Maraming kompanya ang nagbibigay ng customer service sa phone at iba-iba ang kanilang gamit na call center script. Kung gusto ninyong sumunod dito sa pag-offer ng pinakamahusay na customer service experience para sa mga kliyente ninyo, kailangang meron kayong magandang serbisyo sa paggamit ng mahusay na pagkakagawang mga call center script.
Sinisigurado ng paggamit ng call center scripts na magiging consistent ang komunikasyon ng support agents ninyo sa mga external stakeholders at mataas pa ang quality. Para makagawa ng mahusay na customer service script, kailangang isaalang-alang ang mga interes na importante sa parehong kompanya ninyo at mga customer.
Ang magandang call center script ay dapat may sumusunod:
Mahalagang banggitin na ang customer service agent ay hindi dapat mawalan ng galang o pasensiya kapag may kausap na kliyente. Halimbawa ay meron silang nakausap na customer na nagiging bastos na ang tono. Sa ganitong kaso, dapat sabihin ng agent sa magalang na paraan na tumawag na lang ang customer sa ibang oras o kaya’y i-transfer niya ang call sa isang katrabahong mas sanay sa paghawak sa ganitong mga sitwasyon. Pero hindi katanggap-tanggap na makipag-argumento ang agent sa customer o kaya’y bababaan nila ito ng telepono.
Ang benepisyo ng pagbibigay ng quality customer service ay laging malaki kumpara sa pagiging makitid ang isip o walang galang. Importanteng tandaan na para makapagtaguyod ng matatag na customer relationship, kailangan ninyong maging empathetic, maging mapang-unawa, at siguraduhin sa customer na maaayos ang isyu nila at gagawin ng mga empleyado ng kompanya ang lahat para mabigyan sila ng pinakamahusay na tulong. Ngayon, tingnan natin ang ilang call center script templates.
Create your own virtual call center
LiveAgent gives you the power to design your own call center and scripts. Curious about all the opportunities?
Dahil ginagawa ang call scripts batay sa mga conversational scenario, halos imposibleng magdikta kung ano ang ideyal na haba ng isang call center script. Pero sa paggawa nito, tandaan na dapat maikli at nasa punto ito lagi. Inaasahan ng customer na tutulungan ninyo sila, at inaasahan nilang mabilis ang tulong na ito. Ayon sa ilang industry benchmarks, inaasahan ng customers ngayon ang agad-agad na pagsagot tuwing tatawag sila sa call center. Ang average na oras ng pagsagot ay hindi dapat lalampas sa 20 segundo. Hindi naman ibig sabihin nito na dapat agad maayos ng agents ang isyu ng customer sa mga segundong iyon. Ipinapakita lang nito na ang mga tao ngayon ay umaasang matutulungan sila nang mabilis.
Una sa lahat, ang bawat call center script ay dapat ina-adjust para maisama ang maraming paksang konektado sa mga interes na kaakibat ng business ninyo. Kapag naasikaso na ninyo ito, puwede na ninyong lagyan ang script ng mas powerful na mga salita o phrase na magpapahayag ng tamang message. Kabilang sa mga salitang ito ay: tiyak, mabilis, mahusay, rekomenda, exciting, please, pleasure, magaling, sorry, sigurado, convenience, oras, essential.
Ang ilang phrases na dapat kasama sa halos lahat ng call center script ay: “Paano ko kayo matutulungan?”, “Ano po ang puwede kong maitulong sa inyo ngayon?”, “Para masagot ang tanong ninyo…”, “Mukhang kailangan ninyo ng [bagay]…”, “Naiintindihan kong…”, “Paano po kung [gawin/planuhin] natin nang magkasama…”, “Salamat po sa pagpapasensiya ninyo.”, “Paumanhin po sa anumang problemang naidulot…”, at siyempre, “Maraming salamat po.”
{ “@context”: “https://schema.org”, “@type”: “FAQPage”, “mainEntity”: [{ “@type”: “Question”, “name”: “Bakit kayo dapat gumamit ng call center scripts?”, “acceptedAnswer”: { “@type”: “Answer”, “text”: “Sinisigurado ng paggamit ng call center scripts na magiging consistent ang komunikasyon ng support agents ninyo sa mga external stakeholders at mataas pa ang quality.” } }, { “@type”: “Question”, “name”: “Anong mga salita ang dapat kasama sa bawat call center script?”, “acceptedAnswer”: { “@type”: “Answer”, “text”: “Kabilang sa mga salitang ito ay: tiyak, mabilis, mahusay, rekomenda, exciting, please, pleasure, magaling, sorry, sigurado, convenience, oras, essential.” } }, { “@type”: “Question”, “name”: “Gaano ba dapat kahaba ang standard na call center script?”, “acceptedAnswer”: { “@type”: “Answer”, “text”: “Dahil ginagawa ang call scripts batay sa mga conversational scenario, halos imposibleng magdikta kung ano ang ideyal na haba ng isang call center script. Pero ang average na oras ng pagsagot ay hindi dapat lalampas sa 20 segundo. Hindi naman ibig sabihin nito na dapat agad maayos ng agents ang isyu ng customer sa mga segundong iyon. Ipinapakita lang nito na ang mga tao ngayon ay umaasang matutulungan sila nang mabilis.” } }] }Ikinatutuwa namin ang pag-sign up mo kamakailan sa LiveAgent.
May ipapadalang message sa iyong email address na naglalaman ng iyong login details matapos ma-install ang iyong account.
Kung makakapaghintay ka pa nang saglit, makaka-access ka na ng account mo diretso mula dito matapos ang installation.
Pagkatapos ng proseso, ipapadala namin ang mga detalye ng login sa iyong mailbox.
Gumagamit ng cookies ang website namin. Sa pagpapatuloy mo dito, awtomatikong tatanggapin namin na may permiso kami sa pag-deploy ng cookies na nakadetalye sa aming polisiya sa privacy at cookies.
Maraming petsa ang bakante