Ano ang IP address
Ang Internet Protocol Address ay numerical label para sa identification ng host o network interface at location addressing.
May dalawang versions ng IP address, ang IP version 4 address at IP version 6 address. Ang size ng IPv4 address ay 32 bits at represented kadalasan ng apat na decimal numbers. Ang IPv6 address ay 128 bits at nakasulat bilang 8 hexadecimal numbers.
Frequently asked questions
Ano ang IP address?
Ang IP address ay isang Internet Protocol address. Identification number itong konektado sa isang partikular na computer o computer network. Pagdating sa pagkonekta sa Internet, ang IP address ang dahilan kaya ang computers ay nakakapagpadala at nakatatangap ng impormasyon.
Paano mag-check ng IP address?
Kung gusto ninyong ma-check ang IP address, puwedeng gawin ito sa dalawang paraan. Una ay sa Wi-Fi connection. Makikita ang data sa network system settings. Sa pagpili ng network kung saan kayo konektado at sa Properties, dapat nakalista ang IP address ninyo doon. Ang isa pang paraan ay sa Ethernet connection. Pareho lang ang paghanap dito, katulad ng ginawa sa Wi-Fi connection.
Paano pinapalitan ang IP address?
Ang pinakamadaling paraan para baguhin ang IP address ng device ninyo ay sumali sa ibang network. Ang ibang posibilidad ay pag-reset ng modem na kumokonekta sa inyo sa network dahil nare-reset din nito ang IP address. Puwede ring kumonekta gamit ang virtual private network (VPN), gumamit ng proxy server, o kontakin ang inyong internet service provider. May tools ding puwedeng gamitin para palitan ang IP address.