Ano ang password validator?
Ang password validator ang makapagsasabi kung katanggap-tanggap ang naiisip ninyong password. Para matukoy kung okay ang password, magpapatakbo ng ilang pag-check ang validator para masiguradong naaabot ng password ang minimum na kailangan sa haba, may iba’t ibang character na kasama, o kung hindi pa ito nagagamit dati. Natutukoy din ng mga password validator kung ang password na nais ninyong gamitin ay lumabas na sa mga nakaraang data breach at data leak.
Paano gumagana ang mga password validator?
May built-in na fraud protection setting ang mga password validator na nagdidikta ng minimum level ng password bago ito tanggapin. Maaaring tumutukoy ang level na ito sa minimum na bilang ng character, pagkakaiba-iba ng character, o kombinasyon ng dalawa.
Kadalasan, nakikita ng password validator ang katatagan ng password habang tina-type pa lang ito ng user. Nagsisimula ang lahat ng password bilang mahina o weak (kulay red), at habang nagdaragdag ang user ng mas maraming character na iba-iba o kung mas humahaba ito, magiging malakas o strong (green) na ang password.
Ano ang ginagawa ng LiveAgent password validator?
Hindi kayo hahayaan ng LiveAgent password validator na pumili ng isang mahinang password. Pipilitin kayong maglagay ng mas malakas na password na dapat ay di pa nagagamit dati. Kapag pumili kayo ng mahinang password, makikita ninyo ang error message na magsasabing galingan pa ninyo ang password quality at magbibigay din ng ilang suggestion kung paano ito gagawin.
Sasabihin din sa inyo ng LiveAgent password validator kung ang gusto ninyong password ay dati nang na-leak o konektado sa anumang data breach.
Ano ang malakas na password?
Para siguraduhing malakas ang password ninyo, sundin ang sumusunod sa paggawa ng password:
- May 8-15 na character
- May isang uppercase letter at isang lowercase letter
- Dapat may numero kahit isa lang
- Dapat may isang special character (halimbawa: @!?=]
Bakit kapaki-pakinabang ang password validator?
Kapaki-pakinabang ang password validator dahil sinisigurado nitong malakas ang gagamitin ninyong password at hindi madaling hulaan o ma-hack. Tandaan, ang malakas na password ay magbibigay proteksiyon sa data ninyo at haharang sa mga hacker na nakawin ang sensitibong impormasyon. Dahil protektado ang inyong impormasyon gamit ang mga kakaiba at malakas na password sa lahat ng website, nasisigurado ninyong:
- Hindi mananakaw ng mga hacker ang identidad ninyo
- Protektado ang impormasyon ng credit card at bangko ninyo
- Hindi maha-hack ang iba ninyong account
- Walang hacker na magba-blackmail sa inyo
- Hindi ninyo mailalagay sa panganib ang inyong pamilya, boss, o kliyente
Paano ko matatandaan ang mga complex na password?
Kadalasan, ang malalakas na password ay mga random string ng character at numero kaya mahirap silang tandaan. Minsan, naiisip nating magandang isulat na lang sa papel o sa notes ng phone ang mga password, pero hindi ito magandang ideya. Puwedeng mawala ang papel na iyon, o kaya ay makuha ng iba. Ganoon din sa pagsusulat ng password sa phone. Tulad ng mga computer, puwedeng ma-hack ang mga phone. Kapag napunta sa maling kamay ang phone, puwedeng mabulilyaso ang inyong identidad at bank account.
Ang pinakamagandang paraan ng pagtatago ng mga complex password ay ilagay sa loob ng password manager. Ang password manager ay isang software app na may bayad kung saan puwedeng itago ang mga password, credit card number, at ibang sensitibong impormasyon. Protektado sila ng isang master password na kailangang malakas din at kakaiba na madali ninyong mamememorya.
Ang ilang halimbawa ng mga password manager app ay:
- LastPass
- Keeper
- Dashlane
- 1Password
- PasswordBoss
- NordPass ng NordVPN
May offer din ang Google na libreng password manager na nagpapakita kung alin sa mga saved password ninyo ang nakasama sa mga data breach.
Want a secure help desk for you and your customers? Look no further!
Ano ang puwedeng gawin kapag may kutob akong may masamang activity o suspetsa ko ay na-hack ang LiveAgent account ko?
Kung suspetsa ninyo ay na-hack ang LiveAgent account ninyo, ang pinakamagandang gawin ay ang i-review ang account security ninyo, na puwedeng gawin sa LiveAgent password audit log. Doon malalaman kung may hacker na nag-lock at humarang sa isa sa mga agent account ninyo. Ang susunod na gagawin ay sabihan ang lahat ng user na palitan agad ang password nila at siguraduhing pinapagana nila ang kanilang 2-factor authentication.
Ano ang password audit log?
Ang LiveAgent password audit log ay nagre-record ng bawat pagpapalit ng password na gawa ng inyong mga user. Makikita ng mga admin at may-ari ng account kung anong petsa at oras nag-update ng password ang bawat agent.
Saan ko mahahanap ang LiveAgent password audit log?
- Mag-log in sa LiveAgent
- I-click ang Configuration
- I-click ang Agents
- Hanapin ang 6th column na may title na “Password updated”
Knowledge base resources
- LiveAgent security policy
- Content security policy
- General protection settings
- Paano tutukuyin ang mga password requirement
- Ban IPs
Handa na kayong protektahan ang inyong help desk?
Siguraduhing protektado ang data ng inyong mga kliyente gamit ang password validator, 2-factor authentication, at ang aming password audit log. Subukan ang LiveAgent ngayon gamit ang libreng 14-araw na trial. Di kailangan ng credit card.
{ “@context”: “https://schema.org”, “@type”: “FAQPage”, “mainEntity”: [{ “@type”: “Question”, “name”: “Ano ang password validator?”, “acceptedAnswer”: { “@type”: “Answer”, “text”: “Ang password validator ang makakapagsabi kung katanggap-tanggap ang naiisip ninyong password. Para matukoy kung okay ang password, magpapatakbo ng ilang pag-check ang validator para masiguradong naaabot ng password ang minimum na kailangan sa haba, may iba’t ibang character na kasama, o kung hindi pa ito nagagamit dati. Natutukoy din ng mga password validator kung ang password na nais ninyong gamitin ay lumabas na sa mga nakaraang data breach at data leak.” } }, { “@type”: “Question”, “name”: “Paano gumagana ang mga password validator?”, “acceptedAnswer”: { “@type”: “Answer”, “text”: “May built-in na fraud protection setting ang mga password validator na nagdidikta ng minimum level ng password bago ito tanggapin. Maaaring tumutukoy ang level na ito sa minimum na bilang ng character, pagkakaiba-iba ng character, o kombinasyon ng dalawa. ” } }, { “@type”: “Question”, “name”: “Ano ang password audit log?”, “acceptedAnswer”: { “@type”: “Answer”, “text”: “Ang LiveAgent password audit log ay nagre-record ng bawat pagpapalit ng password na gawa ng inyong mga user. Makikita ng mga admin at may-ari ng account kung anong petsa at oras nag-update ng password ang bawat agent. ” } }] }