Libreng trial

Mga must-read email template

Minsan, may mga news o announcement na importanteng ma-label bilang “must-read” na impormasyon. Puwedeng update ito tungkol sa kompanya, sa isang sitwasyon, o statement tungkol sa isa sa inyong produkto o serbisyo.

Dahil tingin ninyo’y ang impormasyon ay napaka-importante, isang magaling na paraan sa pag-share nito ay ang pagpapadala ng must-read emails. Puwedeng ipadala ito sa buong email list ninyo o naka- target lang sa ilang relevant segments (sana’y segmented ang inyong user database!).

Ang email ay isang epektibong paraan sa pagkalat ng balita dahil popular pa rin itong uri ng communication. Maraming gumagamit ng email araw-araw at iniiwan lang nilang bukas lagi ang kanilang inbox kaya makikita nila ang message ninyo kapag pinadala na ninyo. Mache-check din ninyo ang open rate para malaman kung ilang recipients ang talagang nagbasa ng ibinahagi ninyo sa kanila.

Dahil sa ganitong kaalaman, malalaman ninyo kung epektibo ang inyong must-read emails. Kung mababa ang open rate, kailangan ninyong taasan ang impact ng message sa pagsulat ng subject lines na magiging bukod-tangi sa isang punong inbox.

Mga must-read email template
Must-read email template mula sa Google

Ano ba ang must-read email?

Anumang email na naglalaman o dinidirekta kayo sa isang announcement na tingin ninyo’y essential reading ay puwedeng ma-classify bilang must-read email. Di tulad ng ibang content emails tulad ng newsletters, ang must-read emails ay walang fixed na schedule. Pinapadala lang sila kung kailangan.

Kung maikli lang ang ilalabas ninyong statement, posibleng ilagay na lang ang impormasyong ito sa email body mismo. Pero kung mahaba-haba ang update o di tugma ang format na mabasa sa inbox, baka mas mainam kung ipadadala ito bilang attachment sa message. Puwede ring magpadala ng must-read email na may maikling paliwanag at may kasamang link sa ibang online location kung saan nila mababasa ang buong must-read text.

Email template customization
Mag-customize ng email templates sa LiveAgent

Mga must-read email subject line

  • Importanteng update tungkol sa [kompanya] sa loob
  • Must-read: isang statement tungkol sa [isyu]
  • Pakibasa ang isang importanteng update na naka-attach mula sa [kompanya]
  • News tungkol sa [isyu] kasama sa message na ito
  • Bisitahin ang aming [website/blog/ibang sources] para sa isang importanteng announcement
  • Statement mula sa [kompanya] tungkol sa [isyu]: sundan ang link sa loob

Mga must-read email template

Must-read email template 1 – announcement na nasa email body


Dear [name],

As one of our valued subscribers, we thought that you would like to be informed about the most recent developments at [company].

We consider the following important [new/updates/changes] to be essential information for all of our existing clients:

Announcement 1
Announcement 2
Announcement 3

Thanks for reading, and don’t hesitate to get in touch if you have any questions regarding this announcement or any other issues.

King regards,
The [company] team

Must-read email template 2 – naka-attach na statement


Hello [name],

Have you heard the important news about [issue]?

We have made a full statement in the document that is attached to this email.

Your understanding at this time is much appreciated, and your business is valued as always.

I’d be happy to provide more information if required, just let me know by replying to this email.

Best wishes,
[Name], [position] at [company]


Hi [name],

We have some important [news/updates/changes] that we thought you would like to be informed about.

The complete announcement can be found on our [website/blog/other sources] here [link].

Here are some of the key pieces of information that you will find in our announcement.

Statement 1
Statement 2
Statement 3…

Please feel free to ask any questions that you might have regarding this matter, or anything else.

Best,
[Name] from [company]

Frequently asked questions 

Gaano kadalas dapat magpadala ng must-read emails?

Puwedeng magpadala ng must-read emails tuwing may importanteng update na tingin ninyo’y dapat malaman ng lahat ng inyong clients. Para masiguradong aabot ang news sa maraming tao at para ma-monitor ang open rates (para malaman kung binabasa nga ba o hindi ng recipients ang mga announcement), dapat ipadala ang mga message bilang hiwalay na email mula sa ibang content.

Hindi sila magkakaroon ng regular posting schedule tulad ng ibang uri ng content emails. Kailangan ninyong isipin kung necessary ba ang isang must-read email. At kung malaman ninyong masyado kayong maraming pinapadala, baka mali ang classification ninyo ng kung ano ba dapat ang ikonsidera bilang essential news.

Saan puwedeng i-post ang must-read statement?

Ang pinakamagandang lugar sa pag-share ng importanteng statement ay sa email body mismo. Dito nababasa ng recipients ang update sa mabilis at madaling paraan na di na kailangang mag-click ng links o buttons para mapunta sa labas.

Pero baka mahaba ang announcement minsan para sa email body lang o nais ninyong magbigay ng karagdagang impormasyon sa isang mas permanenteng location kaysa sa malunod ito sa isang inbox. Anuman ang kaso, magandang ideya na i-attach ito sa email bilang document o maglagay ng link papunta sa must-read news na naka-post sa inyong website, blog, o social media platforms.

Puwede bang magpadala ng internal na must-read email?

Ang pinag-uusapan natin dito ang must-read news bilang klase ng content para sa inyong users. Pero siyempre may ilang business-related news ding dapat i-share nang internally lang. Ang ilang email templates ay puwedeng magamit sa parehong internal at external na updates. Pero ang ilang announcements ay dapat maging email copy o local intranet post lang dahil baka may confidential information ditong hindi dapat isapubliko.

Discover all that LiveAgent has to offer.

Sign up for our free, 14-day, all-inclusive trial today. No credit card required.

{ “@context”: “https://schema.org”, “@type”: “FAQPage”, “mainEntity”: [{ “@type”: “Question”, “name”: “Gaano kadalas dapat magpadala ng must-read emails?”, “acceptedAnswer”: { “@type”: “Answer”, “text”: “Puwedeng magpadala ng must-read emails tuwing may importanteng update na tingin ninyo’y dapat malaman ng lahat ng inyong clients. Pero kailangan ninyong isipin kung necessary ba ang isang must-read email. At kung malaman ninyong masyado kayong maraming pinapadala, baka mali ang classification ninyo ng kung ano ba dapat ang ikonsidera bilang essential news.” } }, { “@type”: “Question”, “name”: “Saan puwedeng i-post ang must-read statement?”, “acceptedAnswer”: { “@type”: “Answer”, “text”: “Ang pinakamagandang lugar sa pag-share ng importanteng statement ay sa email body mismo. Pero kung mahaba ang announcement, mas mainam na ipadala ito bilang message na may attached document o link.” } }, { “@type”: “Question”, “name”: “Puwede bang magpadala ng internal na must-read email?”, “acceptedAnswer”: { “@type”: “Answer”, “text”: “Oo, pero bago ninyo ipadala, alamin kung may confidential information ang announcement para makapili kayo ng nararapat na channel para sa balita. Para rin makaiwas kayo sa mga potential na pagkakamali.” } }] }
Balik sa templates Gumawa ng LIBRENG account

Gumagamit ng cookies ang website namin. Sa pagpapatuloy mo dito, awtomatikong tatanggapin namin na may permiso kami sa pag-deploy ng cookies na nakadetalye sa aming polisiya sa privacy at cookies.

×
Mag-schedule ng one-on-one na tawag at alamin kung ano ang benepisyo ng LiveAgent sa inyong business.

Maraming petsa ang bakante

Mag-iskedyul ng demo