TimeCamp integration
Partner website
Partner Privacy Policy
TimeCamp Privacy policy
Ano ang TimeCamp?
Ang TimeCamp ay isang time tracking app na puwedeng mag-track ng team project, task, profitability, at pagiging produktibo. Awtomatikong sinisimulan ng TimeCamp ang pag-track ng oras tuwing sisimulan mo ang isang task para di mo na kailangang magbukas pa ng time tracker. May offer din ang TimeCamp na reporting, billing tracking options, at pinadaling invoicing.
Paano ginagamit ang TimeCamp?
Pakinabangan ang TimeCamp kung gusto mong ma-track ang inyong team performance o kung gaano katagal tumutulong ang mga empleyado ninyo sa mga customer. Puwede na ninyong gamitin nang libre ang TimeCamp o magbayad ng maliit na halaga para sa karagdagang features. Maraming pricing plan options ang TimeCamp kaya di na ninyo kailangang mag-alala sa pagbabayad sa sobrang features na di naman ninyo gagamitin.
Pakinabangan ang automatic time tracking
Kung busy kayo sa pagsagot ng mga ticket, tawag, o pagsusulat ng mga knowledge base article, puwede ninyong gamitin ang automatic time tracking para ma-track ninyo ang lahat ng ginagawang trabaho sa lahat ng mga platforms sa web. Paano? Ang TimeCamp ay may automatic time tracking na natutukoy ang bawat activity sa tulong ng keywords.
Paano ka magbebenepisyo sa TimeCamp integration?
- I-track ang performance ng inyong team
- Makakuha ng kabuuang ideya kung gaano katagal mong ginagawa ang iba’t ibang task
- Pagbutihin ang inyong customer support desk workflow at muling ilaan ang ibang resources batay sa nakolektang data
Paano ang integration ng TimeCamp?
Para simulang gamitin ang TimeCamp sa LiveAgent, gumawa lang ng TimeCamp account at simulan na ang pag-track ng inyong oras ng pagtatrabaho. Puwede ninyong piliin ang pag-track ng inyong oras ng pagtatrabaho gamit ang website app, gamit ang browser extension (tulad ng isang ito para sa Google Chrome), o sa pag-download ng app diretso sa inyong computer.
- Pumunta sa TimeCamp website at gumawa ng libreng account o mag-log in na sa account ninyo. Isang minuto lang ang paggawa ng account dito, at di mo na kinakailangang maglagay ng anumang impormasyon ng credit card para makapagsimula. Ang bagong account ay awtomatikong magsisimula sa libreng 14-araw na trial ng bersiyon na Pro, na siyang babalik din sa libreng bersiyon pagkatapos ng 14 araw, kaya di ka mawawalan ng progreso ng pagtatrabaho.
- Gumawa ng panibagong time entry para sa inyong customer support activities o para sa isang partikular na activity. Halimbawa, puwede mong ma-track ang pagiging produktibo ng inyong team sa hiwa-hiwalay na social media platform at puwedeng magkaroon ng ibang time entry para sa mga tawag o email. Kayo na ang pumili.
- Kapag tapos ka na, i-click lang ang button at simulan ang pag-track ng iyong activity level sa mga partikular na task. Tuwing natatapos ka sa isang activity, i-click ang stop button para ihinto ang pag-track ng inyong oras ng pagtatrabaho.
Puwede mo ring makita ang inyong statistics tulad ng away time at oras na ginugugol sa mga partikular na app sa inyong computer. Mapapaunlad ng TimeCamp ang performance ng inyong customer service teams gamit ang all-in-one na mga kapasidad ng pag-monitor ng empleyado. subukan ang TimeCamp sa LiveAgent para makakuha ng pinakamahusay na resulta mula sa inyong customer service teams.
Gusto mo pang malaman kung ano pa ang magagawa mo sa LiveAgent? Panoorin ang aming product tour video o tingnan ang aming feature page para makita ang lahat ng aming mga offer.
Frequently Asked Questions
Ano ang TimeCamp?
Libre bang gamitin ang TimeCamp sa LiveAgent?
Oo, puwedeng gamitin ang TimeCamp sa LiveAgent nang walang karagdagang bayad.
Puwede ba ang integration ng TimeCamp sa LiveAgent?
Puwede mong gamitin ang TimeCamp sa LiveAgent sa anumang paraang nais ninyo nang di na gumagamit pa ng plugin o third-party software. Simulan lang ang pag-track ng inyong customer support activities kapag nagtatrabaho na.
Ang Yootel ay isang reference VoIP operator na nag-aalok ng mga serbisyo para sa mga propesyonal. Nagbibigay sila ng total support, napakaayos na koneksiyon, at state-of-the-art na equipment. Kasama rin sa kanilang mga serbisyo ang business telephony, VoIP features, at marketing solutions. Yootel ay ideal na partner para sa LiveAgent call center, na nagbibigay ng advanced features tulad ng custom IVR at call recording. Puwede rin itong i-integrate sa LiveAgent para sa hassle-free call center management.
Ang Zapier ay isang platform ng integrasyon na nagbibigay-daan sa iyo upang i-automate ang mga gawain sa pamamagitan ng pagkonekta ng iba't ibang mga app. Maaari mong gamitin ito upang i-integrate ang LiveAgent sa iba't ibang mga app at mapabuti ang iyong daloy ng trabaho. Ang proseso ay madali at tumatagal lamang ng ilang minuto. Maaari mo ring subaybayan ang oras ng mga ahente sa help desk at gawing madali ang iyong customer service.