Sinch integration
Partner website
Partner Privacy Policy
Sinch Privacy policy
Ano ang Sinch?
Ang Sinch ay isang global VoIP provider na maraming customer communication options na offering. Kaya nitong mag-asikaso ng customer voice calls, data calls, at kahit video calls. Puwede rin itong gamitin para mag-text at mag-manage ng text messages, rich SMS, at kahit Facebook Messenger at Instagram gamit ang API.
Sa Sinch, puwede kayong pumili mula sa iba’t ibang number types tulad ng virtual long numbers, shortcodes, at toll-free numbers. Ang Sinch ay nagbibigay din ng karagdagang mahuhusay na features tulad ng flash calling, voice verification, at SMS verification. Ang mga solusyong dala nito ay angkop sa maraming uri ng kompanya – healthcare, financial, retail, travel, media, at marami pang iba.
Paano ginagamit ang Sinch?
Gamitin ang Sinch bilang VoIP service provider at simulang asikasuhin ang inyong mga customer mula sa iisang multi-channel ticketing system kung saan puwede ninyong mabantayan ang bawat communication channel. Ang Sinch ay isang napakahusay na addition sa inyong LiveAgent call center. Gamitin ang Rest API integration sa LiveAgent para mai-forward ang lahat ng tawag mula sa inyong Sinch number papunta sa LiveAgent call center.
Sa tulong ng LiveAgent, maaasikaso ninyo nang maayos ang mga usapan sa pagitan ng kompanya at mga kliyente ninyo para makapagbigay ng mahusay na customer service. Ang aming call center ay konektado sa ibang channels na nagbibigay sa inyo ng kakayahang sagutin ang lahat ng kailangan ng inyong mga customer at bantayan ang lahat ng kanilang mga katanungan mula sa iisang lugar.
Suportado rin ang call center ng magagandang features tulad ng custom IVR trees, custom chat buttons, unlimited call recordings, o automatic callback. Silipin ang kompletong listahan ng call center features.
Ano ang mga benepisyo ng paggamit ng Sinch?
- Iba-iba at kapaki-pakinabang na features
- May offer na rich texting at video calls
- Nagagamit sa maraming uri ng industriya
- May verification API options
Set up your call center today
Provide great customer support over phone with LiveAgent
Libre ba ang LiveAgent integration ng Sinch?
Ang integration ng Sinch ay kasama na sa isa sa aming plans kaya wala nang kailangang bayaran para gawin ito. Puwede ikonekta ang inyong Sinch number sa LiveAgent at magsimula nang mag-manage ng mga tawag ng customer.
Paano ang integration ng Sinch sa LiveAgent?
Madali lang ang Sinch integration, salamat sa isang built-in na plugin. Ang kailangan lang gawin ay ibigay ang inyong impormasyon sa LiveAgent. Sundan lang ang guide sa ibaba para matutuhan kung paano ito gawin.
- Ang susunod na hakbang ay ang pagpunta sa inyong Sinch account para buksan ang Apps section sa kaliwang panel. I-click ang Create a new app. Pangalanan ang app na ito at bigyan ito ng maikling description. Kapag nagawa na ito, makikita na ninyo ang bagong app sa listahan ng mga app.
- I-click ang app para i-configure ito. Pumunta sa Voice and Video section. Piliin ang Callback URL para sa SIP forwarding at mag-input ng Host data mula sa unang hakbang sa format na ito: ” sip:{number}@your.asterisk.host .” I-assign ang Sinch number na meron kayo para sa app na ito at i-click ang Update Voice & Video settings. Kung wala pa kayong Sinch number, meron ding option doon para makarenta kayo ng isa.
- Pagkatapos, gumawa ng pangalawang app at pangalanan ito. Gamitin ang Key at Secret ng app na ito para sa SIP authentication sa LiveAgent. Kailangan rin ang Sinch username at password ninyo para sa mga susunod na hakbang.
- Buksan ang LiveAgent at pumunta sa Configuration > Call > Numbers. I-click ang orange na Create button para makagawa ng bagong number. Sa lalabas na bagong window, hanapin at piliin ang Sinch mula sa listahan ng VoIP providers.
- Ang huling hakbang ay ang pag-configure ng integration. Ibigay ang inyong Sinch username, password, at phone number, pati na rin ang key at secret mula sa pangalawang hakbang. Puwede din ninyong piliin ang department kung saan mapupunta ang mga tawag; pangalanan ang number at bigyan ito ng prefix. Kapag nagawa na ninyo ito, i-click ang Add at ang inyong Sinch number ay magiging konektado na sa LiveAgent.
Nagawa na ninyo ang matagumpay na integration sa pagitan ng Sinch at LiveAgent. Silipin at basahin ang aming call features page para makita ninyo kung paano pa puwedeng gamitin ang LiveAgent call center. Dumaan din sa aming Academy page para matutuhan ang ilang tips at tricks tungkol sa pagbibigay ng phone support.
Frequently Asked Questions
Magkano ang Sinch?
Ang Sinch integration sa LiveAgent ay kasama na sa isa sa mga plan, kaya wala nang kailangang dagdag na bayad at puwede na itong gamitin agad.
Ano ang Sinch?
Ang Sinch ay isang VoIP provider na nagbibigay sa kanilang mga kliyente ng voice calls, data calls, at kahit video calls. Nakapagbibigay sila ng mga serbisyong ito sa karamihan ng lugar sa mundo.
Paano magagamit ang Sinch sa LiveAgent?
Ikonekta ang inyong Sinch number sa LiveAgent para makapag-setup ng inyong customer call center.
Discover Sipcall, a reliable VoIP telephony solution for seamless integration with LiveAgent's call center. Enhance your business communication with virtual phone systems, SIP trunk connections, and certified SIP accounts featuring Swiss phone numbers. Effortlessly manage calls and improve customer relations with advanced features like IVR and call recording. Visit our page to explore how Sipcall can benefit your business and simplify your call center operations!
Discover how Zimbra integrates with LiveAgent to enhance your business email and collaboration experience. Zimbra offers innovative messaging solutions, syncing appointments and contacts seamlessly. Elevate your customer support with LiveAgent's ticketing system, organizing Zimbra emails efficiently. Unlock advanced communication features and manage your emails, live chats, social media, and more—all in one platform. Start your free trial today and transform your customer service with Zimbra and LiveAgent integration.