Ano ang unified conversations?
Sa unified conversation makikita ng kausap mong agent ang kabuuang history ng iyong customer service experience sa isang kompanya. Halimbawa, kung may problema sa isang produktong binili mo sa isang kompanya at ilang beses ka nang tumawag sa kanila para maayos ang problema mo, sa unified conversation makikita ang lahat ng detalye ng mga pinag-usapan ninyo ng lahat ng agents na nakausap mo.
Mas mainam na nakikita ng agent ang kabuuang detalye ng mga napag-usapan na dati kaya mas makakatulong siya sa iyong query. Hindi na rin niya kinakailangang tanungin kang muli tungkol sa anumang detalye dahil nakalahad na ito sa harapan niya.
Frequently Asked Questions
Ano ang unified conversations?
Sa unified conversation nakalagay ang kabuuang history ng isang customer service experience na maaaring makita ng kausap mong agent.
Kapaki-pakinabang ba ang unified conversations sa mga customer support agent?
Kapaki-pakinabang ang unified conversations sa mga customer service agent dahil nabibigyan sila ng kabuuang listahan ng mga problemang naidulog na ng customer sa kanila noon o isyung ipinaalam na ng customer dati pero hindi pa rin nabibigyan ng tulong o solusyon.
Posible bang gamitin bilang option ang unified conversations sa LiveAgent?
Puwedeng gamitin ng LiveAgent ang unified conversations. Bilang resulta, nagkakaroon ng mas mawalakang kaalaman ang agent sa pinagdaanan ng customer kaya hindi na niya kinakailangang ulit-ulitin pa ang mga detalye nito.
Expert note
Ang unified conversations ay nagbibigay ng kabuuang listahan ng mga komunikasyon sa customer service na nagpapadali sa trabaho ng mga customer support agent. Makakatulong ito sa mas mabilis na pagresolba ng mga problema ng customer.

Customer Service English: Pagpapakalma sa Nainis na Customer
Magandang customer service ang mahalaga para maipakita ang handang tulong sa customer at masigurong nagustuhan nila ang serbisyo. Gamitin ang tamang salita tulad ng mga apologetic expression at empathy para maitama ang mga isyu at maipakita ang pagtutulungan.
Iwasan ang 7 negatibong phrases sa customer service. Customer centricity ang susi sa positibong karanasan ng customer. Mahalaga ang customer appreciation at customer service management sa pagpapalakas ng ugnayan sa customer. Tamang mga tanong sa customer service interview ang makakatulong sa pagpili ng tamang mga kandidato. Pangkaraniwang tanong, behavioral question, situational interview question, at personal question ang puwedeng itanong.
Ang customer service ay mahalaga sa pagpili ng mga customer sa isang brand. Ang customer service software ay nakakatulong sa pagpapabuti ng customer experience at pagpagsagot sa mga kahilingan ng customer. Ito ay isang digital tool na gumagamit ng ticketing system. Ang customer service software ay kailangang magkaroon ng customer insights, automation ng mga proseso, madaling integration sa ibang software, call recording, feedback, at 24/7 na suporta. Ang customer service ay magiging pangunahing focus ng mga negosyo sa hinaharap dahil sa demand para sa artificial intelligence at customer service software.