OptiTELECOM integration
Partner website
Ano ang OptiTELECOM?
Noong 2008 pa nagsimula ang operasyon ng OptiTELECOM at naka-focus ito sa IP solutions, partikular sa Telephone Exchanges at IP Telephones.
Ang OptiTELECOM ay patuloy na nagsusumikap para makapag-offer ng makabago pero matatag na solution para sa mga customer, na may kombinasyon ng commercial at technical na functions para laging makapag-offer ng pinakamahusay na solutions.
Ito ay may specialized na technical support team na bukas 24 oras araw-araw para suportahan ang Virtual Telephone Exchange ng inyong kompanya, dahil ang pagpapatakbo ng inyong business ang aming inaalala.
Ang serbisyo ng Virtual Telephone Exchange, pati na rin ang mga konektadong komunikasyon, ay ipinagkaloob ng isang national reference operator na legal na rehistrado at awtorisadong magpatakbo sa Portugal.
Paano ito magagamit?
Paano makakabenepisyo sa LiveAgent call center?
Ang pinakamahusay na bahagi rito ay ginagawa ng LiveAgent IVR feature ang lahat ng trabaho, at nagiging hassle-free ang karanasan ng mga customer. Kailangan lang nilang pakinggan ang IVR menu at pindutin ang nararapat na dial pad key (tulad ng “pindutin ang 1 para sa sales”) para makonekta sa tamang tao na tutulong sa kanila.
Sa maling department ba aksidenteng kumonekta ang customer? Simple lang ang solusyon dito — gamitin ang call transfers nang iruta ang customer sa isa sa inyong mga katrabaho para makatipid ng oras.
Nakakalimutan ba ninyo ang mga sinasabi ng mga customer? Huwag mag-alala. Nire-record ng LiveAgent ang lahat ng incoming at outgoing call at itinatago itong lahat sa sistema. Kung kailangan mong alalahanin ang anumang detalye, hanapin lang ang ticket at pakinggan ang buong call recording. Puwede ring gamitin ang call recording sa training ng mga bagong agent para maipakita sa kanila ang mga tamang pagsagot sa mga tawag ng customer.
Gusto pa ninyo ng karagdagang impormasyon tungkol sa features ng call center namin? Bisitahin ang aming Call Center feature page na naglalaman ng lahat ng impormasyon tungkol sa kapasidad ng LiveAgent call center.
Paano ang integration ng OptiTELECOM VoIP sa LiveAgent?
Kung gusto ninyong gumawa ng LiveAgent call center ninyo kasama ang OptiTELECOM bilang VoIP provider, sundan ang simpleng guide na ito.
- Buksan ang LiveAgent at pumunta sa Configuration > Call > Numbers. I-click ang orange na Create button sa taas.
- Piliin ang OptiTELECOM sa listahan ng VoIP providers
- Ilagay ang pangalan at ang number, piliin ang department, ilagay ang mga detalye ng login ninyo, at piliin ang dial-out prefix number ninyo. Puwede ring ilagay o alisin ang check option na magre-record ng lahat ng tawag na makukuha at gagawin mula sa number na ito. Kung tapos ma kayo, i-click ang Add button sa ibaba.
Ang phone number ay nasa LiveAgent na at handa nang gamitin. Kung gusto ninyo, magdagdag pa ng maraming OptiTelecom phone numbers o magdagdag ng ibang numbers mula sa ibang VoIP providers.
Alamin ang karagdagang impormasyon tungkol sa LiveAgent Call Center software
Gusto ba ninyong alamin kung ano pa ang magagawa ng LiveAgent? Panoorin ang video sa ibaba para makita ang kabuuang tour ng aming customer support software.
Don't have LiveAgent yet?
No problem! LiveAgent offers a 14-day free trial where you can test the free Modulus integration!
Frequently Asked Questions
Ano ang OptiTELECOM?
Ang OptiTELECOM ay isang Portuguese na operator na nag-specialize sa VoIP mula noong 2008, at naka-focus sa IP solutions, tulad ng Telephone Exchanges at IP Telephones.
Magkano ang aabutin sa pag-integrate ng OptiTELECOM sa LiveAgent?
Naka-integrate na sa LiveAgent ang OptiTELECOM kaya libre na ang integration. Pero tandaang hiwalay ang bayad ng mga serbisyo ng OptiTELECOM.
Paano ninyo pagaganahin ang OptiTELECOM VoIP number sa loob ng LiveAgent?
Tulad ng nabanggit kanina, ang OptiTELECOM ay bahagi ng ng LiveAgent. Mag-log in lang at sundan ang guide sa ibaba: 1. Pumunta sa Configurations > Call > Numbers > OptiTELECOM 2. Ilagay ang VoIP number at gamitin agad