Kritikal ang pagtutok sa inyong finances, lalo na sa pag-assess ng ROI para sa ibaโt ibang business initiatives. Isa sa pinaka-importanteng metrics na dapat tutukan ng mga kompanya ay ang conversion costs.
Ano ang ibig sabihin ng terminong conversion costs?
Nirerepresenta nito ang lahat ng gastusing kinakailangan para makamit ang conversion goals ninyo. Ang kahulugan ng termino ay: โAng conversion costs ang presyo kung saan nakakakuha ng tunay na customers ang mga business o web advertiser.โ
Ang karamihan ay nanggagaling sa advertising costs na diretsong nagreresulta sa mas mataas na conversion rates. Importanteng maunawaan ang conversion costs dahil puwede kayong tulungan nitong ma-assess ang pagiging epektibo ng ad campaigns ninyo at matukoy ang tagumpay ng marketing strategy ninyo.
Kalkulasyon ng conversion costs
Ang conversion costs ninyo ay laging nakadepende sa ginagamit ninyong strategy para makamit ang inyong business goals. Ang general conversion cost calculation formula ay ang sumusunod:
conversion costs = total cost ng pag-generate ng traffic
Kung hahatiin ninyo ang buong cost ng pag-generate ng traffic sa buong bilang ng conversions, makukuha ninyo ang cost per conversion (CPC). Kasama sa buong cost ng pag-generate ng traffic ang ad costs ninyo.
cost per conversion (CPC) = total cost ng pag-generate ng traffic / total number ng conversions
Halimbawa, kung gagamit kayo ng PPC (pay per click) campaigns, makaka-track kayo at makokontrol ang ad costs. Posible ito, salamat sa score quality metric, na tumutukoy sa relevance ng inyong PPC ads at keywords.
Tulad ng ibang metrics, ang model na ito ay depende sa industriya at sa final product. Para sa bawat business model, iba-iba ang hitsura ang conversion funnel. Kaya rekomendadong gawin ang mga calculation na ito nang may ingat.
Ano ang kasama sa conversion costs?
Kapag kinonsidera ninyo lahat ng conversions na nangyayari sa inyong website, maraming factors ang puwedeng kasama sa conversion costs. Para magkalkula ng expenses ninyo nang tama, kailangan ninyong magkaroon ng overview ng binabayaran ninyong marketing initiative.
Sa pangkalahatan, tuwing kailangan ninyong magbayad para ma-convert ang isang visitor, ang mga gastos na iyon ay dumaragdag sa buong halaga ng conversion costs ninyo. Puwede itong mag-iba-iba, pero nirerepresenta nila ang paid marketing effort ninyo. Halimbawa, kung ang paid Google ads lang ang ginagamit ninyo, ang budget na nagastos ninyo sa pag-generate ng traffic ang total cost ninyo. Iba-iba ang kaso kapag gumamit kayo ng maraming paid marketing channels. Kapag pinagsama-sama ninyo ang traffic na ito at hinati sa kabuuang bilang ng conversions, makukuha ninyo ang inyong gastos kada conversion.
Narito ang lahat ng posibleng gastos na puwedeng isama sa conversion costs:
- Search engine paid ads (Google, Bing, at Yahoo ads)
- Facebook paid ads
- Twitter paid ads
- Instagram paid ads
- YouTube paid ads
- LinkedIn paid ads
Lahat ng gastos na ito ay kasama sa category ng conversion costs. Mahalaga para sa inyong tagumpay ang masundan sila dahil matutulungan kayo nitong maabot ang ultimate goal ng isang marketer sa paggawa ng pinaka-epektibong ad strategy.
Ano ang hindi kasama sa conversion costs?
Huwag ninyong kalilimutang hindi lang paid ads ang pagmumulan ng inyong website traffic. Organicย ang malaking bahagi ng inyong website traffic, ibig sabihin hindi ninyo kailangang magbayad para diretsong madala ang potensiyal na customer sa inyong site.
Oo, puwedeng nagbayad kayo para sa isang espesyalita ng SEO, ekspertong blog writer, at batiking social media marketer. Gayunman, ang mga gastusing ito ay hindi nabibilang sa conversion costs. Ang mga sumusunod ay hindi kasama sa conversion cost:
- Pag-redesign ng inyong website para sa mas magandang user experience
- SEO para sa inyong content at website
- Regular naย blog posts
- Guest posts
- Social media profiles
- Forum posts
Ang strategies na ito ay puwedeng magpataas ng inyong website traffic, pero dahil sa organic ito, hindi angkop dito ang kahulugan ng conversion costs.
Optimization ng conversion costs
Maraming options ang available para makontrol ang conversion costs, katulad ng pag-set ng maximum na presyong handa ninyong bayaran para sa tina-target ninyong keywords o sa pag-optimize ng conversion rate. Sa paid advertising, puwede ninyong ma-optimize ang conversion rate, mabawasan ang mga ito, at masulit pa rin ang inyong campaign.
Ang pinakamadaling paraan para mabawasan ang inyong conversion costs ay ang mapataas ang quality score ninyo. Numeric value ito ng quality ng ad, keyword, at landing page ninyo.
- Mag-optimize ng inyong content marketing at piliin ang relevant keywords โ kapag mas relevant ang ad ninyo sa targeted keywords, mas maganda ang magiging quality score ninyo.
- Paghusayin ang landing page ninyoโ gamitin ang A/B testing para pumili ng best-performing na landing page para sa target audienceย ninyo. Ang A/B testing CTAs, value propositions, at headlines ay puwedeng magbigay sa inyo ng mahahalagang insights
- Paghusayin ang click-through-rates ninyo โ paghusayin ang inyong ad copy, gawing pulido ang inyong CTAs
Frequently asked questions
Ano ang ibig sabihin ng conversion cost?
Ito ay karaniwang gastos sa customer acquisition. Ang conversion cost ay ang kabuuan ng lahat ng gastos sa pagkuha ng isang actual na customer na nakakakumpleto ng isang desired action (conversion event).
Paano kalkulahin ang conversion costs?
Ang conversion costs ang kabuuang gastos sa pag-generate ng traffic. Kung gumagamit kayo ng tools katulad ng Google Analytics para masundan ang traffic sources para sa inyong website, madali ninyong makikita kung gaano karaming traffic ang nage-generate ng paid ads at ilan sa visitors na ito ang nakakumpleto na ng desired action. Kung gusto ninyong kalkulahin ang gastos sa bawat conversion, kailangan ninyong hatiin ang kabuuang gastos ng pag-generate ng traffic sa kabuuang bilang ng conversions sa isang partikular na panahon.
Ano ang kasama sa conversion costs?
Kasama sa conversion costs lahat ng ginastos ninyo sa paid ads. Gumamit man kayo ng paid social media marketing, search engine paid ads, YouTube paid ads, o kahit na anong kombinasyon ng mga ito, lahat ng ginastos ninyo sa campaign ads na ito ay kasama sa huling kabuuan ng conversion costs.
Ano ang hindi kasama sa conversion costs?
Ang buong website traffic ninyo ay puwedeng mahati sa dalawang grupo โ paid at organic traffic. Huwag kalimutan na ang organic visitors ay nako-convert din. Gayunman, dahil hindi kayo nagbayad ng third party para idiretso sila sa website ninyo, hindi maikokonsidera ang organic traffic sa conversion costs category na ito.
Paano mababawasan ang conversion costs ninyo?
Puwede ninyong mabawasan ang conversion costs sa pamamagitan ng pagpapahusay ng quality score ng paid ads ninyo at pagpupulido ng targeting strategy ninyo. Ang pinakamagandang paraan para mapahusay ang quality score at mabawasan ang gastusin ay ang ma-optimize ang ad text, pag-target ng angkop na keywords, at paggamit ng A/B testing para maging mas napapanahon ang landing pages at ads ninyo.
Expert note
Ang conversion costs ang lahat ng gastusin para makamit ang conversion goals. Importante itong malaman upang masukat ang efficacy ng ad campaigns at marketing strategy.

Ang conversion rate ay isang mahalagang metric sa marketing at business development. Ito ay ang expressed percentage ng mga users na nagampanan ang isang preset goal sa inyong website. Depende sa industriya, ang magandang online conversion rate ay nasa pagitan ng two at five percent. Para madagdagan ang inyong conversion rate, kakailanganin ninyo ng sapat na materyales, strategies, at tactics. Ang marketing teams naman ay puwedeng mag-hikayat ng mas maraming customers sa pamamagitan ng paggamit ng customer testimonials at user feedback. Ang pagtaas ng visitor lead conversion rate ay mangangailangan ng mas maraming visitors sa inyong website at mas maraming leads. Mas marami kayong mababagong visitors para maging customers at mapataas ang inyong conversion rate.
Top Call Center Industry Standard Metrics
Ang mga kailangang malaman sa isang call center ay kasama ang FCR, average handling time, call duration, call wrap up time, average abandonment rate, net promoter score, customer satisfaction, quality assurance scoring, pagsunod sa schedule, at maximum occupancy. Ang mga ito ay may global industry benchmark, ngunit puwedeng magbago depende sa sektor o antas ng kompanya. Dapat ding malaman ang mga metrics na nagbibigay ng kasiyahan sa customer at nagpapataas ng productivity ng employees.
Ano nga ba ang mga halimbawa ng KPI? Depende ito sa kung ano ang gustong i-monitor ng kompanya. Maaaring brand awareness, customer engagement, MQL, CAC, o monthly sales increase, profit margin, at product performance. Ginagamit ang KPI upang ma-track ang progreso ng pagkamit ng isang partikular na goal. Ito ay napakahalaga upang malaman kung satisfactory ba ang resulta.
Mga kustomer ang pangunahing basehan ng mga marketing team at kailangan nila ng sapat na impormasyon upang mapataas ang kanilang conversion rates. Ang CRM software ay nagtatago ng mga mahahalagang data sa mga kustomer na maaaring magamit ng mga nasa marketing, sales at customer support. Ang pagkakaroon ng built-in na CRM ay nagbibigay ng mahusay na benepisyo sa kompanya tulad ng pagpapahusay ng customer service, pagkilala sa mga kliyente, pagpapabuti ng marketing at pagbebenta at pagpapataas ng kahusayan. Ang LiveAgent ay nakatutulong upang mapabuti ang conversion rate sa pamamagitan ng pagbibigay ng suporta sa customer sa tunay na oras at ang software ay perpekto para sa lahat ng uri at laki ng mga negosyo. Ang conversion rate ay isang mahalagang metric na ginagamit upang masigurong maaabot ang mga layunin ng mga marketing team.