CloudApp integration
Partner website
Partner Privacy Policy
Pakisundan ang integration guide sa ibaba para simulang gamitin ang CloudApp sa LiveAgent.
- Mag-sign up sa CloudApp at mag-login sa inyong LiveAgent account
- Simulan ang pagdagdag ng links o content sa LiveAgent
Ano ang CloudApp?
Ang CloudApp ay isang software company na ang espesyalidad ay ang pagbibigay ng cloud-based na screen at video capture software applications.
Paano ninyo ito magagamit?
I-record ang inyong screen
Sa CloudApp, puwedeng mag-capture ng video ang team ninyo sa anumang bahagi ng kanilang screen, mula sa isang browser tab o isang interaksiyon sa isang native na Windows o Mac app na diretso nang puwedeng ma-share sa anumang LiveAgent ticket, chat, forum post, o knowledge base page.
Mag-edit at mag-annotate
Tiyak na mas matutuwa ang mga customer ninyo kung aalisin na ang pabalik-balik na proseso kapag nag-uusap. Mas madali na ang buhay kung diretso lagi sa punto, salamat sa LiveAgent. Mas mabilis nang 300% na beses ang usapan sa pag-highlight ng isang section sa webpage para mas madaling makita ang suggestion o feedback.
Diretso itong ilagay sa LiveAgent
Mag-capture ng recording o screenshot at sa magic ng CloudApp, awtomatikong magiging shareable link ito. Gusto ninyong makakita ng sampol? Madali lang. Drag and drop lang!
Frequently Asked Questions
Ano ang CloudApp?
Sa CloudApp, puwede kayong mag-record ng screen at ise-save sa cloud ang file para puwede itong ma-access anumang oras.
Bakit ninyo kailangan ang integration ng CloudApp sa LiveAgent?
Araw-araw, maraming inquiries ang natatanggap ng customer service. Sa CloudApp, puwedeng mag-record ang team ninyo at mag-share ng video sa inyong mga customer. Pinapahusay nito ang inyong customer service/support. Puwede ring tumaas pa ang customer satisfaction sa simpleng pag-share ng link na may video sa LiveAgent.