Ano ang external email domain?
Ang external email domain ay isang email address na konektado sa kompanya kung saan nagtatrabaho ang empleyado. Halimbawa, ang nagtatrabaho sa Shell Global Solutions ay may email na “thename@shell.com.” Ipinapakita rito na ang taong pinapadalhan ng email ay empleyado ng kompanyang iyon.
Natutulungan nitong kilalanin ang awtoridad ng isang tao dahil di puwedeng magkaroon ng isang external email domain kung di ito authorized ng kompanya. Automatic na pagkakatiwalaan ang tao kung nagtatrabaho sa isang magandang multinational organization dahil hindi kumukuha ang multinationals ng mga taong di kayang maabot ang kanilang criteria.
Frequently asked questions
Ano ang external email domain?
Kadalasan, kapag nagtatrabaho ang tao para sa isang partikular na kompanya, konektado sa kompanya ang email address nila. Halimbawa, kung nagtatrabaho sa XYZ, ang email address ay parang abcde@XYZ.com. Dito malalaman na empleyado pala ng XYZ ang tao. Ang external domain ay kadalasang hindi authorized ng isang kompanya (pero puwedeng magkaroon ng exceptions).
Puwede bang mag-set ng external email domain sa LiveAgent?
Hindi ninyo agad mako-configure ang isang external email domain sa LiveAgent. Pero puwedeng ma-configure ang isang rule na hahayaang maipadala ang mga message sa isang external email address. Para gawin ito, pumunta sa "Configuration" at i-click ang "Automation" at "Rules" para makagawa ng bagong rule.
May seguridad ba ang external email domains?
Ang external domain ay puwedeng protektado, pero depende pa rin ito sa kung paano ginagawa ang seguridad. Kaya mag-ingat na lang kahit na ang isang domain ay pinagkakatiwalaan, at kilatisin pa rin ang kanilang security level.