Libreng trial

Language switcher

–Hidden comment

Use attributes in format region_from and region_to= to change the languages showing in language switcher.
Available regions are:
europe_from europe_to
asia_from asia_to
mideast_from mideast_to
america_from america_to

Example:
europe_from=0 europe_to=22 will put all languages (ordered in language switcher settings) from 1 to 21 to Europe region:
asia_from=22 asia_to=25 will put all languages from 23 to 24 (so only 2) into Asia region.

kwik charger1

Kwik Charger

Ang Kwik Charger ay orihinal na nagmula sa New York na ginawang posible ang mga bagong teknikal na tagumpay sa industriya ng mobile para sa mas mga bagong iPhone na makapag karga sa mas mabilis na oras.

Pagkatapos ng libong oras na pagsasaliksik, pagbuo at sertipikasyon — nagawa naming mabuo ang Kwik Charger para sa lahat ng mga interesado sa mas mabilis na pagkarga. Nuong 2014, sa wakas ang aming produkto ay nakapasa sa mahigpit na mga pagsubok upang pandaigdigang masertipikahan sa bawat antas.

“Napakasarap pakinggan na ang kawani sa suporta ay gustong magtrabaho sa LiveAgent at walang mga pangunahing reklamo o anupaman pagdating sa kakayahang magamit at pangkalahatang karanasan sa aming solusyon.”

Ang produktong ito ay nakatuon sa lahat ng tao na napagtantong ang baterya nila ay mahina at walang pasensyang maghintay para sa kanilang telepono na paisa-isang magkarga ng 1%. Inaasahan namin na ang produktong ito ay gumagawa ng parehong pagkakaiba sa inyong buhay katulad ng ginagawa sa amin.  Mangyaring huwag mag-atubiling makipag-ugnayan sa amin kung kayo ay may mga komento, tanong o kwentong tagumpay sa paggamit nito!

Ang nagsisimulang kumpanya ay mabilis na napagtantong hindi na ito kinakaya ng Gmail at lubhang kailangan na nilang itaas ang antas ng kanilang serbisyong kustomer. Sa kabutihang palad, ang LiveAgent ay nariyan upang magbigay ng lahat ng kagalingang kailangan ng Kwickcharger. Nuong March of 2016, isang desisyon ang nagawa – isulong natin at ipatupad ang nangungunang solusyon sa pagtulong.

Kwik Charger

Ang Paggamit Ng LiveAgent Ay Nagdala Sa Aming Serbisyong Kustomer Sa Susunod Na Antas

Ang pagkakaroon ng mabilis, naa-access at kaaya-ayang suportang kustomer ay ganap na kailangan. Ang pahayag na ito ay higit na gumaganyak kung ang iyong pangunahing negosyo ay binuo sa paligid ng produktong ekosystem ng Apple, ang kumpanyang naghahatid ng masasabing pinakamahusay na karanasan sa kustomer sa buong mundo. Ang mga kustomer ay umaasa lamang ng parehong antas ng kalidad kahit na mula sa mga taga-gawa ng aksesorya tulad ng Kwikcharger.

Ang Kwikcharger ay kasalukuyang mayroong 38 na ahenteng nagtatrabaho sa suporta at nagseserbisyo sa higit na 46,000 kustomer mula sa 127 bansa (!). Ang higit na kahanga-hanga ay ang dami ng mga tiket na nasasagot kada buwan – halos 15,000… ng kinatawan ng Kwikcharger na kung saan ay sadyang kamangha-mangha. Ang email pa rin ang kanilang pangunahing channel ng suporta, subalit talagang inilalagay nila ang tampok ng aming call center sa kapaki-pakinabang na paraan, na may higit na 1,300 na tawag kada buwan.

Ang Live chat ay isa pang lumalaking mapagkukunan ng impormasyon na may higit na 600 sesyon ng chat kada buwan.

Ang pagpapatakbo ng negosyong ecommerce sa pandaigdigang saklaw ay sadyang mapaghamon. Gayunpaman, ayon sa nakabuilt-in na sistemang ranggo ng LiveAgent, nakamit ng Kwikcharger ang antas ng kasiyahan ng kustomer sa eksaktong 73.22%. Gayundin, huwag nating kalimutan ang tungkol sa katotohanan na ang suportang pangkat ng Kwikcharger ay nagtatrabaho ng buong oras; 24/7.

Kwik Charger

Tinanong namin ang Kwikcharger kung ano ang nagbago pagkatapos ng paggamit nila ng LiveAgent. “Ito ay nakatulong sa amin upang mapabuti ang aming serbisyo at daloy ng trabaho. Maaari kaming maging organisado at meron pa ring kumpletong pangkalahatang ideya ng pagganap ng bawat ahente. At isa pa, napapanatili nito ang lahat ng katanungan sa isang lugar. At huwag nating kalimutan ang tungkol sa advance na analitiko.” Sagot ni Min Chou. “Pagdating sa tampok, gusto namin ang paggamit ng  mga tag, na malinaw na natutukoy ang responsibilidad at gumawa ng complex na pag-uulat.” Dagdag pa ni Min Chou.

Mahusay sa ngayon, ngunit paano ang mga hamon sa hinaharap? Ang Kwikcharger ay hindi tumitigil at nagtatakda ng mapaghamon ngunit malinaw na layunin para sa suporta ng kumpanya. Ano ang nasa hinaharap ngayon?

“Ang layunin namin ay magpatupad ng mabilis at mas mabuting karanasan sa suportang kustomer, na makakasagot sa loob ng maikling oras pagkatanggap ng katanungan at mayroon din na  24/7 na sakop sa mga Telepono at Chat, hindi lamang mga tiket.”

Hinihiling namin para sa iyo ang lahat ng swerte sa mundo! Mayroon ka na ng lahat ng kailangan mo upang makamit ang iyong nais.

Balik

Marami pang kuwento

Gumagamit ng cookies ang website namin. Sa pagpapatuloy mo dito, awtomatikong tatanggapin namin na may permiso kami sa pag-deploy ng cookies na nakadetalye sa aming polisiya sa privacy at cookies.

×

Mag-schedule ng one-on-one na tawag at alamin kung ano ang benepisyo ng LiveAgent sa inyong business.

Maraming petsa ang bakante

Mag-iskedyul ng demo