Mga halimbawa ng template para sa pagpapadala ng customer satisfaction surveys sa mga e-commerce businesses upang matukoy ang level ng satisfaction ng mga customers sa mga produkto o serbisyo na nabili nila.
Kahit dapat obvious ito, minsan madaling makalimutang ang mga customer ang cornerstone ng bawat business. Kaya naman napakahalagang maging in-touch lagi sa kanila — para malaman kung ano ang nararamdaman nila, ano ang iniisip nila, at ano ang pinahahalagahan nila sa inyong mga produkto o serbisyo. Kapag alam ninyo ito, mapapahusay ninyo ang mga offering ninyo at mapapataas pa ang customer loyalty sa paglaon. Kaya ang pagpapadala ng customer satisfaction surveys ay dapat gawing regular na marketing activity, lalo na kung nasa market o industriya kayong diverse ang kompetisyon.
Sa ilang pagkakataon, tiyak nakakita na tayong lahat ng customer satisfaction survey, pero hindi pa rin sila masyadong pangkaraniwan. Bakit kaya? Simple — dahil karamihan sa pinapadalang surveys ng mga kompanya ay di nakapokus sa user experience na kaakibat ng kanilang produkto o serbisyo, bagkus nakapokus lang sa pagkuha ng data o figures tungkol sa perception ng customer at sa brand image. Mabuti at unti-unti nang nagbabago ang kalakarang ito, kaya panahon na para makisabay kayo sa pagbabagong ito. Alamin natin ang tungkol sa satisfaction surveys at tingnan kung paano ninyo magagamit ito sa inyong e-commerce marketing communication.
Sa pagpapatakbo ng business, laging kritikal ang research. Iba-ibang uri ang research tulad ng market analysis, vendor research, long-form na mga tanong, o mga focus group na puwedeng makita ang uri ng target audience ninyo, ang kanilang demographics, ekonomikong sitwasyon, at mga interes. Pero dahil laging pabago-bago ang customer profiles, tuloy-tuloy din dapat ang research. Sa pag-update ng research ninyo nang regular, kayo ay makakapag-develop, uunlad, at magiging mas maaasahang partner ng inyong customers sa pangmatagalan. So paano ba mangolekta ng maraming data? Gamit ang satisfaction surveys!
Ang satisfaction surveys ay isang set ng tanong na ang pakay at mangolekta ng parehong quantitative at qualitative data na matutulungan kayong tukuyin at sukatin kung gaano kakuntento ang customers sa isang produkto, serbisyo, o kahit sa proseso ng pagbili. Dahil sa kanilang focus, dapat ipadala ang ganitong surveys sa customers pagkatapos ng isang transaksiyon, pagkabisita nila sa online store, ot kapag may interaksiyon sila sa kompanya ninyo.
Bumili na ba kayo dati sa isang pisikal na tindahan o nanood sa sinehan at pagkatapos ay nakakuha ng isang survey na nagtatanong sa naging karanasan ninyo? Iyon ang customer satisfaction survey. Kahit parang pareho ito sa ibang survey, ang mga itatanong dito ay depende na sa pakay na nais ng kompanya.
Para mas madalian kayo sa pagtantiya ng customer satisfaction ninyo, gumawa kami ng ilang post-sale customer satisfaction survey templates para magamit ninyo. Silipin ang templates sa ibaba, puwede itong ma-copy-paste, at simulang sukatin ang kasayahan ng customer ninyo.
Design your own templates
LiveAgent gives you the power to design your own customer email templates. Curious about all the opportunities?
We’re reaching out because [recently/on purchase date] you placed an order at [online store’s name], and we’d like to know whether [product/service] met your expectations.
To share your opinion with us, please fill out the survey linked below.
[Button: Fill out the survey]
We hope you are satisfied with your purchase, and we’d really appreciate your feedback.
Thank you!
The [online store’s name] Team
Not so long ago, you ordered [product/service at online store’s name], and we’d like to know your thoughts about it.
That’s why we’d like to ask you to answer a few quick questions. You can do so by filling out this form [link to the form] or simply answering the following questions by responding to this email.
Question 1
Question 2
Question 3…
After you have completed the survey, we’ll send you a discount code for your next purchase as a thank you for helping us improve our [products/services].
Can’t wait to hear back from you!
Best,
The customer Satisfaction Team at [company]
How do you like the [product/service] you bought [recently/on purchase date] at [online store’s name]?
Please share your opinion by clicking on the most relevant emojis below:
😕 not good
😐 sufficient
🙂 good
😀 excellent
Would you like to add anything else? If yes, please answer this email and share your thoughts, or fill out this form: [link to the form].
We value your feedback!
[online store’s name]
Walang tiyak na isang kasagutan sa tanong na ito. Puwede kayong magpadala ng post-sale customer satisfaction survey sa parehong customer matapos ang kada pagbili nila. Pero kung ang business model ninyo ay may madadalas na pagbili, o kung may mga customer kayong suki na, baka di magandang ideya na magpadala ng satisfaction survey kada bawat order.
Bakit? Baka mairita lang ang mga customer. Isipin ninyo kung lagi kayong nakatatanggap ng parehong email mula sa iisang kompanya ilang beses sa isang linggo. Di ba maiinis din kayo sa ganun?
Kung bumibili ang customers ninyo ng mga produkto nang isa o dalawang beses sa isang buwan, puwede kayong magpadala ng post-sale surveys kada bawat pagbili. Kung mas madalas bumili ang ilang customer, puwede kayong mag-set na lang ng simpleng patakaran dito. Halimbawa, magpadala lang ng customer satisfaction survey tuwing matatapos ang ikalawa, ikatlo, o ikaapat na pagbili nila, depende sa sales volume ng inyong e-commerce business.
Isa pang solution ang pagpapadala ng weekly, monthly, o quarterly na post-sale customer satisfaction survey emails na aggregated. Puwede kayong maglagay din ng link sa post-sale customer satisfaction survey sa bawat email na kinukumpirma ang product shipment. Pero ang solution na ito ay maaaring magresulta sa mababang submission at conversion rates.
Kailangan ninyong suriin ang indibidwal na kaso sa online shop at mag-adjust na lang ng dalas na pagpapadala ng post-sale customer satisfaction survey emails.
Pangkaraniwang gawain na ang mag-reward ng customers sa tulong nila. Hindi naman kasi kailangang maglaan ng oras ng customers para sagutan ang mga tanong ninyo – kayo ang nakikinabang sa ganitong pagkuha ng data. Kaya magandang gawain ang pagbigay ng regalo sa customer sa kanilang pagpapaunlak. Puwedeng bigyan sila ng discount code para sa susunod nilang pagbili, mag-offer ng libreng shipping, o ipagbigay-alam sa loyal customers ang tungkol sa seasonal discounts nang mas maaga sa ibang nasa database, at iba pa.
Maraming paraan sa pagsasabi ng “thank you” sa pagsagot sa customer satisfaction survey. Tungkol ito sa pagdaragdag sa kahalagahan ng customers nang maipakita ninyo ang pasasalamat sa kanila.
Join our community of happy clients and provide excellent customer support with LiveAgent.
Gumagamit ng cookies ang website namin. Sa pagpapatuloy mo dito, awtomatikong tatanggapin namin na may permiso kami sa pag-deploy ng cookies na nakadetalye sa aming polisiya sa privacy at cookies.
Answer more tickets with our all-in-one help desk software. Try LiveAgent for 30 days with no credit card required.
Hello, I’m Andrej. We’re thrilled to invite you to an exclusive software demo where we’ll showcase our product and how it can transform your customer care. Learn how to achieve your business goals with LiveAgent or feel free to explore the best help desk software by yourself with no fee or credit card requirement.
Andrej Saxon | LiveAgent support team