Pinadadali ng isang VoIP router ang mga VoIP call saanman sa inyong opisina o bahay.
Ano ang VoIP router?
Ang VoIP ay isang specialized na router, at pinadadali nito ang paggawa ng mga phone call sa Internet. Sa paggamit ng router para sa VoIP, puwede kayong tumanggap ng mga incoming call sa inyong Internet connection.
Nirerekomenda ng ilang VoIP service ang paggamit ng VoIP router dahil mapabubuti nito ang quality ng mga VoIP call ninyo. Puwedeng magrekomenda ng partikular na router para sa VoIP para makuha ninyo ang pinakamahusay na wireless performance. Kung nakaranas kayo ng mga problema sa mga VoIP phone, magandang gumamit ng router para sa VoIP at sulit sa presyo ito para makakuha ng mas mabilis na speed at mas mabuting VoIP call.
Paano mag-set up ng VoIP router?
Ang partikular na proseso ng pagse-set up ng isang VoIP router ay iba-iba depende sa device ninyo. Kung magkaproblema kayo, tawagan ang inyong internet service provider para sa karagdagang tips.
- Mga VoIP phone recommendation: Para sa pinakamainam na performance, magtanong ng rekomendasyon na bagay sa partikular VoIP phone mula sa inyong VoIP provider.
- Ikonekta ang inyong VoIP router cable: Sa karamihan ng mga kaso, merong dalawang paraan para ikonekta ang inyong VoIP router sa inyong Internet connection: mga ethernet port na merong Internet cable o isang Gigabit Ethernet. Kapag available, gamitin ang Gigabit Ethernet para makakuha ng mataas na speed.
- Gamitin ang web-based setup page ng router: Karamihan ng mga modelo ng router ay nagbibigay ng web page na may instructions kung paano mag-set up ng wi-fi router ninyo. Halimbawa, kailangan ninyong pumili ng pangalan para sa wireless router, security settings, at isang password mula sa mga configuration option.
- Sumubok ng ibang mga router location para sa mas mabilis na speed: Isaisip ninyo na ang wireless network ay merong mga limitasyon. Ang Wi-Fi signal ninyo ay may range na 150 feet (45 meters) sa loob. Kung meron kayong home office, subukan ninyong mag-set up ng mga wireless router na kasinglapit sa inyong home office para makagawa kayo ng mga call.
Paano mag-troubleshoot ng isang VoIP router?
Kung gusto ninyo ng mas mabilis na speed para sa online gaming o sa mga VoIP call, malamang gusto ninyong lakasan ang Internet speed ninyo. Mabuti na lang at merong ilang simpleng paraang magagawa para riyan.
Sukatin muna ang inyong Internet speed
Gumamit ng Internet speed test tool para sukatin ang inyong speed at pagkatapos ay ikumpara ang speed na ito sa inyong Internet connection. Halimbawa, kung meron kayong ten megabit Internet speed sa inyong 50 megabit Internet service, meron pang pag-asa sa improvement. Sa kabilang banda, kung meron kayong 40 o 45 megabit speed sa 50 megabit Internet connection, malapit na kayo sa maximum speed. Sa ganitong sitwasyon, kailangan ninyong kumontak at mag-request ng mas mabilis na koneksiyon sa inyong internet service provider.
Mag-check ng configuration options
Pag-isipan ninyong mag-reset ng inyong router sa mga default setting (kilala rin bilang factory default setting). Kung hindi ito gumana, baka gusto ninyong mag-disable ng mas lumang wireless protocol (ibig sabihin, 802.11g) at gumamit ng mas mabilis na mga protocol gaya ng 802.11 ac kung lahat ng inyong mga device ay suportado ang 802.11 ac.
Pagbutihin ang network performance gamit ang bagong firmware
Gumagamit ng specialized software ang inyong wifi router na tinatawag na firmware para pangasiwaan ang inyong Internet access. Ang pag-install ng updated firmware ay makapagpapabilis ng inyong Internet speed.
Palitan ang router location ninyo
Halimbawa, kung meron kayong garage office at malayo ang inyong WiFi router, magiging mabagal ang Internet access speed. Mag-eksperimento kayo at ilipat ninyo ang router sa mas malapit sa kinauupuan ninyo.
Ano ang mga pangunahing uri ng router?
Bago kayo magsimulang tumingin ng mga modelo ng router, mabuting maintindihan muna ninyo ang mga pangunahing uri ng wi-fi router sa market.
Wired routers
Ang wired routers ay hindi nagbibigay ng wireless connection. Ang ganitong tipo ng router ay nagbibigay ng Internet access gamit ang Ethernet ports o Gigabit Ethernet. Kung naka-focus kayo sa pinakamabilis na posibleng Internet access para makagawa ng VoIP calls, ang offer ng wired router ay pinakamabilis na speed. Ang disadvantage lang ay kailangang pisikal na nakakonekta ang wire sa wired router at sa device ninyo. Pero kung mas mahalaga sa inyo ang instant downloads at suwabeng gaming experience, mahirap talunin ang wired router.
Wireless routers
Hanap ba ninyo ang wireless solution? Kung ganoon, gumamit ng wireless routers. Sa iisang wireless router, makakukuha kayo ng wireless Internet coverage sa buong bahay o office. Kaya lang, ang wireless Internet coverage ay nalilimitahan ng mga pader at furniture sa office environment ninyo. Kaya baka bumagal ang video calls at digital downloads ninyo kung malayo kayo sa wireless router.
Virtual router
Taliwas sa nasabi sa itaas, ang virtual router ay di nangangailangan ng special hardware. Ii-install lang nito ang app sa PC ninyo. Ang virtual router ay isang popular choice para sa VPN protection ng mga device tulad ng game consoles, Apple TVs, at Smart TVs. Magagamit rin ninyo ito sa pag-access ng content na available lang sa ibang bansa.
Paano pumili ng VoIP router batay sa features?
Ngayong alam na ninyo ang mga pangunahing tipo ng router, maiintindihan na ninyo ang iba-ibang router feature na available sa market.
Mga common feature ng router
Maraming router na dinisenyo para maging tugma sa mga streaming device at maging madaling i-set up. Karamihan ng mga router ay pinadali na ang pag-set up ng wireless network. Para sa mas mabilis na Internet connectivity, kasama sa mga router ang Gigabit Ethernet ports. Bukod dito, may kasamang mga ethernet port ang mga router.
Dual-band frequency
May offer na magandang performance ang dual-band frequency router kaysa mga single-band router. Ang dual-band router ay nakakapag-transmit ng data sa dalawang frequency: 2.4 GHz frequency band at ang 5 GHz frequency band. Sa kabilang dako, 2.4 GHz frequency ang gamit ng mga single-band router. Mag-check para sa “dual-band” sa product description para masiguradong may kakayahang ganito ang router.
Tri-band router
Ang tri-band router (ibig sabihin, isang wireless router na merong mga tri-band frequency capability) ang inyong pinakamagandang mapipili para sa pinakamabilis na file downloads sa wireless network. Ang ibig sabihin ng Tri-band frequency feature ay may offer itong pinakamagandang range ng wireless connectivity. Mapatatakbo ninyo ito mula sa inyong PC, isang wireless network para sa mga video call o business VoIP traffic, at isa pa para sa mga streaming device.
802.11ac support
Kapag meron na kayong 802.11ac capability sa inyong WiFi network, makukuha na ninyo ang mas mabilis na mga speed. Ayon sa ZD Net, nagde-deliver ng speed hanggang 433 megabits per second (Mbps) ang 802.11ac. Mag-check ng product description ng router para makita kung kasama ang bagong feature na ito.
MU-MIMO
Ang ibig sabihin ng MIMO technology ay multiple-input, multiple-output. Standard feature ito ng mga wireless router na sumusuporta sa 802.11n standard. Kapag merong MIMO technology, mas mataas ang puwedeng maabot na performance ng inyong router, kumpara sa router na walang MIMO technology.
SIP support
Kailangan ba ninyong gumawa ng mga video na merong high video performance? Kung oo, hanapin ang H.323 at SUP support. Kung wala kayong mga ganitong feature, mag-check para malaman kung ang router ay merong QoS capability na pagandahin ang video performance o mga video call.
Quality of service
Kilala rin bilang QoS capability, ang quality of service ay isang network performance management feature. Halimbawa, puwede ninyong piliing i-prioritize ang mga VoIP call kaysa sa online gaming. Ang resulta, magpo-focus ang bandwidth capability sa mga VoIP call. Isaisip ninyo na ang QoS capability ay puwedeng baguhin (halimbawa, mag-prioritize ng mga streaming device at online gaming pagkatapos ng 5 pm).
Start answering phone calls directly from your browser
Curious about VoIP and how it can give you the ability to make affordable calls? Try it yourself with LiveAgent
Frequently Asked Questions
Ano ang VoIP router?
Ang VoIP router ay isang device na nagkokonekta ng mga VoIP phone sa Internet connection ninyo. Ang VoIP router, na kilala rin bilang isang Wi-Fi router, ay ang sulit sa presyong paraan para magamit ang VoIP provider saan man sa inyong bahay.
Paano mag-set up ng VoIP router?
Sa unang pagkakataon ninyong bumili ng VoIP router, mako-configure ang device sa mga factory default setting. Kakailanganin ninyong gamitin ang setup wizard para mag-set up ng isang wireless network. Para sa pinakamainam na performance at pinakamabilis na file download, hanapin ang router na sumusuporta ng 802.11ac standard.
Paano mag-troubleshoot ng isang VoIP router?
Maraming mga iba-ibang paraan ng pag-aayos ng problema ng VoIP router. Halimbawa, puwedeng i-check ang inyong mga QoS configuration setting para makita kung nasasalamin nito ang inyong mga kailangan (halimbawa, naka-set ba ang router na mag-prioritize ng VoIP call o video conferencing?). Kung ang router ay hindi talaga gumagana, pag-isipan ninyong i-reset at ibalik ang mga factory default setting. Sa puntong ito, puwede ninyong gamitin ang setup wizard para mag-emphasize ng VoIP call quality.
Ano ang mga pangunahing uri ng router?
Merong tatlong tipo ng wireless router. Puwede kayong gumamit ng naka-wire na router na merong mga internet port at Gigabit Ethernet capability. Para lubusin ang flexibility, pumili ng isang WiFi router na sumusuporta sa mga mabilis na speed (ibig sabihin, 5 GHz frequency band). Panghuli, merong virtual router na puwedeng ma-install sa isang PC o sa streaming device para makapag-access ng karagdagang mga content.
Paano pumili ng VoIP router batay sa mga feature?
Merong ilang pangunahing features na hahanapin kapag pumipili ng wireless router. Tingnan ang product description para makita kung merong intuitive web interface ang router para mabilis ninyo itong ma-set up. Susunod, mag-check para sa mga feature na magbibigay sa inyo ng access sa mas mataas na speed (halimbawa, mga Gigabit Ethernet ports at dual/tri-band frequency). Panghuli, mag-check kung may QOS capability (ibig sabihin, quality of service) para makakuha kayo ng pinakamagandang performance sa inyong mga VoIP call.