Ano ang call masking?
Ang call masking, na kilala rin bilang number masking ay isang voice over internet protocol (VoIP) feature na naitatago ang identity habang nasa tawag.
Kapag ginamit ninyo ang solusyong ito, isang pansamantalang phone number ang ginagawa para sa isa o sa parehong parties. Hinahayaan kayo nitong gamitin ang inyong pribadong phone number o ang isang virtual phone number nang walang takot na malabag ang identity privacy. Sa paggamit ng masked phone number, puwede ninyong itago ang inyong actual na phone number habang nagbibigay ng isang secure na call experience sa parehong agents at customers ninyo.
Ang pagpapahusay ng user privacy ang pangunahing nasa isip kapag pinag-uusapan ang call masking. Puwede ninyong gamitin ang feature na ito sa call center para mapanatiling anonymous ang identity ng caller at matiyak ang customer privacy.
Tingnan natin ang ilan sa mga benepisyong puwedeng ibigay ng call masking sa inyong business.
Pinataas na call responsiveness – Maraming tao ang may pagdududa sa kahina-hinalang caller IDs. Sa pamamagitan ng call masking feature, makatatanggap ang inyong customers ng incoming calls na may local numbers na pamilyar sa kanila. Nagiging komportable sila sa mga ito at tumataas ang pagkakataong sasagutin nila ang tawag at papakinggan ang sasabihin ng inyong representatives.
Pinahusay na customer privacy – Batid ng parehong kliyente at business ang data leaks. Nakatutulong ang call masking na mapanatiling secure at protektado ang inyong pribadong komunikasyon. Hindi lang nito ginagawang komportable ang inyong kliyente pero tinitiyak din nitong nasusunod ang identity privacy policies ng inyong kompanya.
Pinataas na customer engagement – Maraming customers ang hindi komportableng magbahagi ng kanilang personal na contact details. Sa pamamagitan ng masked number feature, puwede ninyong makuha ang tiwala ng inyong customers para hindi lang personal phone number nila ang ibibigay nila sa inyo pero pati na rin ang mas malawak pang interaksiyon sa inyong brand.
Mas mababang communication costs – Mas mura ang paggamit ng call masking kaysa sa pagbili ng local phone numbers o pag-set up ng buo at bagong call centers.
Mas maayos na call management – Habang pinananatiling pribado ang karamihan ng inyong business numbers, puwede ninyong ibigay ang inyong unmasked phone numbers sa ilang tao. Makatutulong ito sa inyong mas mahusay na ma-manage ang inyong mga tawag at matiyak na mga piling tao lang ang makaaabot sa inyo.
Centralized na business communication – Tinitiyak ng call masking na lahat ng secure communication sa pagitan ng business at mga customer nito ay naaasikaso sa iisang platform.
Pagsusuri ng data – Ang call masking ay may offer na real-time insights sa maraming aspekto ng isang call center gaya ng agent performance, quality ng mga interaksiyon, at customer insights. Puwede ninyong pag-aralan ang data na ito at ma-optimize ang mga proseso para makapagbigay ng pinakamahusay na customer experience.
Would you like to make better calls?
Start your 14-day trial for free and set up your own virtual call center with LiveAgent
Frequently Asked Questions
Ano ang mga benepisyo ng phone number masking?
Ang anonymous communication sa pamamagitan ng call masking ay may offer na maraming benepisyo kasama ang personal phone number protection habang nasa business calls at sa messaging services, mataas na customer responsiveness at engagement, mas maayos na focus sa customer privacy, tipid sa gastos, mas maayos na call management, at pangkalahatang maayos na proteksiyon sa individual users.
Paano mag-set up ng call masking?
Depende ito sa call center software at phone service provider na ginagamit ninyo. May iba-ibang setup procedures ang iba-ibang business phone providers. Gayunman, sa kadalasan, dapat ay puwede ninyong mai-set up at ma-configure ito sa standard na settings panel. Nakadepende ang puwede ninyong ma-configure sa VoIP feature na ito sa call center solution at VoIP provider na inyong ginagamit.
Sino ang gumagamit ng call masking?
Ang call masking ay ginagamit sa maraming global business na may presensiya sa iba’t ibang bansa. Ang iba pang mga industriyang nakakakita ng halaga ng phone masking ay ang mga may malalaking bilang ng customer data katulad ng finance, healthcare professionals, travel, at delivery services, pati pa rin contact centers, online marketplaces, at eCommerce platforms.
Expert note
Ang call masking ay isang feature ng VoIP na naitatago ang identity ng nagtatawag. Hinahayaan nito ang paggamit ng pansamantalang phone number para sa secure na call experience.

Ang Pinakamainit na Balitang AI ng linggo
Pangunahing mga himaymay ng Voice of AI ang natatalakay sa paulit-ulit na episodes, kasama ang paggamit ng Google Bard at ang mga huling development sa teknolohiya at AI.
Ang VoIP ay isang teknolohiyang ginagamit para sa phone calls sa pamamagitan ng Internet. Ang unified communication naman ay isang suite ng tools sa business communication tulad ng fax machine, email, phone calls, video conferencing, at iba pa. Sa pagpili ng pinakamagaling na VoIP provider, dapat bigyang-pansin ang murang international calling, pagtitipid sa gastos, mataas na kalidad ng serbisyo, customer support, at reputasyon ng provider. Ang LiveAgent ay isang maaasahang VoIP service provider na nagbibigay ng hosted na VoIP solution para sa communication ng team, customer, at clients.
Ang mga business ay gumagamit ng VoIP phone numbers para sa magandang customer service at mababang halaga ng tawag. Maaari itong gamitin para tawagan at makipag-usap sa mga potential at current customers. Ang VoIP numbers ay makukuha mula sa VoIP service providers at maaaring malaman kung ang isang numero ay VoIP sa pamamagitan ng mga online na tool. Ang VoIP ay mas mura kaysa sa regular phones at hindi nakatali sa isang lugar. May fixed at non-fixed na VoIP numbers at puwedeng malaman ang may-ari ng non-fixed VoIP number sa pamamagitan ng specialized tools.
Mga kasangkapan ng call center
Tamang kasangkapan ng call center ang nagpapasigla ng negosyo at pinapabuti ang serbisyo at pagganap ng mga ahente sa tawag.