TrackingTime integration
Ano ang TrackingTime?
Ang TrackingTime ay isang tracking application na makatutulong sa inyong sukatin ang oras na ginugugol sa iba’t ibang tasks sa isang epektibong pamamaraan. Ang application ay naka-focus sa collaborations para sa projects na anumang laki. Sinusukat nito ang employee performance at productivity. Tina-track din ang oras ng trabahong ginugol sa individual tasks. Ang TrackingTime ay may offer na maraming uri ng extensions at integrations sa maraming software solutions. May offer din itong features gaya ng instant na timesheets at tumpak na time reports para sa tasks at proseso ng kompanya.
Paano gamitin ang TrackingTime?
Puwede ninyong gamitin ang TrackingTime para epektibong sukatin at i-manage ang inyong customer service tasks sa LiveAgent. Puwede itong maging praktikal lalo na kung gumagamit kayo ng ibang apps maliban sa LiveAgent dahil puwede ninyong sukatin ang oras para sa maraming tasks at projects nang sabay-sabay. Higit pa rito, puwede ninyong gamitin ang simpleng integration sa pamamagitan ng Zapier para i-integrate ang TrackingTime sa LiveAgent at awtomatikong magsagawa ng ilang tasks batay sa piling trigger at action.
Ano ang mga benepisyo ng TrackingTime integration?
- Tumpak na time tracking ng iba’t ibang tasks at proseso
- Project time tracking management
- Timesheets, reports, work schedules
- Mas advanced na time tracking features
Paano mag-integrate ng TrackingTime sa LiveAgent gamit ang Zapier?
Tingnan ang guide na ito at alamin kung paano ninyo magagamit ang Zapier third-party integration service para i-integrate ang TrackingTime sa LiveAgent. Ang proseso ay medyo madali at ang interface ng Zapier ay may offer na isang selection ng tooltips at maiikling guides para tulungan kayong matapos ito agad.
- Kung wala pa kayong nakahandang TrackingTime at LiveAgent accounts, siguraduhing gawin ang mga ito. Madali kayong makapagsisimula sa libreng trial ng TrackingTime, pati na rin sa libreng trial ng LiveAgent. Kapag nakapag-set up na kayo ng inyong accounts, mag-register o mag-login sa inyong Zapier account para makapagpatuloy.
- Kapang nasa Zapier account na kayo, puntahan ang “Create a new Zap.” Una, kailangan ninyong piliin kung aling app ang gagawa ng trigger na magti-trigger ng action sa isa pang app. Piliin kung alin sa LiveAgent o TrackingTime ang gusto ninyong trigger app batay sa inyong pangangailangan. Alinmang application ang inyong piliin para sa trigger, magkakaroon kayo ng maraming trigger options na pagipilian. Lagi kayong puwedeng gumawa ng mas maraming Zaps na may iba’t ibang triggers at actions sa ibang pagkakataon. Ire-require kayo ng Zapier na mag-login sa account ng inyong application at magbigay ng mga permiso.
- Kapag napili na ninyo ang inyong application at trigger, oras na para piliin kung anong action ang mangyayari kapag na-trigger. Ang proseso ay pareho sa naunang hakbang, pipiliin ninyo ang app at action mula sa listahan.
Kapag kuntento na kayo sa inyong trigger at action, gumawa ng Zap at tapos na iyon. Subukang mag-test run ng Zap para makita kung gumagana ito ayon sa nilalayon, o gawin ito nang mano-mano sa loob ng application. Huwag mag-atubiling bumalik sa Zapier kung kailangan ninyong gumawa pa ng mas maraming Zaps.
Pangkalahatang-ideyang Analytics
Kumuha ng holistic na pangkalahatang ideya ng mga pagsisikap ng iyong suportang kustomer gamit ang aming tampok na dashboard ng pangkalahatang-ideyang analytics sa LiveAgent at pahusayin kaagad ang iyong negosyo.
Ibinibigay ng LiveAgent ang mahusay na customer service software na may live chat at ticketing na nagpapataas ng conversion rates at nagbibigay ng 7 benepisyo para sa mas magandang customer experience. Mahalaga ang pagsubaybay sa oras para sa pagiging produktibo at kahusayan ng ahente, at makakatulong ito sa pagpapabuti ng customer experience. Subukan ito nang libre at simulan ang iyong account ngayon!