Bria (X-lite) integration
Partner website
Partner Privacy Policy
Ano ang Bria?
Ang Bria na dating X-lite ay isang softphone software na may libreng version at may tatlong bayad na version na nababagay sa mga individual, teams, at mga buong organisasyon. Napaka-versatile ng software solution na ito na may offer na basic functionality sa libreng plan at may dagdag na advanced features sa bawat tumataas na bayad na mga plan. Magandang piliin ang Bria lalo na para sa mga team at kompanyang nangangailangan ng use cases at advanced features.
Paano gamitin ang Bria?
Ang Bria ay puwedeng gamitin bilang softphone solution para sa inyong business. Nababagay siya sa karamihan ng pangangailangan sa personal at sa business dahil sa malawak nitong importante at advanced features. Ang pinakamaganda sa Bria ay madali itong maging scalable batay sa inyong pangangailangan at gusto. Puwede ninyong i-maintain ang inyong libreng plan, at kung gugustuhin, puwedeng i-upscale ito sa mas advanced na plan.
Puwedeng gamitin ang Bria bilang dedicated softphone solution para sa inyong LiveAgent call center. Gumagana ito sa bawat feature ng call center, at madali itong i-integrate sa call center system ng help desk software. Samantalahin ninyo ang features ng LiveAgent tulad ng IVR, automatic callbacks, kumpletong call history, at madami pang iba.
Presyo ng pag-integrate ng Bria
Ang Bria ay may libreng plan pero limitado ang features nito, at meron din itong tatlong bayad na plan na may dagdag na features. Ang Solo at Teams plan ay may halagang mula $2.95 hanggang $4.95 kada buwan habang ang Enterprise plan ay nangangailangan ng custom quote. Ang features ng libreng plan ay limitado at puwedeng magamit ng kahit sino basta makumpleto ang libreng trial ng kahit anong plano.
Ano ang mga benepisyo ng Bria?
- Flexible at versatile na softphone
- Magandang user interface
- Pinapayagan ang upscaling kapag kinakailangan
- Madaling i-setup at i-install
Paano mag-integrate ng Bria sa LiveAgent
Ang Bria ay puwedeng i-integrate sa LiveAgent bilang inyong dedicated na softphone calling device. Para magkapagsimula, kailangan ay meron na kayong VoIP provider service at active na account sa LiveAgent. Puwedeng simulan ang inyong libreng trial sa link na ito at i-download ang application sa susunod pang hakbang sa guide na ito.
- Magsimula sa libreng trial sa website ng Bria. Kailangan ninyong piliin ang isa sa may bayad na plan para puwede nang magamit ang inyong libreng trial. Ibabalik ng Bria sa libreng version ang inyong account pagtapos ng libreng trial, o puwede rin ninyong ituloy ang may bayad na plan. Ilagay lang ang inyong email address at iba pang detalye, pagtapos ay dadalhin kayo ng website sa dashboard.
- Ngayon, kailangan ninyong i-setup ang inyong voice account. I-click ang button na orange para gawin ito at piliin ang Configure SIP settings. Kailangan ninyong pumunta sa inyong LiveAgent account para makuha ang kinakailangang data para sa susunod na hakbang.
- Buksan ang LiveAgent app at pumunta sa Configuration > Call > Devices. I-click ang button ng Create at piliin ang SIP. Ngayon, ilagay ang inyong VoIP provider number at pangalanan ang device. Kapag tapos na, i-click ang View button (eye icon) at gamitin ang data na nakita ninyo sa voice configuration ng Bria sa nakaraang hakbang.
- Ngayon, kumpletuhin ang setup at i-download ang Bria. Ang integration ay tapos na at puwede na kayong magsimulang sumagot ng tawag diretso sa inyong LiveAgent dashboard. Ang mga may bayad na plan sa Bria ay pinapayagan ang users na magdagdag ng iba pang VoIP number sa configuration nito, kaya puwede kayong magdagdag ng numbers na gagamitin ninyo sa inyong LiveAgent call center.
Start handling your calls effectively
LiveAgent's call center works with the ticketing system to help you communicate faster and provide a better service. Start your free trial today!
Frequently Asked Questions
Ano ang Bria?
Ang softphone software na Bria, kilala dati na X-lite, ay may libreng version at may tatlong plan na may bayad para sa individual, teams, at mga organisasyon. Maraming puwedeng pagpilian sa softphone solution na may offer na basic features sa libreng plan, at advanced features naman para sa subscription plans. Ang Bria ay maganda lalo na kung para sa teams o mga kompanyang marami ang pangangailangan.
Paano gamitin ang Bria?
Puwede ninyong magamit ang Bria bilang softphone solution sa inyong business. Meron itong malawak at advanced features kaya bagay ito sa karamihan ng personal o business scenario. Sa Bria, madali itong ma-scale sa inyong pangangailangan at preferences. May libreng plan at meron ding advanced plans.
Ano ang mga benepisyo ng Bria?
Ang Bria ay flexible at versatile, meron itong magandang interface, at puwedeng i-upscale ito ng users kung gusto nilang makakuha ng iba pang dagdag na features. Madali rin itong i-install at i-setup kasi ginagabayan kayo habang ginagawa ninyo ang buong proseso.
Paano mag-integrate ng Bria sa LiveAgent?
Puwede ninyong i-integrate ang Bria sa LiveAgent. Gumawa lang kayo ng bagong softphone sa call device configuration ng LiveAgent. Pagkatapos, makikita na ninyo ang kailangang data para sa configuration ng VoIP setting ng Bria. I-click ito para makita ang buong integration guide.
Ang Zimbra ay isang solusyon para sa personal na business email communication at collaboration. Nagbibigay ito ng innovative na messaging experience at nakakonekta sa end users sa kanilang personal cloud. Puwede itong magamit sa LiveAgent para magbigay ng mahusay na customer support. Subukan ito ng libre ngayon!
LiveAgent ay isang platform ng call center at IVR software na nagbibigay ng personalized assistance at tumutulong sa customer satisfaction at benta. May mga migration plugin tulad ng NiceReply na nagbibigay ng feedback sa customer. Puwede itong mai-integrate sa LiveAgent para malaman ang satisfaction score ng mga kustomer. Ang LiveAgent ay may mga tampok tulad ng forum ng kustomer at interactive voice response. Mayroon din itong mga aplikasyon sa social media tulad ng Facebook, Twitter at Instagram, at sa Viber. Ang X-Cart ay isang platform ng shopping cart na nagbibigay-daan sa iyo upang mabuo ang iyong eCommerce store at mayroong mga integration mula sa LiveAgent tulad ng live chat button.
Ang Trello ay isang mahusay na kasangkapan sa pamamahala ng proyekto at gawain na may visual board. Madaling gamitin at maaaring ipasadya. Maaari itong isama sa LiveAgent at magbigay ng mga benepisyo tulad ng naka-advance na pamamahala ng gawain at mas mahusay na daloy ng trabaho. Ginagawang madali ng Zapier ang integrasyon ng Trello at LiveAgent.