Depinisyon ng call center compliance
So, ano ang ibig sabihin ng call center compliance? Ang compliance ay ang pagsunod sa rules/orders. Kaya ito ay ang pagsunod sa mga partikular na rules ng isang call center. Halimbawa, ang call center security at PCI compliance.
Seguridad ng call center
Ang security component ng call center software ay napakahalaga. Puwede tayong magkaroon ng malaking vulnerability tulad ng knowledge management systems, employee entry portals, at email. Mahalaga ito para sa call center para magkaroon ng pinakabagong generation security protocols. Kaya posibleng makapagtago ng mga impormasyon ng kompanya sa isang virtual data room. Makatutulong ito para mapataas ang productivity at mapababa ang operating costs.
Personal data threat
May breaches na nangyayari sa iba’t ibang kompanya tulad ng healthcare providers, financial institutions, at kahit ang customer service companies. Pero ang breaches ay puwedeng makaapekto sa mga call center pagkatapos nito. Ang mga call center ay kadalasang may Personally Identifiable Information (PII) para ma-double-check ang mga credentials ng caller. Kung ang mga detalyeng naglalaman ng impormasyon ng bank cards, email addresses, at araw ng kapanganakan ay dati nang na-leak, may panganib na maging vulnerable ang mga detalye ng customer.
Internal threat
Marami ang internal threats sa isang call center security policy. Puwede itong iba-ibang klase:
Temporary na mga empleyado
Ang bawat institusyon ay may isang set ng temporary workers na planong lubusin ang oras nila sa isang kompanya bago umalis sa posisyon.
Aksidenteng nagki-click
May mga indibidwal na naglalabas ng customer data, na medyo sensitibo, sa pamamagitan ng pag-click sa malicious links.
Empleyadong may galit
Ang threat na ito ay nanggagaling sa isang empleyadong puwedeng may malalim na galit at madalas na ikinikumpara sa Trojan horse kapag sinusubukan nilang ma-access ang mga sensitibong data.
Internal hacker
Ang threats na ito ay malamang na lalabas mula sa IT department. Dito titingin ang mga magagaling na hackers para ma-manipulate ang vulnerability o exposed sections ng data center.
Basic cleaner
Ang threats na ito ay galing sa mga tao na gumagamit ng USB sticks para makapag-load ng keyloggers at iba pang malicious software para makapagnakaw ng pribadong data.
External threat
Dumarami ang bilang ng external threat kamakailan lang. Sinusubukan ng mga ito na lubusin ang mga bagong technological vulnerabilities sa loob ng isang kompanya. Ang mga kriminal ay puwedeng makaisip ng napakaraming paraan para ma-bypass ang endpoint at network security technology, na napahusay nitong nakaraang mga taon. Halimbawa, ang paghusay ng security features sa debit at credit cards ay nagresulta sa pagtaas ng direktang mobile fraud.
Mga dahilan para ayusin ang seguridad ng call center
Maraming dahilan para paghusayin ang security status ng isang call center.
Ang mga pangkaraniwang dahilan ay ang sumusunod:
- Para maiwasan ang pagkawala ng reputasyong pinagtibay ng ilang taon
- Potensiyal na makakuha ng mga multa o parusa sa hindi pagsunod sa mga regulasyon
- Ang masamang customer experience ay puwedeng magpalugi sa negosyo
- Walang kakayahang magpanatili ng staff o paunlarin ang negosyo
- Potensiyal na maging biktima sa social media
PCI compliance – Call center
Nakakita na tayo ng digital transformation sa lahat ng industriya, pero meron pa ring butas sa usapin ng cybersecurity. Ang PCI-DSS (Payment Card Industry Data Security Standard) ay nabuo bilang paraan para mapahusay ang payment data storage. Ang pagsunod na ito ay naging napakahalaga sa negosyo namin. Ang PCI standard ay puwede sa lahat ng sektor na humahawak ng data ng mga cardholder. Ito ay mahalaga para makamit ang call center compliance. Kung hindi naman, puwede itong humantong sa pagkasira ng reputasyon, pagkalugi ng negosyo, at pati multa na mula $5000 kada buwan.
Mga pagbabagong dulot ng PCI compliance
Kailangan nating makamit ang anim na goals para maging isa sa pinakamahusay sa usapin ng pag-asikaso ng data. Ang Security Standards Council ang nasa likod ng mga layuning ito:
Pagbuo at pagpapanatili ng isang secure network
Ang bawat sensitibong impormasyon na nasa amin ay itinatago sa likod ng matitibay na firewalls at safety controls. Sinisiguro nito na hindi makalalapit ang mga gustong makakita ng mga ito.
Paggawa ng vulnerability management program
Kailangang updated ang mga software program at may antivirus program
Protektahan ang data ng cardholder
Ang encryption ng impormasyon ng customer ay isa sa mga unang hakbang bago itago ang data sa system namin. Hindi na katanggap-tanggap na praktis ang pagsusulat ng impormasyon sa papel.
Paggamit ng matibay na access control measure
Ang cardholder data ay hindi dapat binibigyan ng physical access. Ang bawat agent sa call center ay dapat may sariling ID bago makapagbukas ng computer.
Paggamit ng information security policy
Ang focus nito ay sa pagbibigay ng information safety sa mga contractor at empleyado.
Mga praktis na dapat iwasan para sa PCI compliance
Meron ding mga call center na may mga gawain na nakakakompromiso sa secuity – kasama ang ideya ng pagbabasa ng sensitibong data. May mga partikular na mga praktis na kailangang itigil para sa PCI compliance ng call center. Ito ay ang mga sumusunod:
Voice transactions na walang encryption
Hindi mabuting kolektahin ang impormasyon ng cardholder habang nasa telepono. Kung hindi maiiwasan ang ganitong sitwasyon, mahalagang gumamit ng encryption technology.
Pagbibigay ng access sa payment information
Hindi ito dapat binibigay kahit na kausap sa telepono ang customer.
Pag-share ng cardholder data
Kahit ang mga agent ay hindi dapat nakakakuha ng access sa impormasyon nang walang tamang security measures at may katuwirang layunin.
Pagsulat ng sensitibong impormasyon
Ang data ng cardholder ay hindi dapat sinusulat sa papel sa kahit na anong pagkakataon.
Paggamit ng mobile devices
Ito ay mainam na paraan para mapataas ang insidente ng information leak.
Panghuling salita
Ang pagpapatakbo ng negosyo ay napaka-demanding. At ang pag-aalaga sa mga customer sa tamang paraan ay mas mahirap kaysa sa iniisip ninyo. Ang mga call center ay pinakamainam sa negosyo. Pero ang security policy at matatag na compliance strategy ay kinakailangan sa lahat ng gustong lutasin ang problema sa tamang paraan. Sana’y nagsilbing matatag na reference ang article na ito para sa mga executive na naghahanap ng quality information.
Diskubrehin ninyo
Try out LiveAgent for FREE
Handle all customer inquiries from one interface. Start improving your customer service with a 14-day free trial right away!