Libreng trial

Language switcher

–Hidden comment

Use attributes in format region_from and region_to= to change the languages showing in language switcher.
Available regions are:
europe_from europe_to
asia_from asia_to
mideast_from mideast_to
america_from america_to

Example:
europe_from=0 europe_to=22 will put all languages (ordered in language switcher settings) from 1 to 21 to Europe region:
asia_from=22 asia_to=25 will put all languages from 23 to 24 (so only 2) into Asia region.

post affiliate pro

Post Affiliate Pro

Ang Quality Unit ay naitatag mula pa noong 2004. Ang unang produktong binuo nito ay ang minamahal mong Post Affiliate Pro. Ito ay kaakibat na software na nagpapatakbo ng buong kaakibat na programa mula itaas hanggang ibaba. Habang tumatagal ang software ay naging mas complex, mayamang tampok at ang pangangailangan dito ay umabot sa napakataas na limitasyon.

“Napagtanto namin na hindi namin ito kayang ipirmi at upang magtagumpay kailangan naming magbigay ng hindi lang software ngunit buong karanasan.”

Ang simpleng kaisipan na ito ay naging binhi na lumaki bilang LiveAgent – magnum opus ng Quality Unit sa lugar ng serbisyong kustomer.

Ang Post Affiliate Pro mismo ang dahilan kung bakit nabuo ang LiveAgent. Ang mga empleyado ay nangangailangan ng epektibo at madaling gamiting kasangkapan upang tumugon sa mga katanungan ng kustomer. Kaya nagsimula ang pagbuo sa LiveAgent Helpdesk software.

Post Affiliate Pro

Bigla, ang rate ng kasiyahan ng kustomer ng Quality Unit’s ay napakataas. Ang mga suportang ahente ay nagpapasalamat sa pagkakaroon ng mahusay na software upang magbigay ng mg sagot at napagtanto ng mga tagapagtatag na mayroon silang nagagawang pagbabago. Ang kumpanya ay nasisiyahan sa mga benepisyong pagkakaroon ng dalawang mahalagang produkto ng magkasama mula noon.

Ang gawing masaya ang iyong kustomer ay mahalaga. Walang mas mahusay na paraan upang ipakita na handa kang gawin ang lahat maliban sa personal na ugnayan. Sa panahon ng internet, ang ugnayan sa pagitan ng mga mangangalakal at kustomer ay nalipat na sa paraang online. Upang mahawakan ang lahat ng mga katanungan, isyu at pagsisiyasat ng walang putol – bigyan ang LiveAgent ng pagkakataon sa iyong website. Gawin ang parehong bagay na aming ginawa at makamit ang tagumpay.

“Ang paggamit ng LiveAgent ang dahilan kaya ang rate ng kasiyahan ng aming kustomer ay 98,6% at patuloy na tumataas.”

Sa ganitong paraan magkakaroon ka ng perpektong pangkalahatang ideya tungkol sa mga pangangailangan at problema ng iyong mga kustomer na kailangan mong malutas. Ang pagtugon sa mga komento sa Facebook, Tweet, email o hiling na live chat ay magiging napakadali. Sa LiveAgent makakasiguro ka na wala ni isang katanungan ang mawawala o hindi  masasagot.

Post Affiliate Pro

Ang Post Affliate Pro ay makina sa likod ng paglaki ng Quality Unit sa loob ng maraming taon, ngunit hindi namin makakamit ang tagumpay na ito kung wala ang LiveAgent. Sa bawat panahon na ang tao ay nag-iisip tungkol sa paggamit ng lahat ng aming kaakibat na software – ang mga suportang ahente ay naroroon, handang tumulong at ibigay ang lahat ng impormasyon sa mundo sa pamamagitan ng LiveAgent.

Walang sinuman ang maiiwan. Nagbibigay kami sa mga kustomer ng dedikasyon at kagustuhang magbigay ng kahusayan. Naniniwala kami na ito lamang ang paraan kung paano makikilala sa lumalaking kumpetisyon ngayon.

Ang hukbo ng aming mga kasosyo sa negosyo ay pinapahalagahan ang “ligtas na pagkupkop” sa LiveAgent at ganun din sayo. Ang pagkakaroon ng lugar kung saan maaari nilang puntahan kung sila ay may katanungan ay magpapadama sa kanila ng higit na dedikasyon, motibasyon at sa pagtatapos ng araw – makikinabang ang iyong negosyo sa koneksyong ito.

“Binuo namin ang aming tagumpay sa pagbibigay ng buong karanasan. Ito ang aming pinakamahusay na pagsisikap upang panatilihin ang kasiyahan ng mga kustomer. Hindi ito magagawa kung wala ang napakatalinong solusyong helpdesk bilang minamahal naming LiveAgent.”

Martin Palus – Support representative @Post Affiliate Pro

Balik

Marami pang kuwento

Gumagamit ng cookies ang website namin. Sa pagpapatuloy mo dito, awtomatikong tatanggapin namin na may permiso kami sa pag-deploy ng cookies na nakadetalye sa aming polisiya sa privacy at cookies.

×

Mag-schedule ng one-on-one na tawag at alamin kung ano ang benepisyo ng LiveAgent sa inyong business.

Maraming petsa ang bakante

Mag-iskedyul ng demo