Ano ang HTML?
Ang HTML ay Hypertext Markup Language. Ito ang pinaka-kilalang markup language na standard na ginagamit sa paggawa ng web pages o web apps.
Pinapadala ang HTML documents mula sa web o local server at pinoproseso ng web browsers, na nata-translate ang HTML bilang multimedia web pages.
Kadalasang ginagamit ang HTML kasabay sa CSS at JavaScript.
Frequently Asked Questions
Ano ang ibig sabihin ng HTML?
Sa HTML o Hypertext Markup Language, makagagawa ang user at makaka-organisa ng sections, paragraphs, headings, links, at block quotes sa web pages at apps. Hindi ito programming language pero puwedeng mag-format ng documents sa web. Simpleng code structures lang ang gamit nito.
Ano ang basics ng HTML?
Ang basis ng HTML ay batay sa sets ng elements (tags) na puwedeng tawaging components ng web pages. Karamihan sa elements ay may openings at closures na gamit ang nararapat na tag tulad ng: element . Ang main pages, impormasyon sa pages, at contact pages ang kadalasang nakabatay sa HTML.
Puwede bang ma-edit ang HTML sa LiveAgent?
Sa LiveAgent, may access kayo sa WYSIWYG editor kung saan puwedeng maglagay at mag-format ng content sa HTML. Madali nang mae-edit at ma-style ang content ng inyong emails, gumawa ng templates, at mag-format ng knowledge base. Puwede ritong mag-bold text, gumawa ng listahang may bilang, maglagay ng imahe, mag-paste ng tables, o mag-embed ng links.
Ang Markdown ay isang simpleng markup language na ginagamit sa pagdagdag ng mga elemento sa formatting sa mga tekstong dokumento. Ito ay madaling ipalit sa HTML at pinakamadalas na ginagamit na format ng mga file at mensahe sa mga forum online. Ang pangunahing adbantahe nito ay hindi nito kailangan ng pagpindot ng mga buton upang makuha ang syntax. Ginagamit ito sa LiveAgent para sa pagdagdag ng mga elemento sa formatting sa mga tekstong dokumento. Subukan ito nang libre!