MySQL integration
Partner website
Partner Privacy Policy
MySQL Privacy policy
Ano ang MySQL?
Ang MySQL ay isang relational database management system na nakabatay sa SQL. Mas ginagamit ito sa mga web database, at puwede itong magtago ng impormasyon tungkol sa mga available na produkto at online store.
Paano ito magagamit?
Sinusundan ng integration na ito ang mga update tungkol sa mga bago ninyong customer, column, at row sa inyong mga query. Puwede rin kayong gumawa dito ng panibagong mga row, mag-manage ng mga customer, gumawa ng panibagong conversations, at maghanap ng mga row sa queries
Mga Benepisyo
- Napapanatiling organisado ang inyong inventory
- Di na kailangang magpalipat-lipat, available na ang lahat sa iisang solution
Frequently Asked Questions
Ano ang MySQL?
Ang MySQL ay isang database service na pangunahing ginagamit para sa mga web database. Halimbawa, maingat nitong naitatago ang buong eCommerce inventory ninyo.
Ano ang characteristics ng MySQL?
Ang MySQL ay isang relational database management system. Nakabatay ito sa SQL queries at puwedeng makapag-access at makapag-manage ng table records. Madali itong gamitin, may seguridad, at scalable. Flexible rin ito at puwedeng ma-download nang libre. Mas importante, gumagana ito alinsunod sa client/server architecture.
Puwede bang gamitin sa LiveAgent ang MySQL?
Sa LiveAgent, puwedeng gamitin ang MySQL, na nagbibigay kakayahan sa inyong mag-manage ng relational databases. Dahil dito, makatatanggap kayo ng notifications tungkol sa mga bagong customer, makakatipid sa oras ang customer service gamit ang iisang interface, at puwede pang mag-manage ng customers ninyo gamit ang LiveAgent.