Call disposition

Ano ang call disposition?

Sa call centers at contact centers, ang call disposition ay ang label na may kinalaman sa outcome ng isang inbound o outbound call. Ito ay isang mahalagang bahagi ng call center software solutions.

Kilala rin ang call disposition bilang call tags o activity codes. Kapag nakakumpleto na ng tawag ang agent, sinisenyasan silang maglaan ng tamang disposition code (disposition category) na angkop sa tawag. Ang categories na ito ay puwedeng mag-iba batay sa ginagamit ng software system. Karamihan ng contact center software tools (hal. LiveAgent helpdesk software) ay nagbibigay ng permisong mag-setup ng custom call disposition codes, pati na rin ang pag-attach ng maraming codes sa iisang tawag. Ilan sa karaniwang halimbawa ng call disposition categories ay ang sumusunod:

  • walang sagot
  • busy signal
  • iniwan sa queue
  • naputol
  • callback
  • nag-iwan ng voicemail
  • interesado
  • di interesado
  • nag-book ng demo
  • nag-schedule ng appointment
  • naisara ang deal
  • kailangan ng follow-up
  • huwag tawagan
  • maling numero

Paano gumagana ang call disposition?

Halimbawa, nagpakita ng interes ang isang prospect sa pagbili o pagkuha ng dagdag na impormasyon tungkol sa isang produkto ng kompanya sa isang cold call. Mamarkahan ng sales representative ang mga ito bilang “interesado” sa pamamagitan ng pagpili ng angkop na category mula sa listahan ng options na nasa dropdown menu.

Puwede rin kayong mag-setup ng ilang automated follow-up actions tulad ng pagpapadala ng demo invitations, pasasalamat o follow-up email, o drip campaign. O kung ang prospect ay hindi nagpahiwatig ng interes, lalagyan sila ng label na “di interesado” ng agent. Puwede na silang ilipat ng CRM system sa listahan ng “huwag kokontakin” sa loob ng isang partikular na panahon hanggang puwede nang lapitan ulit ang prospect na ito ng inyong sales team.

CRM

Bakit mahalaga ang call disposition?

  • Tipid ang agents sa oras – Inaalis nito ang pangangailangang maglagay ng notes nang manual sa bawat tawag na matatapos at hinahayaan nito ang epektibong contact center management.

  • Mas kaunting pagkakataon para sa human error – Ang call disposition ay standardized at automated kaya nagreresulta ito sa mas mainam na data accuracy.

  • DNC compliance – Sa pagle-label ng failed calls, madaling makikita ng agents ang unproductive numbers sa uri ng disposition at pag-optimize ng call lists.

  • Insights – Sa pag-track ng outcomes ng mga tawag at pagsusuri ng disposition metrics, puwedeng gamitin ng sales managers ang mahalagang intelligence na ito para maisaayos ang kanilang sales process.

Performance report sa Customer support software - LiveAgent
  • Customer satisfaction – Nagkaroon ng mas malawak na kaalaman ang call center managers sa customer goals at customer behaviors na nagpapahintulot ng pagbibigay ng mas mataas na level ng customer service.

Choose only the best for your call center

LiveAgent is the most reviewed and #1 rated call center software for SMB.

Frequently asked questions

Ano ang mga benepisyo ng call disposition?

Ang call disposition function ay isang kritikal na feature ng call center software. Ginagawa nitong madali para sa contact center agents ang manatiling nasusundan ang outcomes ng mga tawag (parehong outbound at inbound calls) at hinahayaan silang makalista ng maraming matagumpay na calling campaign. Nakatutulong din itong ma-streamline ang follow-up process, mapahusay ang customer engagement at mapataas ang ROI.

Paano maitataas ng call disposition ang inyong sales ROI?

Sa disposition codes, madaling mafi-filter out ng sales team ang maling leads at maifo-focus ang mas maraming effort sa pag-engage ng hot leads na mas posibleng ma-convert. Dagdag pa, habang mabilis na ina-access ang contact history ng bawat customer, puwedeng makagawa ang agents ng mas personal na pamamaraan sa sales calls, at mas mapahusay pa ang pagiging epektibo ng sales conversations.

Ang call dispositions ba ay bahagi ng LiveAgent?

Oo, kilala ito bilang tags. Ang LiveAgent contact center software ay automatic na nagta-transfer ng lahat ng incoming at outgoing calls bilang customer tickets. Ang tickets na ito ay puwede pang maisaayos at ma-categorize sa pagdadagdag ng tags nang manual o automatic sa pag-setup ng pre-defined automation rules. Puwede kayong magdagdag ng maraming tags sa iisang ticket, mag-filter ng tickets sa pamamagitan ng tags, at mag-generate ng iba’t ibang uri ng tag reports.

Balik sa glossary Gumawa ng LIBRENG account

Gumagamit ng cookies ang website namin. Sa pagpapatuloy mo dito, awtomatikong tatanggapin namin na may permiso kami sa pag-deploy ng cookies na nakadetalye sa aming polisiya sa privacy at cookies.

×
Mag-schedule ng one-on-one na tawag at alamin kung ano ang benepisyo ng LiveAgent sa inyong business.

Maraming petsa ang bakante

Mag-iskedyul ng demo