Ano ang customer appreciation?
Ang customer appreciation ay tungkol sa pagsukat ng pagsisikap ng kompanya para sa mga customer nito. Ito ay isang proactive na paraan para ma-engage ang mga customer at ipakita sa kanilang inaalagaan ninyo sila at nagpapasalamat kayo sa kanilang pagtangkilik. Kaya ang mga customer appreciation initiative ay pangunahing nakatuon sa mga kasalukuyang customer.
Ang pagkakaroon ng solid na customer appreciation strategy ay magandang foundation ng:
- Pagtaas ng client satisfaction
- Pagtaguyod ng customer loyalty
- Pagpapahusay ng customer retention
Bakit mahalaga ang customer appreciation?
Ang mga kompanyang hindi nagpapahalaga sa kanilang customer ay nanganganib na mawalan ng customer dahil lilipat ang mga ito sa kompetisyon. Kung hindi naiparamdam sa customer na pinahahalagahan at naaalagaan sila, puwede silang mag-churn.
Ayon sa Rockefeller Corporation study, 68% ng kabuuang customer base ang umaalis dahil pakiramdam nila’y nadedma sila at naniniwala silang hindi sila inaalagaan ng kompanya, kumpara sa 14% lang na umaalis dahil sa di sila naligayahan sa produkto o serbisyo.
Sa kabilang banda, ang paggawa at pagpapatupad ng isang epektibong client appreciation strategy ay puwedeng maging mahalagang susi ng tagumpay. Ang kompanyang mas maraming nakukuntentong customer ay magkakaroon ng pinahusay na customer loyalty at retention. Kung iisiping ang mga loyal na customer ay bumibili ng 90% nang mas madalas at gumagastos ng 60% na mas mataas kada transaction ayon sa Rosetta Consulting survey, magreresulta ito sa mas malaking business profitability. Sa isang pag-aaral nina Andy Fred Wali at Bright C Opara, inihayag na may impluwensiya ang mga customer appreciation strategy sa customer loyalty at advocacy, at ang resulta ay paglaki ng sales growth.
Customer appreciation phrases
Ang wikang ginagamit ng mga business sa kanilang komunikasyon ay nakaaapekto nang malaki sa customer perception. Maraming paraan para gamitin ang wika para ipahayag ang pasasalamat sa loyal na kliyente. Narito ang ilan sa pangunahing phrases at salitang dapat tandaan:
- Ang simpleng “Salamat” at lahat ng kasintulad nito:
- Mga appreciation word (“Pinahahalagahan naming pinili ninyo ang aming business…” );
- Mga salita ng pasasalamat (“Nagpapasalamat kami sa inyong maraming taon na pagiging tapat na customer.”);
- Termino ng pagkilala (“Bilang pagkilala sa inyong katapatan, nais namin kayong imbitahan sa aming customer appreciation program.”)
Thank you notes para sa mga business
Kung paulit-ulit ang ginagamit na pananalita ng inyong customer service team, narito ang ilang magagandang halimbawa kung paano iibahin ang pagkakasabi nito:
- Maraming salamat sa order ninyo!
- Maraming salamat sa pagbili ninyo!
- Salamat sa order!
- Maraming salamat sa pagsuporta sa maliit naming business!
- Maraming salamat sa pagsuporta ng business namin!
- Maraming salamat sa pag-shopping dito sa amin!
- Maraming salamat sa pagbili sa amin!
Naghahanap pa ba kayo ng karagdagang customer appreciation templates? Tingnan ang aming libreng Customer appreciation email templates na puwedeng ma-copy-paste.
Mga ideya para sa customer appreciation
Ayon sa isang ClickFox survey, 62% ng mga consumer ay hindi naniniwalang sapat silang nagagantimpalaan ng mga loyal brand nila. Maraming ibang mga paraan, parehong creative at deretso, na puwedeng gawin ng brand para ipadama sa kanilang customer na inaaruga nila ang mga ito.
Ang pag-invest ng oras at resources sa customer appreciation initiatives at ang laging pagpapahayag ng pasasalamat sa mga customer ay merong benepisyo. Puwede nitong palalimin nang husto ang customer relationships, taasan ang pagkakuntento nila, paghusayin ang customer loyalty, at hikayatin ang brand advocacy.
Anumang mga customer appreciation na ideya ang piliin ng isang business, merong ilang bagay na kailangang tandaan. Ang bawat tangkang pagbibigay ng pasasalamat sa mga customer ay dapat napapanahon, mahalaga, mapapansin, tapat, at personal.
30 ideya ng client appreciation na puwedeng gamitin ng mga business para pasalamatan ang mga customer
- Mag-offer ng mga random discount coupon sa inyong mga produkto/serbisyo.
- Mamigay ng mga coupon, maalalahaning gift card, o isang simpleng kahon ng biskuwit sa mga loyal na customer.
- Magbigay ng libreng produkto o service upgrade.
- Magsama ng customer appreciation notes sa bawat binili.
- Mag-offer ng mga personalized feature sa inyong mga produkto o serbisyo.
- Magbigay ng mga incentive sa inyong mga customer na nagbigay ng five-star reviews.
- Magpadala ng thank you emails kasunod ng pagbili, muling pagbili, o pagbigay ng testimonial.
- Mamahagi ng mahalagang content na nakatutulong sa mga customer na masulit ang inyong mga produkto o serbisyo.
- Gumawa ng thank you video at ibahagi ito sa mga customer.
- Magpadala ng mga sulat-kamay at personalized na thank you letters sa post office o courier.
- I-feature ang inyong mga tapat na customer sa website, blog, o social media.
- Magbahagi ng customer case studies at success stories sa inyong blog
- Mag-offer ng specials sa inyong mga social media advocate.
- Magpadala ng napapanahon at mahalagang customer appreciation gifts
- Bigyan ang inyong mga customer ng libreng consultation session.
- Mag-offer ng mga libreng educational material—halimbawa, mga webinar, whitepaper, tutorial, at iba pa.
- Magbigay ng mga special discount o freebies para sa birthday ng customers o magpadala ng birthday cards na simpleng bumabati ng “Happy birthday!”
- Gantimpalaan ang mga customer ng isang customer loyalty program.
- Gumawa ng isang customer VIP club na may eksklusibong perks.
- Magsimula ng isang referral program at gantimpalaan ang inyong mga customer sa pag-refer ng kanilang mga kaibigan.
- Kung ang inyong mga customer ay may-ari ng business, i-refer ang kanilang business sa iba.
- Mag-offer sa mga customer ng mga special deal sa ibang (di kompetisyon na) brand.
- Magsagawa ng di-malilimutang customer appreciation event.
- Magtakda ng isang customer appreciation contest o giveaway.
- Sorpresahin ang inyong loyal na mga customer paminsan-minsan ng di-inaasahang perks.
- Ipakita na kayo’y nagsagawa ng mga pagbabago bilang tugon sa kanilang feedback.
- Ipagdiwang ang major company milestone at i- highlight ang mga pinaka-loyal ninyong mga customer.
- Magtakda ng partikular na araw, linggo, o buwan para sa customer appreciation.
- Magbigay ng donasyon sa isang local charity sa ngalan ng inyong customer.
- Mag-offer na mag-sponsor ng customer para sa isang event na sasalihan nila.
Quotes ng customer appreciation
Ang 5 na client appreciation quotes na ito ang nagpapakita ng kahalagahan ng pag-aalaga sa mga customer at pagpaparamdam ng pagpapasalamat:
“Ang isang salita ng pagpapahalaga ay kadalasang nagagawa ang bagay na walang ibang nakagagawa.”
B. C. Forbes
“Gawing sentro ng inyong mundo ang customer, at tiyak mas maraming mga customer ang iikot sa inyo.”
Heather Williams
“Hindi alintana ng mga customer ang lawak ng kaalaman ninyo kung hindi nila alam na iniisip ninyo ang kapakanan nila.”
Damon Richards
“Ituring na parang mga ngipin ang inyong mga customer. Kung di ninyo sila aalagaan, maaalis sila isa-isa hanggang walang matitira.”
Jerry Flanagan
“Mas madaling mahalin ang isang brand na minamahal ka rin.”
Seth Godin
Diskubrehin ninyo
Try out LiveAgent for FREE
Handle all customer inquiries from one interface. Start improving your customer service with a 14-day free trial right away!