Ano ang outbound sales?
Ito ay bahagi ng sales cycle kung saan pini-pitch ng mga kompanya ang kanilang mga produkto o serbisyo sa kanilang prospective customers. Ito ay puwedeng magawa sa pamamagitan ng cold calling, cold email outreach, o social selling. Kadalasan, ang sales representatives ay nakikipag-ugnayan sa mga prospect. Ang pangunahing goal ng outbound sales ay ang mag-generate ng bagong leads para sa inyong business.
Ang pangunahing pagkakaiba ng outbound at inbound sales ay ang paraan ng pag-attract ng kompanya sa mga potensiyal na customer. Katulad ng naipaliwanag na natin, kasama sa outbound sales ang pag-contact sa prospects. Ang inbound sales ay umaasa sa content marketing,ย social media marketing, at SEO. Sa madaling salita, ang inbound sales ay nakadepende sa prospect na pamilyar na sa inyong brand โ inbound leads.
Kung gusto ninyong ma-maximize ang inyong lead generation, puwede ninyong pagsamahin ang parehong pamamaraan. Puwede ninyong umpisahan sa paggamit ng inbound strategies tulad ng content marketing at pagkatapos ay sundan ito ng pagsasagawa ng outbound sales techniques tulad ng social media outreach.
Mga hakbang sa outbound sales process
tukuyin ang potensiyal na leads โ Magsagawa ng market research at gumawa ng isang ideal buyer profile.
lead generation โ Puwede ninyong gawin ito gamit ang outbound sales software, sa pag-outsource ng third-party company para mag-generate ng leads para sa inyo, pagbili ng database, o pag-generate ng leads nang manual.
lead qualification โ Mag-decide kung aling leads ang angkop sa inyong mga produkto at serbisyo.
sales call โ Ito ang oras kung kailan pinapakita ng inyong sales representatives ang inyong mga produkto at mga serbisyo.
pag-close ng deal โ Dapat ay meron kayong naisarang deal at bagong paying customer
follow-up โ Ito ay isang napakahalagang hakbang pagdating sa pagbuo ng matatag na relasyon sa inyong customers
Paano dadagdagan ang outbound sales sa isang contact center?
Puntahan nating ang ilang strategies na makatutulong sa inyong madagdagan ang inyong sales at revenue gamit ang outbound sales tactics.
Tukuyin ang criteria para sa potensiyal na buyers
Maging partikular ng husto sa paggawa ng ideal customer profile. Malinaw na tukuyin ang inyong target market at i-map out ang kanilang customer journeys.
Tukuyin ang inyong goals
Pagdating sa contact centers, KPIs ang inyong matalik na kaibigan. Siguraduhing malinaw sa inyo ang goals na gusto ninyong matupad na abot ng inyong budget.
Gumawa ng outreach plan
Tukuyin ang workflow na dapat sundin ng inyong sales reps sa pag-abot sa bagong prospects.
I-engage ang prospect
Ang isang mahalaga at sulit sa presyong paraan ng engagement ay ang email marketing. Ikonsidera rin ang paggamit ngย live chat. Puwede ninyong gamitin ang LiveAgent live chat feature para sa magandang daloy ng integration sa inyong website.
Mangalap ng data
Mas marami kayong alam tungkol sa inyong leads, mas mainam sa inyong business. Sa mas malawak na insights, puwede kayong gumawa ng mga highly targeted campaign na makatutulong na maging customers ang prospects.
Analyze
Huwag maliitin ang importansiya ng pagsusuri ng mga report at pagsusukat ng contact center metrics.
Support your customers proactively by reaching out to them
LiveAgent can help you improve the efficiency and productivity of your customer support teams, and boost customer satisfaction.
Frequently asked questions
Ano ang ibig sabihin ng outbound sales process?
Ang outbound sales ay isang proseso kung saan ang mga kompanya โ kadalasang sales reps โ ay nakikipag-ugnayan sa prospects para makapag-deliver na kanilang sales pitch. Ito ay umaasa sa mga strategy tulad ng cold calling, cold emails, etc. Ang outbound sales ay puwedeng gamitin ng parehong B2B at B2C na mga business.
Bakit importante ang outbound sales?
Malaki ang kanilang potensiyal na mag-generate ng leads na angkop sa inyong mga produkto at serbisyo. Sa ganitong paraan, puwede silang magkaroon ng kamangha-manghang ROI na makadaragdag sa revenue ng inyong business.
Gaano kahirap ang outbound sales?
Ang complexity ng inyong outbound sales campaign ay nakadepende sa inyong kompanya at ibang sales at marketing efforts.
Ano ang pangunahing outbound sales activities?
Ang main stages ng outbound sales ay ang lead identification, generation, lead qualication, sales pitch, closing deal, at after-sales follow-up communication.
Ano ang pinaka-importanteng outbound sales metrics?
Ang pinakamahalaga sa kanila ay puwedeng hatiin sa dalawang pangunahing kategorya: funnel metrics at engagement metrics. Alinmang eksaktong bahagi ng metrics na ito ang medesisyunan ninyong sukatin ay nakadepende sa inyong business process at marketing at sales efforts.
Paano gumawa ng isang outbound sales team?
Anumang sales team na na-train ninyo para sa outbound sales process ay puwedeng ikonsidera sa outbound sales team. Gayunman, para matiyak na magde-deliver sila ng pinakamahusay ng resulta, dapat kayong gumawa ng isang workflow na tumutukoy sa stage ng outbound sales process at ano ang kailangang i-cover ng inyong reps sa bawat hakbang.
Expert note
Ang outbound sales ay pagpapakilala sa produkto o serbisyo ng kompanya sa mga potensyal na customers. Ito ay naglalayong mag-generate ng leads at puwedeng gamitin ng B2B at B2C na mga business.

Mga customer service conference at ang epekto nito sa edukasyon
Ang customer service conference ay isang magandang oportunidad para mapabuti ang kaalaman at skills sa industriya, kasama na ang pinakabagong trends. Maari rin itong magbigay ng mga resources tungkol sa customer service at CRM. May libreng account sa academy at iba pang kaakibat na mga resources tulad ng mga best practices sa paglalagay ng live chat button sa website at iba pang mga tungkulin sa customer service. Ang LiveAgent ay ang pinakamahusay na contact center software na mayroong mga feature tulad ng proactive na imbitasyon sa chat at serbisyo ng CRM. Mag-subscribe ng newsletter upang makakuha ng pinakabagong balita tungkol sa mga update at discount sa LiveAgent.
Kung naghahanap ka ng inbound call center software, mahalaga na mayroon itong mga mahahalagang features tulad ng IVR at mga call routing option. Madali itong i-set up at magagamit agad ng support team sa loob ng ilang minuto. Sa LiveAgent, mayroon ding mahigit sa 180 na features at 40+ integrations na pwede mong gamitin para sa iyong business. Fixed ang buwanang fee at walang extra charge kahit pa sa cloud-based call center software na gagamitin mo.
Ang pag-email sa mga kliyente upang ipaalam ang tungkol sa customer portal ay isang epektibong paraan upang hikayatin silang sumali. Mahalaga na isama ang mga benepisyo sa pagsali at malinaw na call to action para makuha ang mga resulta. Puwedeng gamitin ang mga template ng invitation email upang gawing mas madali ang pagpapadala ng mensahe. Ang hitsura ng invitation email ay dapat visually appealing gamit ang HTML-based email template. Ang ideyal na oras upang ipaalam sa kliyente ang tungkol sa customer portal ay pagkatapos ng ilang araw o linggo ng unang paggamit ng produkto/serbisyo.
Mga post-purchase email template
Ang pagpapadala ng post-purchase email ay nakakatulong sa pagpapanatili ng customer engagement at pagkakaroon ng repeat sales. Ayon sa Klaviyo, ang post-purchase emails ay may mataas na open at click-through rates at revenue per recipient kaysa sa ibang email campaigns. Maaari itong gamitin para sa paghikayat sa mga customer na bumalik sa website, paglatag ng preparasyon para sa susunod na pagbili, pag-convert sa bagong buyers bilang repeat customers, paglikha ng magandang customer experience, pagtaguyod ng customer relationships, at pagkuha ng feedback mula sa mga customer. Narito ang sampung post-purchase email templates para sa mga pangkaraniwang scenario.