Ang bukod-tanging customer service ay nagmumula sa pambihirang mga empleyado sa customer service. Maski merong mga best tool, mga sistema, mga finely tuned na proseso, at training, hindi maibibigay ng kompanya ang bukod-tanging customer service experience kung walang tamang empleyado sa kanilang customer service teams. At dahil hindi naman lahat ay angkop sa posisyon – paano makahahanap at makapipili ng nararapat na mga kandidato?
Nakalista sa sumusunod na article ang ilang pangkaraniwang tanong sa customer service interview para makatulong sa mga employer na maiwasan ang hindi nababagay na aplikante at makuha ang pinakamahusay.
Mga pangkaraniwang tanong sa customer service interview
Ang mga tamang tanong sa customer service interview ay magpapakita ng mas kapaki-pakinabang at mahahalagang impormasyon tungkol sa isang kandidato kaysa sa work history na isinama nila sa resume. Kaya ang mga tanong na ito’y nahahati sa ilang grupo:
Mga tanong tungkol sa customer service
Sa pangkalahatan, ang mga tanong tungkol sa customer service ay naglalayong tukuyin kung ang kandidato ay tapat sa posisyon at tutulong sa pagkuha ng kaalaman tungkol sa kanilang customer service philosophy. Dapat ay malinaw na maipahayag ng kandidato ang kahalagahan at impact ng customer service sa paglago at bottom line ng isang kompanya, at maipahayag ang mga halimbawa ng hindi mabuti at mabuting serbisyo. Bukod dito, dapat ay handa siyang magpahayag kung ano ang kaakibat ng pagiging mahusay na customer service representative at ano ang kailangan para maging matagumpay sa posisyon. Ang mga starter question na ito’y puwedeng tanungin sa umpisa ng interview para dumaloy ang pag-uusap:
- Ano ang definition mo ng customer service?
- Ano ang mahusay na customer service para sa iyo?
- Ano ang ikinatutuwa mo tungkol sa customer service?
- Ano ang pinakamagaling na customer service na naranasan mo? Bakit?
- Ano ang pinakamasamang customer service experience na natanggap mo?
- Ano ang 3 pangunahing katangian ng mga nagtatrabaho sa customer service para magtagumpay sila?
- Ano ang 5 pangunahing katangian ng mga nagtatrabaho sa customer service para masabing mahusay sila?
Mga behavioral interview question
Itinatakda ng mga behavioral interview question na dapat ang mga potensiyal na kandidato ay magbahagi ng mga totoong kuwento ng mga dating karanasan sa trabaho para malaman kung meron silang tama at takdang soft skills na kailangan sa trabaho. Ang mga sagot ang magpapatunay at magbibigay ng partikular na ebidensiya ng paraan ng pagtugon nila sa customer issue dati. Ang mabuting kandidato ay makapagbibigay ng detalyadong halimbawa na kanilang naranasan at responsable sila para sa mga pagkakamali imbes na isisi sa customer o sa kompanya. Halimbawa, ang mga tanong ay karaniwang nagsisimula sa “Ilarawan kung paano inasikaso…” o “Ikuwento ang isang halimbawa nang ika’y” o “Magbigay ng halimbawa ng…”
- Ano ang pinakamahirap na customer service case na napunta sa iyo?
- Ikuwento ang isang halimbawa nang ika’y hindi nakatulong sa customer – ano ang naging isyu at paano mo inasikaso ang sitwasyon?
- Ilarawan ang isang sitwasyon sa customer service kung saan nabago mo ang isip ng isang customer na hindi nasiyahan at napasaya mo siya.
- Magbigay ng isang halimbawa na binigyan mo ang customer ng napakahusay na serbisyo.
- Ikuwento ang ilan sa mga naging problema mo dati sa mga produkto o serbisyo na sinuportahan mo. Paano mo ito inasikaso?
- Ano ang pinakamalaking kabiguan mo sa dati mong posisyon, at paano ka naka-recover mula roon?
Mga situational interview question
May pagkakapareho ang mga situational interview question sa mga behavioral interview question at ang mga ito’y tinatanong ng employer para maintindihan ang paraan ng pag-aasikaso ng kandidato – na madalas ay mahirap na sitwasyong sangkot ang customer na puwedeng mangyari sa trabaho. Ang kandidato ay binibigyan ng isang partikular na sitwasyon na ia-assess niya at gagawan ng solusyon kung paano maaasikaso. Ang mga sagot ang magbubunyag ng kanilang paraan ng pag-iisip, paglutas ng problema, analytical na pag-iisip, self-management, at communication skills. Halimbawa, puwedeng ganito ang mga tanong:
- Ano ang gagawin mo kapag may tanong ang customer na hindi mo masagot?
- Pinupunto ng customer ang alam na ninyong problema ng inyong produkto: Ano’ng gagawin mo?
- Paano mo aasikasuhin ang isang galit na customer?
- Anong gagawin mo kung mali ang customer?
- Anong gagawin mo kung sabihin ng customer na masyado kayong matagal mag-ayos ng isyu?
- Kung ang customer ay nagiging abusado pero may punto naman siya, paano mo aasikasuhin ang sitwasyon?
- Kung kailangan mong tanggihan ang hinihingi ng customer, paano mo ito aasikasuhin?
Mga personal interview question
Ang pagtatanong ng mga personal question ay importanteng bahagi ng interview dahil natutulungan nito ang employer na matukoy kung ang isang kandidato ay tumutugma sa trabaho at sa company culture. Ito ay karaniwang nakatali sa personality, mga quality, mga strength/weakness, work style, o work ethic ng kandidato. Bukod dito, kasama kung paano nila harapin ang stress at ang inaasahan nila mula sa employer. Puwedeng ganito ang ilan sa mga personal customer representative interview question:
- Bakit mo gustong magtrabaho sa customer service at paano ka napunta sa larangang ito?
- Anong mga qualification ang meron ka na nagpapabagay sa iyo sa posisyong ito?
- Anong tatlong salita ang gagamitin ng mga kaibigan at kapamilya mo para i-describe ka? ‘Yung mga katrabaho mo? Ikaw mismo?
- Kaya mo bang gawin nang mabuti ang trabaho maski ang sitwasyon ay stressful?
- Team player ka ba o mas mabuting mag-isa?
- Sa tingin mo, ikaw ba ay “people person?” Bakit o bakit hindi?
- Ano ang pinakabagong skill na natutuhan mo at paano ka natulungan nito para maging mas mahusay na customer service rep?
- Paano mo masusukat ang tagumpay mo bilang isang customer service rep?
- Ano ang personal na career goal mo?
- Ano sa pananaw mo ang dahilan kung bakit ka namin kukunin sa aming customer service team?
Mga tanong tungkol sa kompanya
Ang pagtatanong sa mga potensiyal na kandidato kung ano ang alam nila tungkol sa kompanyang gusto nilang pasukan ay isang mahusay na paraan para matukoy kung gaano sila kahanda sa interview. Nakatutulong itong maihiwalay ang mga kandidatong nagpapa-interview sa dose-dosenang posisyon kada araw sa mga kandidatong nagbigay ng oras para magsaliksik tungkol sa kompanya, ang mission, mga produkto, at mga serbisyo. Halimbawa ng mga tanong na ito :
- Ano ang alam mo tungkol sa aming kompanya?
- Bakit mo gustong magtrabaho dito at bakit ka nababagay sa kompanya?
- Ano ang alam mo tungkol sa aming mga produkto/ serbisyo?
- Nasubukan mo na ba ang aming mga produkto/ serbisyo? Ano ang mga problemang naranasan mo?
Diskubrehin ninyo
Mahalaga ang kaalaman kung napapraktis ito. Kaya i-test na ang lahat ng natututuhan ninyo sa aming academy sa loob mismo ng LiveAgent.
Try out LiveAgent for FREE
Handle all customer inquiries from one interface. Start improving your customer service with a 14-day free trial right away!
Frequently Asked Questions
Ano ang dapat sabihin sa customer service interview?
Sobrang nakakakaba talaga ang pagpapa-interview sa anumang uri ng posisyon. Kung gusto mong maka-score sa customer service interview, siguraduhing mahusay kang makipagtrabaho sa iba, may motibasyon, at mahilig matuto ng mga bagong bagay. Magbigay din ng partikular na halimbawa kung saan mo naipakita ang mga abilidad at skills mo. Pero manatiling maikli at simple sa pagsagot.
Paano mo ibebenta ang sarili mo sa isang customer service interview?
Ang pinakamahusay na paraan sa pagbebenta sa sarili sa isang customer service interview ay alamin kung ano ang hinahanap ng interviewer sa isang kandidato. Makikita mo ito sa impormasyon ng company job description. Huwag mag-atubiling ibenta ang sarili, magkuwento kung saan mo naipakita dati ang mga abilidad mo. Pero gawing maikli at hindi paligoy-ligoy ang kuwento.
Ano ang 3 mahalagang qualities ng customer service?
Ang 3 mahalagang qualities ng customer service ay pasensiya, kaalaman, at empathy.