Ano ang SSO?
Ang SSO ay Single Sign-On, na isang authentication scheme na puwedeng gamitin ng users para mag-sign in sa iba’t ibang software systems gamit ang iisang identity. Ibig sabihin, puwedeng gumamit lang ng isang set ng login credentials ang users para makapag-login sa maraming system. Ginagawa ring mas protektado ng Single Sign-On ang inyong pag-browse at trabaho dahil minsan lang kayo kailangang mag-login tuwing gusto ninyong ma-access ang inyong applications.
Ang mga user na kailangang mag-manage ng maraming accounts gamit ang iba’t ibang password ay may tendensiyang gumawa ng mga simpleng password na madaling mahulaan o ma-hack. Sa SSO, puwede kayong makapag-focus sa paggawa ng iisang napakatatag na password na pananatilihing protektado ang inyong apps at data. Ang SSO ay gumagana nang mahusay sa multi-factor authentication at tumutulong sa inyong panatilihing mas protektado ang inyong accounts mula sa posibleng pag-hack.
Paano gumagana ang SSO sa LiveAgent?
Puwedeng ma-set up ang SSO sa LiveAgent sa Configuration section. Sa ngayon, puwede ninyong ma-access at ma-setup ang SSO para sa inyong Microsoft, Google, at Facebook account o magamit ang SSO sa Okta provider. Puwede ninyong i-activate ang isang provider. Hindi gumagawa ng bagong users ang SSO sa system, kailangan pa rin itong gawin nang mano-mano bago mag-login gamit ang SSO. Para sa mga hosted na LiveAgent account, ang SSO para sa Google, Microsoft, at Facebook account ay kailangan lang i-on para gumana. Ang users ng standalone LiveAgent version ay kailangang mag-setup ng identity providers nang mano-mano.
Bakit kailangan ninyong magsimulang gumamit ng SSO?
Ang pag-set up ng inyong Single Sign-On ay makatutulong sa inyong mas mabilis makapag-login gamit ang Microsoft, Google, Facebook, at Okta accounts. Ang ganitong klase ng SSO login ay makatutulong sa inyong makatipid ng maraming oras habang pinapanatiling protektado ang inyong accounts. Mas konting oras ang igugugol ninyo sa pag-login at pag-type ng inyong sensitibong impormasyon sa system. Isipin ninyong ang SSO ay ang inyong master lock para sa lahat ng inyong application accounts – isa lang iyon pero matatag at makatutulong sa inyong panatilihing mas ligtas ang lahat. Isama ito sa Two Factor authentication para sa maximum security ng inyong data.
Paano i-set up ang SSO sa inyong LiveAgent account?
Kung gusto ninyong i-setup ang Single Sign-On sa LiveAgent, sundan ang mga hakbang na ito. Una sa lahat, pumunta sa inyong LiveAgent account at buksan ang Configuration. Pumunta sa Security at pagtapos ay sa Settings. Makikita ninyo rito ang Authentication option. I-click ang Change.
Sa bagong window, makikita ninyo ang option na ang tawag ay Allowed SSO service. I-click ito at pumili mula sa tatlong SSO options. Puwede ninyong piliin ang Google, Facebook, o Microsoft. Iisang SSO lang sa isang panahon ang puwedeng ma-activate.
Interesado ba kayong mapahusay ang inyong help desk workflow? Tingnan ang Single Sign-On options sa LiveAgent at gawing mas madali para sa inyo ang pag-signup ngayon.
Say goodbye to the hassle of managing multiple login credentials with SSO!
In addition to the convenience of Single Sign-On (SSO), LiveAgent offers a range of features to help you streamline your support workflow, so you can deliver exceptional customer support from a unified platform.