Call to action

Definition ng call to action (CTA)

Ang call to action (CTA) ay isang marketing term na tumutukoy sa partikular na bahagi ng marketing message na sumusubok mahikayat ang users na gawin ang gusto ninyong aksiyon. Ang mga CTA ay ginagamit sa bawat hakbang sa sales funnel. Ang call to action ay puwedeng maghikayat ng pakikipag-ugnayan (e.g., pagbabasa ng isa pang blog post, pag-sign up para sa newsletter, pag-download ng e-book) o mag-motivate ng agarang pagbili. Ito ay isang mahalagang bahagi ng anumang inbound digital marketing strategy. Ang mga CTA ay ginagamit ng marketers sa parehong website at email marketing campaign para mapahusay ang user engagement, magabayan ang prospects sa proseso ng pagbili, at makakuha ng conversions.

Ang call to action ay puwedeng lumitaw bilang isang clickable button (a call to action button), isang banner, isang hyperlinked text, o isang pop-up form sa website. Karaniwan itong nakasulat sa anyo ng action phrases na may imperative verbs tulad ng โ€œsign up,โ€ โ€œcall now,โ€ โ€œfind out moreโ€, โ€œbuy now,โ€ etc. Ang ideya ay para ma-motivate ang users na gawin ang susunod na hakbang sa malinaw at nakakukumbinsing paraan, na nakapagpapataas ng posibilidad na tutuloy sila sa inyong conversion funnel. Ang matatag na CTA ay puwedeng magbigay sa users ng malakas na dahilan para agad bumili. โ€œBumili ngayon para makakuha ng 50% offโ€ o โ€œMag-order bagong maghatinggabi para makakuha ng libreng regaloโ€ ang ilang halimbawa ng CTA na lumilikha ng sense of urgency.

Ano ang nagpapaganda sa isang call to action?

Visibility

Madali dapat mapansin ang isang call to action para agad itong makakuha ng pansin ng potensiyal na customer at magkaroon ng mataas na click-through rate. May sapat na laki dapat ang font size para maging angat ito sa ibang copy sa page.

Compelling design

Ang call to action ay kombinasyon ng persuasive language at compelling design. Ang matitingkad na kulay tulad ng green, red, yellow, at orange ay kilalang mas nagpe-perform kaysa sa iba para sa CTA buttons. Dapat ang kulay ay may contrast din sa pangunahing color theme ng page.

LiveAgent CTA buttons

Actionable text

Ang authoritative language at action verbs tulad ng โ€œclick,โ€ โ€œshop,โ€ o โ€œstartโ€ ay karaniwang gumagana nang maayos sa call to action copy. Karaniwan ding isinusulat ang text mula sa pananaw ng isang visitor (โ€œSimulan ang libre kong trialโ€ sa halip na โ€œSimulan ang libre mong trialโ€).

Sense of urgency

Ang epektibong strategy ay sisiguraduhing ang inyong CTA ay nagpapahiwatig ng sense of urgency at nag-uudyok ng FOMO (โ€œBumili na habang meron pa,โ€ โ€œMag-sign up hanggang Biyernes para makakuha ng 15% OFFโ€). Nakatutulong itong kulitin ang visitors na kumilos agad.

Benefit-oriented

Ilan sa pinakamahusay na CTA ay benefit-oriented at malinaw na hina-highlight ang advantages na makukuha ng users sa paggawa ng partikular na aksiyon (โ€œMakakuha ng sagot sa loob ng 60 segundo langโ€).

Ilang halimbawa ng call to action

Ang mga call to action ay puwedeng ilagay sa halos kahit saan sa website. Narito ang ilan sa mga halimbawa ng pinakakaraniwang call-to-action batay sa kung saan sila nakalagay sa webpage.

Ang uri ng CTA na ito ay nananatiling static sa itaas man o sa ibaba ng screen kahit anuman ang direksiyon ng pag-scroll. Tinitiyak nitong ang CTA ay nananatiling visible at madaling mapupuntahan kahit nasaan man sa page ang visitors, pero hindi ito nakasasagabal sa mismong content.

LiveAgent header

Sidebar opt-in forms

Ang sidebar capture forms at sidebar adds ay ilan sa mga pinaka-epektibong CTA. Ito ay nakalagay sa highly visible na area ng webpage at karaniwang ginagamit sa paggawa ng email lists (Mag-subscribe naโ€).

LiveAgent Sidebar opt-in forms CTA

End-of-content CTA

Ang call to action na ito ay lumilitaw sa dulo ng isang piraso ng content, karaniwan isang article/blog post. Nakatutulong itong i-engage ang mga blog reader na umabot sa puntong ito sa page at mas malamang na ma-convert.

LiveAgent End-of-content CTA

Exit-intent pop-up CTA

Ito ang mga CTA na nati-trigger kapag merong magki-click off ng inyong page (kadalasan kung kailan pupunta na ang mouse sa X button) at isang magandang paraan na makakuha ng leads bago pa sila mawala. May pag-aaral na nagpatunay na 35% ng mga taong papaalis na ang nakukuha ng exit-intent popups.

Paano ninyo malalaman kung ang inyong call to action ay gumagana nang maayos?

Ang palagiang pagsukat ng tagumpay ng inyong call to action, kasama ang A/B testing ng ibaโ€™t ibang versions ay makatutulong sa inyong paghusayin ang response at ย conversion rates ninyo. Inirerekomenda ang pagsukat ng pagiging epektibo ng inyong CTA sa pamamagitan ng pagsubaybay at pagsusuri ng dalawang metrics na ito:

  • click-through rate (CTR): Ang CTR ay sinusukat sa pamamagitan ng pag-divide ng total number ng unique visitors na nag-click ng CTA button. Ayon sa Vye research, ang average CTR para sa call-to-action element ay 4.23% sa lahat ng industriya. Gayunman, puwedeng makabuluhang mag-iba ang bilang batay sa industriya.

  • submission rate: Ang submission rate ay ang percentage ng visitors na nag-click sa CTA button at pagkatapos ay nag-submit ng kanilang impormasyon/sumagot ng form o gumawa ng ibang aksiyong gusto ninyong gawin nila.

reporting-illustration

Sa huli, ang pinakamagaling na goal ng anumang call to action ay dalhin ang visitors sa paggawa ng panghuling desisyon (kadalasan ay ang pagbili ng inyong produkto o serbisyo). Kaya kung ang inyong CTA ay gumagana nang mahusay, nakikita ninyo dapat ang pagtaas ng lead generation at conversion.

Engage with website visitors and potential customers

Improve your customer service game with LiveAgent's help desk software packed with features!

Frequently asked questions

Ano ang call to action (CTA)?

Ang call to action (CTA) ay isang statement na ginagamit sa marketing para ma-motivate ang users na mag-perform ng isang tiyak na gustong aksiyon. Puwede nitong saklawin mula sa simpleng pakikipag-ugnayan sa prospects (tulad ng paghikayat sa users na mag-subscribe sa inyong newsletter) hanggang sa pag-prompt sa kanilang bumili agad. Ang mga CTA ay kadalasang pinapakita bilang buttons o hyperlinked na texts at makikita sa anumang stage ng conversion funnel.

Ano ang nagpapaganda sa isang call to action?

Ang mahusay na call to action ay madaling mapansin at kaagad nakatatawag ng pansin ng visitors. Meron itong compelling design at may kasamang actionable test na nanghihikayat sa users na kumilos agad. Ilan sa mga pinaka-epektibong CTA ay naghahatid ng sense of urgency at nagha-highlight ng mga benepisyong makukuha ng users sa pamamagitan ng pag-click ng CTA button.

Ano ang mga halimbawa ng call to action?

Ang pinakakaraniwan at pinaka-epektibong CTA ay agad na nagha-highlight ng mga benepisyo. Ito ay visible, compelling, mahusay na dinisenyo na may actionable texts at sense of urgency. Statically located ito bilang paulit-ulit na header/ footer CTAs, sidebar opt-in forms, end-of-content CTAs, at exit-intent popups.

Paano ninyo malalaman kung ang inyong call to action ay gumagana nang maayos?

Sukatin ito. Ang pinakaimportante ay ang inyong click-through rate (bahagi ng visitors na nag-click sa inyong CTA button) at puwede rin ninyong subaybayan ang submission rate (percentage ng visitors na nag-click sa inyong CTA at pagkatapos ay nag-submit ng form o gumawa ng iba pang gustong aksiyon). Sa huli, kung maayos na gumagana ang inyong CTA, dapat nakikita ninyo ang pinahusay ng conversions.

Balik sa glossary Gumawa ng LIBRENG account

Expert note

Ang Call-to-Action ay statement na nagmumotivate sa mga users na mag-perform ng gustong aksiyon. Mahalaga itong bahagi ng digital marketing strategy para mapahusay ang conversions.

Andrej Saxon
Andrej Saxon
Sales manager
Alamin ang tungkol sa call to action button. Intindihin ang customer support concepts nang malaliman kasama ang simpleng mga paliwanag mula sa professionals.

Call to action button

Ang mga call to action button ay importante sa pag-convert ng mga bisita sa website patungo sa pagiging kustomer. Ang maayos na disenyo ng CTA ay makakatulong sa tagumpay ng online na negosyo. May mga kaakibat na artikulo sa click-to-call at click-to-dial buttons na maaaring makatulong sa pangangailangan ng mga kustomer at magpapataas sa karanasan ng kustomer sa negosyo. Ang mga pre-made call button at custom button ng LiveAgent ay magagamit para sa instant na pagtawag tulad ng PC to PC calls at Mobile to PC calls. Ito ay magiging mas madali para sa kustomer upang tawagan ang negosyo at magdudulot ng mas magandang relasyon at posibilidad ng advocacy.

Alamin ang tungkol sa call tag. Intindihin ang customer support concepts nang malaliman kasama ang simpleng mga paliwanag mula sa professionals.

Call tag

Ang call center ay mahalaga sa isang kompanya dahil nakatutulong ito sa mapabuti ang produkto at serbisyo nito. Ang business VoIP ay magpapadali sa mga business owner sa pagtawag sa kanilang mga customer, paggawa ng sales calls, at pag-collaborate sa kanilang mga team sa business calls. Ang mga advanced na tool tulad ng LiveAgent helpdesk software at call tagging ay makakatulong sa mai-adjust ang business methods upang mapataas ang conversion rate at mapagbuti ang customer experience. Ang pag-audit sa call center ay kailangan upang mapanatili ang kahusayan at epektibong pagganap ng call center at maitama ang mga problema sa paraang makakatulong sa kasiyahan ng kustomer. Maaari ding gamitin ang mga kagamitan tulad ng mga sarbey, mga filter, at paalalang boses ng kustomer upang mapadali ang customer service at mapataas ang marka sa boses ng kustomer.

Alamin ang tungkol sa call time. Intindihin nang malaliman kasama ang mga paliwanag mula sa professionals.

Call time

LiveAgent ay nagbibigay ng mga solusyon sa pag-handle ng mga tawag sa call center tulad ng live chat, call center, at call device scheduling. Ang average handling time (AHT) ay isang pangunahing metric sa call center at dapat magbigay ng tamang call center tools para mabawasan ito. Ang mga pamantayan sa pagganap at pag-audit ay mahalagang paraan upang mapanatili ang kahusayan at epektibong pagganap ng call center. Ang pagmemaintain ng magandang oras ng pag-uusap at paglingkod sa kustomer ay kritikal sa kasiyahan ng kustomer.

Alamin ang tungkol sa automated call systems. Intindihin ang customer support concepts nang malaliman kasama ang simpleng mga paliwanag mula sa professionals.

Automated call systems

Ano ang automated call systems? Ito ay software solutions na nagbibigay ng cloud service features para gawing automatic ang phone calls. Puwedeng mag-record ng unique audio message para sa customer inquiries at mag-deliver ng pre-recorded voice messages sa mga leads at prospects. Puwede rin itong magpadala ng event reminders o emergency messages sa buong contact list at mag-deliver ng angkop na answering machine messages sa customer support calls. Ang pinakamainam na features nito ay ang custom phone menu systems, third-party integrations, at iba pang mga advanced features. Iwasan ang pangit na menu sa paggamit nito dahil ito ay puwedeng ikagalit ng mga caller.

Gumagamit ng cookies ang website namin. Sa pagpapatuloy mo dito, awtomatikong tatanggapin namin na may permiso kami sa pag-deploy ng cookies na nakadetalye sa aming polisiya sa privacy at cookies.

ร—
Mag-schedule ng one-on-one na tawag at alamin kung ano ang benepisyo ng LiveAgent sa inyong business.

Maraming petsa ang bakante

Mag-iskedyul ng demo