ay nakaiintindi ng commands ng users at sinasagot ito sa pamamagitan ng VUI devices.
Paano gumamit ng voice technology para malutas ang problema ng customer?
Bilang isang halimbawa, tingnan natin ang mahabang paghihintay sa customer care call centers. Isang napakagaling na paraan para maayos ang isyung ito ay ang paggamit ng interactive voice response (IVR) system. Ito ay isang business phone feature na nakikipag-ugnayan sa callers at nagbibigay sa kanila ng mga pagpipilian sa pamamagitan ng isang menu. Bawat VUI product ay nakadisenyo para masigurong malulutas ang customer pain points. Sa pamamagitan ng pagsusuri ng user base ng produkto, ang designers ay makapagbibigay ng pinakamahusay na solusyon sa iba’t ibang isyung mararanasan ng customers.
Kung interesado ka sa "Voice User Interface," magandang basahin din ang tungkol sa Mga halimbawa ng VUI. Makikita mo rito ang iba't ibang tipo ng VUI devices at kung paano ito ginagamit sa customer service environments. Para mas maintindihan ang proseso ng pagdisenyo ng isang voice user interface, bisitahin ang pahina tungkol sa Paano magdisenyo ng voice user interface. Mula sa paggawa ng user research hanggang sa pag-test ng inyong produkto, matutunan mo ang mga hakbang na kailangan.
Alamin kung paano ang VoIP ay nagbibigay-daan sa abot-kayang tawag at mas malaking flexibility para sa iyong negosyo. Tuklasin ang mga pros at cons, at alamin kung paano pumili ng tamang VoIP provider. Mag-subscribe para sa demo at newsletter ng LiveAgent upang mas palawakin ang iyong kaalaman sa VoIP.
Isama ang VoIPstudio sa LiveAgent nang walang karagdagang bayad! Gamit ang VoIPstudio, makakakuha ka ng award-winning na serbisyong VoIP na perpekto para sa maliit at katamtamang negosyo. Pamahalaan ang mga tawag, ticket, at chat mula sa isang solusyon. Simulan ang iyong libreng account ngayon at gawing madali ang call center management!
IVR (Interactive Voice Response)
Dalhin ang inyong mga customer sa mga eksperto habang naka-voice call kayo gamit ang Interactive Voice Response. Gumawa ng sarili ninyong IVR trees para puwede mairuta ang mga tawag kung saan mo ito gustong ipadala.