Paano ma-maximize ang epekto ng customer gifts
Statistically, halos 75% ng mga business gifts ay ibinibigay tuwing Pasko. 25% ng customer appreciation gifts ay ibinibigay tuwing birthday, anibersaryo, promotions, biglaan, o iba pang araw ng taon. Ang simple pero epektibong teknik para mapabuti ang epekto ng business gifts ay ang pagbibigay ng mga ito kapag hindi holiday season. Napapataas nito ang pagkakataong hindi mawawala ang regalo ninyo.
Subukang magsali ng elemento ng misteryo sa pagbibigay ng regalo. Ang pag-aaral mula sa University of Miami School of Business Administration ay nagsabi na kapag ang produkto na nakapag-trigger ng mas maraming emosyon ay in-offer kasama ng libreng regalo, ang mga shopper ay mas malamang na bibilhin ang produktong iyon kung ang uri ng regalo ay hindi nila alam kaysa sa kung alam nila kung ano ang regalo.
Ayon sa isang article sa Journal of Marketing, ang pagbibigay ng libreng produkto o kaugnay na mga extra ay agad na kumakalat sa word of mouth. Ang pamimigay ng isang produkto ay may kinalaman sa halos 20% pagtaas sa kabuuang word of mouth. Maliban sa loyal customers, puwede rin ninyong i-target ang mga first-time buyers kapag mamimigay ng freebies para makakuha ng positibong unang impression.
Subukan ding magbigay ng regalo sa mga brand advocate ninyo, ang mga customer na madalas aktibo sa social media, at may malaking outreach at iyon ding mga nag-share sa social networks ng kanilang positibong karanasan sa brand ninyo. Ito ay makapagda dala sa inyo ng mga bagong referral.
Paano mamili ng pinakamainam na regalo para sa kliyente
Kapag mamimili ng tamang regalo para sa mga customer, merong ilang mga importanteng bagay na kailangan ninyong tandaan. Ang regalo ay dapat may halaga sa customer. Dapat magagamit nila ito at may praktikal na gamit. Dapat may kaugnayan ito sa kompanya ninyo at magsisilbing palatandaan. Kailangan din ninyong mamili ng iba’t ibang corporate client gifts para sa iba’t ibang customer segments ayon sa customer demographics. Ang mga sumusunod ay 15 ideya ng client gifts na puwedeng makatulong sa inyo.
15 ideya ng customer gifts na magpapakita ng pagpapahalaga
1. Libreng produkto
Ang pinakasimple pero isa sa pinaka-epektibong paraan ng pagpapakita ng customer appreciation ay ang pagreregalo ng libreng produkto (full version, hindi sample lang) mula sa catalog ninyo na puwedeng makapagpahusay o bumagay sa orihinal na binili ng customer.
2. Libreng serbisyo o upgrade
Para sa SaaS business, ayos lang na mag-offer sa mga customer ng isang buwang libreng serbisyo, sorpresahin sila ng libreng upgrade na makakapagdagdag ng karagdagang features sa produkto ninyo o magbigay ng personalized product customization.
3. Branded na mga regalo
Ang mga branded na produkto ay napakadalas pinipili ng mga kompanya bilang thank you gifts. Ilan sa mga item na nagdadala ng company logo ay damit, bag, tasa na pang-tsaa at kape, sports accessories, stationery, at office supplies, pati na rin masasayang items.
4. Industry-themed na regalo
Ang mga regalo na may tema ng industriya (tulad ng mga real estate agents na nagbibigay sa mga customer ng mga items na hugis bahay) ay isang magarang mapagpipilian kung gusto ninyong isipin ng mga customer ang produkto o serbisyo ninyo. Ang mga regalong ito ay dapat may logo ninyo at kakulay ng kompanya ninyo.
5. Gift baskets
Ang mga pinag-isipang basket na puno ng mga kaugnay na customized na produkto ay palaging napakahusay na regalo para sa mga kliyente sa iba’t ibang holiday, anibersaryo, o iba pang okasyon. Sa loob ng basket, puwedeng iba-iba ito mula gourmet foods at hygiene items hanggang office décor at specialty accessories.
6. Gift card
Kung hindi kayo sigurado kung anong kukunin ninyo, ang mga gift card ay isang klasikong regalo na magbibigay ng kalayaan sa mga customer na mamili ng gusto nila mula sa napakaraming produkto mula sa inyo o sa mga partner merchants.
7. Mga bulaklak
Kung ang tina-target ninyo ay mga babaeng customer segments, ang mga bulaklak at potted plants ay puwedeng napakainam na regalo sa kliyente para sa halos kahit anong okasyon tulad ng birthday, anibersaryo, at partikular na holidays, halimbawa, Mother’s Day, Valentine’s Day, o Women’s Day.
8. Magazine subscription
Ang mga magazine subscription ay nagiging popular na corporate gift choice. Kung alam ninyo kung anong uri ng magazine ang magugustuhan at magagamit ng customer ninyo, ang pagreregalo ng subscription ay tiyak na ikatutuwa nila.
9. Mga libro
Ang mga libro ay ilan sa mga pinaka-pinahahalagahang business thank you gift ideas. Depende sa kung gaano ninyo kaalam ang preferences ng customer ninyo. Ang isang rekomendadong librong may kaugnayan sa propesyonal o personal na interes ay isang walang kupas na personalized na regalo.
10. Regalong pang-edukasyon
Kahit online course ito tungkol sa mga topic na babagay sa binili ng customer o ilang klaseng may kinalaman sa interes nila, ang pagbibigay ng regalong pang-edukasyon ay magagamit sa pangmatagalan at ikatutuwa ng mga partikular na grupo ng customer.
11. Regalo ng karanasan
Isa pang option maliban sa materyal na bagay ay ang pagreregalo ng karanasan. Puwede itong pagpapatibay ng kalusugan (fitness o yoga classes), pang-relax (spa day o masahe), entertainment (tickets para sa lokal na sports events o concerts), o kahit ano pa.
12. Regalong pang-birthday
Ang pagpapadala ng regalo sa customers sa birthday nila ay tunay na magpapakitang pinahahalagahan ninyo sila, at magiging loyal pa sila. Pero baka maging obligasyon ang pagbibigay ng regalo sa birthday, dahil baka maramdaman ng customer na undervalued na sila sa mga susunod na taon kung wala silang natanggap.
13. Lokal na produkto
Ang mga lokal na goods at serbisyo tulad ng lokal na kape, lokal na farm items, lokal na sining, at lokal na crafts ay puwedeng maging napakainam na business holiday gifts. Ang mga ito ay hindi lang ikatutuwa ng mga customer pero makatutulong na ring mapahusay ang brand perception ninyo.
14. Isang customer appreciation event
Ang pag-host ng isang espesyal na customer appreciation event ay puwede ring maging mabuting corporate gift idea para sa ilan sa pinaka-loyal na customers. Ang ganitong event ay puwedeng makapagbigay ng propesyonal na halaga sa mga customer sa pamamagitan ng pagbibigay ng pagkakataon na makapag-network sila sa isa’t isa.
15. Donasyon sa charity
Pagdating sa kakaibang client gift ideas, ang pagbibigay ng charitable donation sa ngalan ng mga customer ninyo at ang pagbibigay-alam sa kanila kung saan mapupunta ang pera nila ay isang napaka-makabuluhang regalo, pero kapag angkop lang sa kompanya ninyo.
16. Magpadala ng GIF
Minsan, ang isang bagay na napakasimple tulad ng GIF sa isang chat conversation ay puwede napakainam na paraan para magsabi ng salamat, pinahahalagahan namin kayo. Sa LiveAgent, puwede kayong gumamit ng mga GIF pagkatapos ninyong i-activate ang plugin. Mabuti itong paraan para mapasaya ang araw ng customer ninyo. Pero gamitin ito nang may pag-iingat at respeto.
Diskubrehin ninyo
Try out LiveAgent for FREE
Handle all customer inquiries from one interface. Start improving your customer service with a 14-day free trial right away!