Mga client onboarding email template

Ang pag-aalaga sa customer loyalty at pagkontak sa potential clients ay dalawa sa pinakamataas na priority objectives ng lahat ng digital marketing strategies. Hindi ito madaling maabot na goals, pero may partikular na actions na puwedeng gawin para makakuha ng panibagong customers habang napapanatiling masaya ang mga suki.

So paano ito magagawa? Diretsong makipag-usap sa consumers at sabihin sa kanila ang tungkol sa inyong produkto o serbisyo habang nagbibigay ng value. Kunin ang tiwala nila sa paraang makabebenepisyo sa inyong dalawa– customer onboarding. 

Mga client onboarding email template - App - Uploads - 2020 - 03 - An Email Sent From The Same Ticket Follow Up Sent 1.jpg
Sa LiveAgent, puwedeng magpadala ng emails diretso mula sa inyong ticketing dashboard

Ano ang client onboarding? Bakit ito importante?

Kapag ang customer ay bumili ng produkto o serbisyo, ayaw ng nagbenta na magsisi sila sa kanilang nabili. Ang kuntentong customer ay mas malamang na muling bibili ng ibang produkto sa parehong business. Dito na papasok ang onboarding. Method ito sa paggabay sa customers papunta sa tamang paggamit ng produkto o serbisyong binili nila.

Kung gusto ninyong ayusin pa ang interactions ng inyong business at ng customers ninyo, magandang ideya ang pagkakaroon ng onboarding strategy. Mas madaling makipag-communicate sa kanila, at para makagawa kayo ng value. Ang onboarding ay isang bahagi ng mas malaking strategy tungkol sa relationship ninyo sa bagong client.

LiveAgent onboarding email
LiveAgent onboarding email

Pero ano ang kinalaman nito sa digital marketing?

Dahil ang marketing ay batay naman sa digital tools, channels, at strategies, kritikal na mag-invest sa praktikal, efficient, at matagumpay na communication channels, tulad ng email marketing. Kaya karamihan ng inyong onboarding strategy ay dapat isagawa gamit ang personalized at targeted na emails na ipadadala sa mga bagong user.

5 ideya para sa client onboarding email template

Onboarding welcome email


Hi [name],

Thanks for joining [name of company].

We built [product/service] to [story behind it, explanation what pain points your offering solves].

We are really curious why you signed up for [product/service].

Your feedback will really help us improve our products, as we always aim to deliver exactly what our customers want.

Share your thoughts by replying to this email.

Over the next few weeks, you can expect a few more emails from us. All these messages will help you get the most out of [product/service].

We’ll also share our tips and tricks on how we use [product/service].

Thanks!

[name and company]


Isang onboarding  email template na galing sa isang tunay na tao


Hey [name],

I’m [name], the founder of [company name], and I’d like to personally thank you for [signing up to our service/buying our product/subscribing to our…].

We established [company name] to [mission/values of company/pain points that a product/service solves].

I’d love to hear what you think of [product/service]. Is there anything we should work on or improve? Let us know!

I’m always happy to help and read our customers’ suggestions.

[name and company]

“Salamat sa pagsali sa amin” onboarding  email template 


Hey [name],

I really appreciate you joining us at [company], and I know you’ll love finding out how easy it is to deliver outstandingly personal support to every customer.

We started [company] to help [small] businesses [of all size] grow, and I hope that we can achieve that for you.

If you wouldn’t mind, I’d appreciate it if you answered one quick question: why did you [sign up for a service/ buy a product/subscribed]?

I’m asking because knowing what made you sign up helps us make sure that we’re delivering what our users expect.

Reply to this email and let me know your opinion.

Over the next couple of weeks, we’ll be sharing some tips from [industry], checking in with you and showing you how some of our other customers use [company/product/service] to grow their businesses.

Thanks, [name of the CEO], [company name]

Ang “Welcome sa iyong trial” na email


Hi [name],

Welcome to [product/service name]. Your X-day [number of free days] free trial starts today.

What will happen next?

We’ll be sending you some hot news from the [name of the industry] industry and our best tips for [product/service]. Keep an eye on your inbox so you don’t miss any message from us.

Want to reveal the full potential of [product/service name]?

Choose a plan below…

[paid plan link]

Ang product-focused na welcome email


Hi [name],

Welcome to [product/service/company]. We’re super happy to see you on board!

We’re sure that [product/service] will help you overcome [pain points] thanks to providing [key benefits of product/service].

Get to know more about [product/service] by watching [title] video.

You’ll be guided through [name of service/product] by [name], our expert in [area of expertise], to ensure that you get the very best out of our service.

And that’s not all that we got for you! More insightful resources like our guides [link] or video tutorials [link to a video] are at your disposal.

Take care!

Mga halimbawa ng client onboarding email template subject line

  • Welcome sa [kompanya], [pangalan at apelyido]
  • [pangalan], welcome sa [kompanya] community!
  • [pangalan], tara nang kumilos!
  • [pangalan], deserve mo talaga ang da best
  • Welcome sa [kompanya], [pangalan]. Narito ang quotes mo!
  • Bago ka ba sa mundo ng [kompanya]?
  • Feeling suwerte ka ba?
  • Interesado ka ba sa mga oportunidad?
  • Ang sabi mo ba ay “[noun na konektado sa pangalan ng kompanya]?” Welcome sa [kompanya]!
  • Handa ka na bang [activity na konektado sa produkto/serbisyo ng kompanya]?
  • Handa ka nang umangat? Welcome sa [kompanya]
  • Narito kung paano magsimula sa [produkto/serbisyo] mula sa [kompanya]
  • Mag-log in sa inyong [kompanya] account
  • 4 na Paraan para Magsimula sa [produkto/serbisyo]
  • Welcome sa [kompanya]: Importanteng Susunod Na Hakbang
  • Welcome! Narito ang top 5 things na kailangan mong malaman
  • Welcome sa mundo ng [kompanya]
  • Welcome sa [kompanya]! Feel at home lang lagi
  • Welcome sa Iyong Bagong Paborito [produkto]

Client onboarding email templates – tips at best practices na susundan

1. Kilalanin ang inyong customers

Ang pagkilala sa user ay essential sa lahat ng area ng isang organisasyon. Pero kung ang pag-uusapan ay client onboarding, nagiging mandatory ito.

2. I-customize ang inyong onboarding

Iba-iba ang problema ng bawat user na kailangang ayusin at iba-iba ang expectations ng product o service provider, kaya dapat ikonsidera ito ng inyong onboarding emails. Naiisip ba ninyong ang isang hairdresser ay pare-parehong haircut lang ang ginagawa sa lahat ng kanyang customer?

Hindi? (Kung oo ang sagot ninyo, aba, ibigay ninyo sa amin ang address ng hairdresser na ‘yan dahil baka super-bongga ang gupit niya!)

3. Siguraduhin agad ang customer success

Kung may biniling produkto o serbisyo ang customer, nasa sa inyo na ang pag-deliver ng magaling na resulta sa kanila, at gawin ito agad-agad. Kaya sikaping tulungan silang mapakinabangan ang inyong produkto o serbisyo sa lalong madaling panahon. Ipakita ninyong sulit ang oras at pera nilang ginugol sa inyo.

4. Huwag magbigay ng isda sa gutom na tao. Bagkus, turuan siyang mangisda

Ngayong naituro na ninyo sa client kung paano gamitin ang produkto o serbisyo, alam na nila lahat ng benepisyong maidudulot nito. Sa maikling panahon, nakamtan ng clients ang una nilang tagumpay, salamat sa produkto ninyo.

Pero itinuro ba ninyo kung paano nila makukuha ang resultang ito, o binigay lang ninyo ang resulta sa kanila?

Huwag hayaang maging dependent ang clients ninyo sa onboarding team. Dapat magkaroon sila ng autonomy at sapat na kaalaman para magamit ang produkto nang sarili nila. Ang papel ninyo ay tulungan silang magtagumpay gamit ang produkto sa kanilang customer journey.

5. Ayusin nang husto ang inyong onboarding team

Ang onboarding team ay bahagi ng kabuuang planong kailangang manigurado na lahat ng elements ay magtagumpay.

Dapat planado at organisado ang lahat, may mga professionals na kasama ninyong haharap sa problema ng client.

Mga client onboarding email template – Frequently asked questions

Kailan dapat pinapadala ang client onboarding email?

Resolution time

Ang unang onboarding email ay dapat ipadala matapos ang ilang minuto ng pag-register o pagbili ng kliyente ng produkto/serbisyo. Bakit ilang minuto? Dahil magmumukhang artificial kapag nagpadala kayo agad-agad ng automated email. Magiging obvious na nagpapadala lang kayo ng automated emails, kaya subukang maging mas personal ang dating ninyo.

Gaano kahaba dapat ang isang client onboarding email?

Gaano kahaba dapat ang isang client onboarding email?

Ang onboarding email ay dapat nasa gitna lang ng 60 at 130 na salita. Dapat maikli lang ang welcome message at simple lang. Huwag ninyo silang i-overwhelm agad.

Saka tuwing may onboarding kayong bagong customer, laging humingi ng feedback para patuloy kayong makapagpabuti ng inyong proseso.

Ano dapat ang structure ng isang onboarding email?

Mga notification template

Maikli lang dapat at madaling ma-scan ang content, na nakahalad sa maliliit na bahagi. Ilang segundo lang kasi ang ginugugol ng recipients sa pag-skim ng emails, na hanap lang ay ilang keywords at topics. Kung may makatawag-pansin sa kanila, saka nila babagalan ang basa at mas tututok na sa mensahe. Magsimula sa pagsusulat ng inyong email, pagkatapos ay tanggalin ang kalahati ng naisulat at i-review para mag-edit pa. Matapos ito, mas malalapit na kayo sa pagkuha ng mga piling susing impormasyon.

Ready to put our onboarding templates to use?

LiveAgent is the most reviewed and #1 rated ticketing software for small to medium-sized businesses. Onboard your customers today with our free 14-day trial. No credit card required.

{ “@context”: “https://schema.org”, “@type”: “FAQPage”, “mainEntity”: [{ “@type”: “Question”, “name”: ” Kailan dapat pinapadala ang client onboarding email??”, “acceptedAnswer”: { “@type”: “Answer”, “text”: “Ang unang onboarding email ay dapat ipadala matapos ang ilang minuto ng pag-register o pagbili ng kliyente ng produkto/serbisyo.” } }, { “@type”: “Question”, “name”: “Gaano kahaba dapat ang isang client onboarding email?”, “acceptedAnswer”: { “@type”: “Answer”, “text”: “Ang onboarding email ay dapat nasa gitna lang ng 60 at 130 na salita. Dapat maikli lang ang welcome message at simple lang. Huwag ninyo silang i-overwhelm agad.” } }, { “@type”: “Question”, “name”: ” Ano dapat ang structure ng isang onboarding email?”, “acceptedAnswer”: { “@type”: “Answer”, “text”: “Maikli lang dapat at madaling ma-skim ang content, na nakahalad sa maliliit na bahagi. Ilang segundo lang ang ginugugol ng consumers sa pag-skim ng emails, na hanap lang ay ilang keywords at topics.” } }] }
Balik sa templates Gumawa ng LIBRENG account

Gumagamit ng cookies ang website namin. Sa pagpapatuloy mo dito, awtomatikong tatanggapin namin na may permiso kami sa pag-deploy ng cookies na nakadetalye sa aming polisiya sa privacy at cookies.

×
Mag-schedule ng one-on-one na tawag at alamin kung ano ang benepisyo ng LiveAgent sa inyong business.

Maraming petsa ang bakante

Mag-iskedyul ng demo