Libreng trial

Language switcher

–Hidden comment

Use attributes in format region_from and region_to= to change the languages showing in language switcher.
Available regions are:
europe_from europe_to
asia_from asia_to
mideast_from mideast_to
america_from america_to

Example:
europe_from=0 europe_to=22 will put all languages (ordered in language switcher settings) from 1 to 21 to Europe region:
asia_from=22 asia_to=25 will put all languages from 23 to 24 (so only 2) into Asia region.

Google Forms

Ano ang Google Forms?

Ang Google Forms ay isang web-based na survey administration software. Bahagi ito ng Google Docs Editors suite. Ginagamit ito para sa pangongolekta ng data, impormasyon, at sa pag-research sa pamamagitan ng mga survey. Ang Google Forms ay libre prara sa lahat ng gustong gumamit nito.

Paano ito magagamit?

Kapag integrated sa inyong LiveAgent, puwede ninyong gamitin ang Google Forms para gumawa ng mga response, sundan ang notifications, at i-manage ang inyong mga form. Marami sa mga function na ito ang puwedeng gawin mula sa inyong dashboard, at di na ninyo kailangan pang magpalipat-lipat ng apps. 

Mga Benepisyo

  • I-manage ang inyong mga form mula sa iisang software
  • Magdagdag o magpalit ng mga kasagutan
  • Di na palipat-lipat ng software

Paano ang integration ng Google Forms sa LiveAgent via Zapier?

Puwedeng mag-integrate ng Google Forms gamit ang serbisyo ng Zapier. Puwede sa Zapier ang mainam na pagkonekta ng dalawang app at paggawa ng integrations sa kanila. Kailangan ninyong gumawa ng Zapier account sa link na ito. Kapag meron na kayo, pumunta sa Google Forms + LiveAgent integrations page sa Zapier.

LiveAgent at Google Forms integrations page sa Zapier
LiveAgent + Google Forms

Mag-scroll down sa page hanggang makita ninyo ang trigger and action selection. Ang unang hakbang para ma-integrate ang LiveAgent sa ibang app ay ang piliin ang kailangang magawa ng integration na ito. Magagawa iyon sa pamamagitan ng pagpili ng tamang triggers at actions. 

Depende sa inyong integration setup, ang trigger at action setup ay maaaring mag-iba depende sa inyong kombinasyon. Gayunman, ang proseso ay madali lang gawin at puwedeng makumpleto sa ilang minuto lang.

Maraming kombinasyong mapagpipilian. Sa halimbawang ito, ang gamit namin ay ang guide para sa Forms trigger na New or Updated Response in Spreadsheet at LiveAgent action na Create Conversation. Matapos piliin, i-click lang ang blue na Connect button para sa susunod na hakbang.

Isang napiling trigger para sa Google Forms at action para sa LiveAgent
Napiling trigger at action

Sa hakbang na ito, kailangan ninyong ibigay ang inyong login information at bigyan ng access ang Zapier. Puwede rin ninyong piliin kung aling spreadsheet, worksheet, o column — kasama na ang kanilang content — ang magiging bahagi ng integration.

Halimbawa ng Google forms trigger setup na may kompletong fields
Halimbawa ng trigger setup

Pagkatapos maibigay ang lahat ng detalye, hihingi ang Zapier ng trigger test. Puwede ninyong hindi gawin ito, pero mas nirerekomenda naming ituloy ito para makita kung tumatakbo ito nang maayos.

Matagumpay na test ng isang Google Forms trigger pagkatapos ng setup
Matagumpay na trigger test

Ngayon naman, para sa LiveAgent, dahil gusto nating gumawa ng conversation sa ating ticketing system ang integration, kailangang i-configure ang sender, recipient, at message content. Meron ding department section para matukoy kung saang department mapupunta ang ticket na ito. 

Ang parte ng setup na ito ay may non-required na fields tulad ng recipient name, CC email address, message ID, at iba pa. Puwede ninyong punan ang mga ito kung gusto ninyong mas maging specific ang message. 

Halimbawa ng LiveAgent action setup  na may kompletong fields
Halimbawa ng action setup

Ang huling bahagi ng integration process ay ang test.

Matagumpay na test ng isang Google Forms at LiveAgent integration sa Zapier
Matagumpay na integration test

Success! Handa na ang inyong integration. I-click lang ang Zap para ma-activate ito at simulan nang gamitin. Makatatanggap kayo ng message sa inyong ticketing system sa tuwing may bago o updated rna esponse sa inyong mga spreadsheet. 

Bagong ticket na dumating sa ticketing system matapos ang matagumpay na integration sa Google Forms
Isang bagong ticket tungkol sa Forms updates

Kung gusto ninyong gumawa ng karagdagan at iba’t ibang integrations, balikan lang ang Zapier page sa simula ng article na ito at ulitin ang proseso.  

FAQ

Ano ang mga benepisyo sa paggamit ng Google Forms sa LiveAgent?

- i-manage ang Google Forms ninyo mula sa LiveAgent

- makakuha ng notifications sa LiveAgent tuwing may bagong mga sagot

Paano ang integration ng Google Forms sa LiveAgent?

1. Mag-sign in sa inyongr Zapier account

2. Pumunta sa Zapier - LiveAgent + Google Forms

3. Piliin ang preferences ninyo

4. I-click ang connect

Balik sa Integrations Gumawa ng LIBRENG account

Gumagamit ng cookies ang website namin. Sa pagpapatuloy mo dito, awtomatikong tatanggapin namin na may permiso kami sa pag-deploy ng cookies na nakadetalye sa aming polisiya sa privacy at cookies.

×

Mag-schedule ng one-on-one na tawag at alamin kung ano ang benepisyo ng LiveAgent sa inyong business.

Maraming petsa ang bakante

Mag-iskedyul ng demo