Ano ang instant chat?
Ang instant chat o tinatawag ding IM, ay isang chat messaging system na nagpapadala ng messages nang real-time sa internet. Ang IMs ay maiikling messages na palitan ng dalawa o maraming tao.
Paano gumagana ang instant chat?
Para makakuha at makapadala ng IM, magda-download ang users ng isang software o makikipag-chat sa browser-based chat tools. Makikita ng users ang ibang users na naka-online at makaka-chat sila nang real-time gamit ang gadgets tulad ng computers, phones, iPads, at kahit gaming consoles.
Ano ang puwedeng ipadala sa isang IM?
Ang mga modernong instant chat software ay nagagamit para magpadala ng clickable hyperlinks, GIFs, photos, attachments, documents, videos, at kahit voice recordings. Sa mas advanced na software, puwede ring magtawagan gamit ang video at voice calls, at puwede pang mag-share ng screen sa iba.
Paano gumawa ng instant chat sa website
Kung gusto ninyong magbigay ng instant chat option sa inyong website, maglagay lang ng chat button widget sa inyong website. Walang kailangang coding. Kopyahin lang at i-paste ang button code sa website. Para alamin kung paano ito gawin, tingan ang step-by-step guide.
Paano magagamit ang instant chat sa customer support?
Kung gusto ninyong gamitin ang instant chat sa customer support, gumamit ng live chat software. Gumagana ang live chat software tulad ng instant chat — nakakapag-chat ang agents sa customers nang real-time. Ang pinagkaiba lang ay para makapag-chat sa customer support reps, di na kailangang mag-download ng anumang software ng customer. Kung nais ng customers na maki-chat sa customer support reps, i-click lang nila ang live chat button/widget sa business website.
Gusto ba ng mga customer ang live chat?
Gustong-gusto ng customers na gamitin ang live chat. Sa katunayan, 79% ng consumers ay mas gustong maikipag-live chat sa customer support agents kasi mas mabilis ang sagot dito.
Maganda bang mag-invest sa live chat software para lang sa instant messaging?
Karamihan ng live chat software ay bahagi ng mas malaking software solution — tulad ng help desk software. Dagdag sa live chat/IM features, ang help desk software ay may advanced features tulad ng ticketing software, knowledge base software, o call center software. Kaya mas sulit na investment ang live chat software — makukuha ninyo ang dagdag na functionality na tutulong sa pagpapaunlad ng level ng customer service ninyo. Para sa detalye ng help desk software at benepisyo ng paggamit nito, tingnan ang link na ito.
Gusto ninyo ng dagdag na info?
Basahin ang aming extensive research kung saan kinalap ang importanteng impormasyon at kinumpara ang LiveAgent sa ibang chat plugins ng WordPress.
Frequently Asked Questions
Ano ang ibig sabihin ng instant chat?
Ang instant chat ay isang uri ng online chat na may offer na real-time transmission ng messages gamit ang internet. Kadalasang pinapadala ang maiikling messages sa pagitan ng dalawang users. Pero ang ilang messaging services ay nagpapakita ng real-time dahil nage-generate ito nang di na kailangang mag-click pa ng "send."
Paano gumagana ang instant chat?
Sa instant chat, makokontak ninyo ang isang tao gamit ang messenger at didiretso sa kanya ang message. Real-time silang naipapadala at direktang connection. Kadalasan, puwede ring magpadala rito ng files. Epektibo pa ring tatakbo ang chat sa lahat nang ito.
Ano ang instant chat sa Live Agent?
Ang LiveAgent instant chat ay bahagi ng kabuuang support software solution. Nagkakaroon ng real-time contact sa customer, kaya nakapagbibigay ang brand ng customer service sa pinakamataas na technical level. Tumutugon ito sa pangangailangan ng customers na madalas kailangan ng tulong.
Live chat para sa industriyang sasakyan
"TL: The TEXT discusses important marketing strategies for reaching target audiences and increasing brand visibility online."
Ang web chat online ay isang mahalagang tool para sa komunikasyon at suporta sa mga kustomer sa online na kalakalan. Ito ay nagbibigay ng maraming kalamangan tulad ng pagbawas sa gastos, pagtaas ng benta, mabilis na pag-unawa sa mga problema ng kustomer, at pagiging madali para sa mga kustomer. Ito rin ay isang kalamangan sa kumpetisyon. Ang live chat at web chat ay parehong mahalaga para sa customer service at sales.
Live chat software para sa mga ahensya
Ang Account-based Marketing (ABM) ay nagtatarget sa mga partikular na account o tatak sa B2B marketing. Ang live chat ay isang epektibong tool para maabot ang mga pangunahing account at bumuo ng malapit na ugnayan sa mga benta. Ang live chat ay magagamit din sa PR at travel agencies para sa mas mabisang customer support at komunikasyon. Ang live chat ay isang mahalagang tool para sa mga freelancer at iba't ibang uri ng ahensya sa pamamahala ng kanilang mga kliyente at network.
Libreng live chat software para sa website ninyo
Ang live chat ay isang mahalagang tool para sa website ng negosyo, nagpapalakas ng koneksiyon sa customer at nagpapabilis ng proseso ng sales. Ito rin ay nagbibigay ng 24/7 na suporta at nagtataguyod ng pangmatagalang ugnayan sa mga customer. Ang libreng live chat software ay isang magandang solusyon para sa business sa lahat ng laki.